Chapter 1

261K 4K 475
                                    

You are my bestfriend
You belong in my heart
We go through ups and downs
But still, nothing can tear us apart
~Mizscorpio~

🍎

INILAGAY ko sa cart ang mga bibilhin naming stock ng babaero kong kaibigan. Nasa supermarket kami ngayon. Kasi naman pinapunta ako ni Yro kanina sa condo niya para daw kumain kami.  Pero pagdating ko, wala namang nakahandang pagkain sa lamesa. Hinalughog ko naman ang fridge niya subalit walang pagkain!

Bwisit na 'to, nag-imbita ng hapunan pero wala naman pala siyang maipapakain sa akin! Sabi niya, labas lang daw kami sa tabi-tabi, marami ng pagkaing nakahanda. Siraulo, pinagsinungalingan pa akong nakapagluto siya.

Ubos naman pala ang stock sa ref niya. Kahit kailan, hindi man lang niya maisip na mamalengke kahit wala ng kalaman-laman ang ref niya ni isang gulay! Mabuti pa ang alak niya, ang dami-dami na halos puno ang isang maliit na fridge niya doon sa kusina na pinaglalagyan niya.

My gosh! E para saan ba ang alak?! Nakakasira lang ng organs!

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na kahit minsan naman sa tanang buhay mo Yro, e mamalengke ka! Hindi na lang puro pambababae ang ginagawa mo!" Asar kong sita sa katabi kong sunod lang ng sunod sa akin habang namimili ako.

"Kaya nga nandyan ka para bilhan ako ng makakain diba?" Prenteng saad niya.

Sa paligid pinagtitinginan kami ng mga tao. E paano ba naman kasi! Ang gwapo raw ng damuhong kasama ko! Yung mga babae pa na nilalagpasan namin, ang lalagkit makatitig kay Yro. Nakakarindig ng balahibo! E wala namang espesyal kay Yro! Mas matatanggap ko pa kung paparatangan siyang special child! Kasi abnoy rin ang isang 'to, sa totoo lang.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong tingin mo sa'kin? Kasambahay?! Alipin mo?! Tangina mo ring gago ka. Pasalamat ka nga at mahaba ang pasensya ko diyan sa katamaran mo!" Kung nakakamatay lang ang tingin ngayon, matagal na siyang sunog.

He smirked. "Ang sexy mong magmura" Saad niya.

I groaned. "Nakakainis ka! Itong pamamalengke lang hindi mo pa magawa! Pero pagdating sa paglalandi, numero uno ang pangalan mo sa balota! Anong klase kang animal ha?!" Irita kong sumbat. Naku! Kung di ko lang kilala 'tong taong 'to, matagal ko na siyang nilubayan!

Kaso, sanay na ako sa katamaran niya. Sa kalandian niya. Sa pagkababaero niya. E kilalang-kilala ko na ang mokong na 'to noon pa man! Ang walang hiya kasi, nakisabay pa noong pinagbubuntis ako ni Mama. Siya naman, nasa sinapupunan ni Tita Reena. Si Tita Reena ang matalik na kaibigan ni Mama. Ewan ko nga kung coincidence ba pero sabay silang nabuntis. Leche! Feeling ko nga noong fetus pa lang kami, gustong-gusto ko ng sakalin at karatehin si Yro doon sa tiyan ni Tita Reena. Tangina! Nakisabay pa kasi!

Pero sa totoo lang, mas nauna si Yro sa akin ng limang buwan.

Mula pagkabata hanggang ngayon, kilala ko si Yro ng buong-buo. Walanghiya nga ang damuhong 'to kapag kami lang magkasama e. Uutot sa harap ko at mangungulangot na lang bigla out of the blue. But I hate the fact that he still looks so attractive in anything he does.

"Ang sungit mo naman! Sa gusto ko ngang ikaw mamalengke" Nguso niya ngunit ilang sandali pa ay biglang lumitaw ang kapilyuhan sa paraan ng pagngiti niya. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. Ano na naman ang iniisip niya?

"Paniki..."

Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. "Sinasabi mo? Anong paniki?"

Isang mapaglarong ngisi ang sumilay sa labi niya. "Diba tinatanong mo kung anong klaseng animal ako? Paniki ang sagot ko" Nakangiting sabi niya habang naglalakad kami. At talagang ikinumpara niya ang sarili niya sa isang pani—

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now