Chapter 10-The Yearbook

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw to a!", sa class picture tinuro niya ang picture ko--which is surprising hahaha. 

"Namukhaan mo ko agad?", tanong ko sa kanya. Nabigla din ako ng sobra. Nasa may dulo kasi ako kaya hindi mo agad mapapansin. 

"Hahahaha. E kasi hindi ko na sasabihing cute ka", nagchuckle nanaman siya, "Basta nakita lang kita bigla"

Hindi ko mapigilang mapatawa. "Hahahaha! Ang galing mo! Sige tignan pa natin. Tignan natin kung makikita mo pa ako"

Tumalon kami ng pages at dinala ko na siya doon sa likod, kung saan nandon ang mga candid pictures ng class, alam ko may picture ako dito. 

"Sige nga, hanapin mo yung picture ko dyan?", ngumiti ako sa kanya at pinakita ng mabuti ang ilang pages ng Candid Photos. 

Nakangiti niyang hinanap ang photo ko--

Pero biglang nawala ito nung pinakita niya sa akin. 

"Ito ba?", turo niya. 

Pagkatingin ko ng photo--nabigla rin ako. May photo pala kami ni Wesley dito. 

Magkasama kasi kaming dalawa sa Writing Club, pati sa Theater Club, though, ako ang playwright at siya ang laging gumaganap na Prince or leading man sa mga kwentong ginagawa namin. 

Oo, sa pananaw ko isang Prinsipe si Wesley. Para sa akin siya ang pinakagwapo at magaling na lalake. Pero, hindi...kahit kailan hindi ko man lang nasabi sa kanya. 

Lagi kaming magkasama noon, parang yung nasa picture na ito, hawak ko pa dati ang gadgets niya dahil sabi niya ako lang ang pinagkakatiwalaan niya dito. Kahit na puro paglalaro lang ng kung anong laro ang ginagawa ko sa gadget niya. 

At paminsan, kung umaalis siya, tinitignan ko ang photos niya dito. Ang gwapo niya. Ang gwapo niya talaga. 

Naalala ko, isang beses, nagsulat ako ng note sa kanyang gadget kaso biglang--

"Sophia, tara kain na tayo", ngumiti siya, "Ano yan?"

Dali-dali kong binura yung note na ginawa ko don. Kung nabasa niya, baka layuan na niya ako. Hindi na niya ako ituring na kaibigan. Sa note na yon sinabi ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya. 

"Wa-wala a! Naglalaro lang ako syempre! Pasensya na malapit nanamang malowbatt to", pagpapalusot ko sa kanya. 

"Okay lang! Tara na!", sabi niya sa akin. 

Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano bang nangyari kung pinabasa ko sa kanya ang note na yon, kung sa napakaliit na tsansang magugustuhan niya ako--pero hindi, hindi. Alam kong hindi. 

"Sophia...", nawala ang pangarap na ito ng narinig ko ang boses ni Riel. 

"Ayos ka lang ba?", nag-aalala niyang pagtingin sa akin. 

"Riel...", sabi ko sa kanya. 

"Bakit? Kukuha ba kita ng tubig? Gamot?", tanong niya sa akin. 

Nagbuntong-hininga lang ako at ngumiti sa kanya, dahil alam kong mag-aalala naman siya sa akin, "Salamat. Napakabait mo sa akin"

Hinawakan niya ako sa ulo, he patted my head. Nagmukha tuloy akong batang paslit sa harapan niya, "Wag ka ng malungkot Sophia, tsaka hindi mo kailangang magpasalamat. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako dito."

Tumango ako at napatingin ako sa picture kung saan nandon ang isang kamay ni Riel--

Ang dahilan kung bakit...alam kong hindi ako magugustuhan ni Wesley. 

Dahil may gusto siyang iba. 

Patuloy na hinimas ni Riel ang ulo ko--at dahil doon, hindi ko alam, pero nagkaroon ako ng lakas--

Lakas para isarado ang yearbook na yon, at ngumiti. 

"Salamat talaga...Riel"

Author's Note: 

Thank you LaiVillarosa14 for the votes and comments <3 <3 <3 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon