Chapter 14

120K 2.5K 89
                                    

If a boy asks you for your name, don't give it to him.
He will say it back to you in a voice like gravel and honey,
and you will crave his hands all through rough and sweet.
But you're not the kind of girl who builds her house from sticks;
you are a fortress, stubborn and strong.
Do not give away the keys to the kingdom
to anyone less than a king.

~Lang Leav~

🍎

INIS kong inirapan si Yro nang tuluyan na akong makababa ng hagdanan. Nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang may nanunuksong ngisi na naglalaro sa labi niya. Nang-uuyam si Kya! Nakakairita lang 'noh?

"You didn't have to change, Brie"

Naka-suot na ako ng black jeans at white loose shirt which I tucked behind the button of my pant. Naka-sneakers na lang din ako na black.

Pinukol ko siya ng matalim na tingin nang tuluyan na akong makababa. "Wag mo kong simulan, Yro"

Tumawa lang siya at inakbayan niya ako. Mabilis kong inalis iyon at iniwan siya roon na tumatawa. "Tawa ka pa. Kabagin ka sana..." Asar kong bulong sa hangin.

"Ang sabihin mo na-miss mo ang gwapo kong mukha"

"Spell ASA, Yro"

I heard him groan while following me. "Briane naman! Sinadya ko ngang hindi ka kontakin ng ilang oras, hindi mo man lang ako na-miss?!"

That moment, nilingon ko siya at kinunotan ng noo nang makitang nakabusangot siya habang nakatingin sa akin.

Hinintay ko siyang magsalita pa pero wala nang lumabas sa bibig niya. Humalukipkip ako. "Nagtampo ka sa akin. Anong rason kung bakit mo ko iniwasan?" Seryoso kong tanong sa kanya at talagang tinignan siya ng seryoso. Kasi baka kapag hindi ko ipakitang seryoso ako, gagawin niya lang joke ang usapan.

Umiwas sya ng tingin.

Nayamot ang mukha ko. "Wag kang iwas ng iwas ng tingin Yro at sagutin mo ko ng masinsinan!" Sabi ko sa kanya. "Kasi sa alam ko'y wala naman akong kasalanan sa'yo. May problema ba?"

Umiling siya and this time, tinangka niyang lumapit sa akin. Wala akong ginawa para pigilan siya nung yakapin niya ako ng mahigpit. "Wala kang kasalanan. Nagpapa-miss lang talaga ako sa'yo"

Hindi ko maituro kung totoo ba ang sagot niya o nagsisinungaling na naman siya dahil hindi ko makita ang mukha niya. So what I did, I hugged him back for a few seconds before cupping both his cheeks. Pinakatitigan ko ang mukha niya at pilit tinukoy ang emosyon na naroroon pero bigo akong bumuntong hininga dahil nakatago na naman ang mga emosyon niya.

Ito talaga ang ayaw na ayaw ko sa kanya. Ito rin ang ayaw na ayaw kong ginagawa niya. Ang itago ang emosyon niya sa akin. He's really good at that but I don't recommend him doing that lalo na kung ako yung kaharap at kausap niya. Hindi ako sanay na ganyan siya sa akin.

Nanatili kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa ako na mismo ang lumayo sa kanya dahil mukhang wala siyang balak tumigil sa titigan challenge na inumpisahan namin. 'Ala rin naman akong makukuhang sagot sa kanya kung tatanungin ko pa siya ulit dahil base sa mukha niya, desidido siyang itago ang bawat emosyon na maaaring pagkuhanan ko ng makabuluhang sagot. At tsaka, siya na rin naman ang nagsabi na wala akong ginawang mali na ikagagalit niya, edi fine! Nagpapa-miss lang daw? Na-miss ko siya actually pero hindi ko aaminin 'yon!

Paniniwalaan ko yung nagpapa-miss lang daw siya. "Okay. Gets ko" Sabi ko na lang.

Syempre kasi wala naman talaga akong ginawang mali! Duh!

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now