Chapter 3-Charisma

45 4 4
                                    

3

 

“Dito nga pala ako nakatira”, hinatid kami ni Tito Samuel sa Inn ko. Pumayag na rin si Tito na dito siya patirahin. Dahil malapit-lapit din ito sa hospital kung kotse ang gamit, napagdesisyonan niyang dumalaw kapag break niya o kung free time siya.

“Sige, aalis na ako a. May appointment ako ngayon with a patient. Sophia, ikaw na bahala dito a”, sabi ni Tito sa akin.

“Opo Tito. Salamat po talaga!”, sumakay na si Tito sa kotse niya at umalis na din.

Noong nagpapahinga ang lalakeng ito sa hospital kahapon, sinamahan na ako ni Tito na magbayad ng mga kailangan kong bayaran. Kaya naman nalinis na rin ang mga utang ko para dito sa Inn. Ngayon naman, kailangan kong palaguin itong perang binigay siya sa akin para mapasaayos ang Inn.

“Salamat nga pala Sophia, kasi kahit wala akong maalala pinatira mo ako dito”, sabi niya sa akin, pagkatapos ay nagbow siya.

Dahil hanggang ngayon naalala pa niya ang pangalan naming, lumiit na ang tsansang may dementia ang lalakeng ito. Tsaka nong inobserbahan siya ni Tito, alam pa rin ng lalakeng ito ang mga basic na bagay na normal na dapat na ginagawa sa araw-araw.

“Sa totoo lang, malaki rin ang utang na loob ko sayo, dahil kung hindi ka biglang sumulpot para magtanong, wala na rin ako dito ngayon”, ngumiti ako sa kanya.

“Kahit anong ipagawa mo sa akin gagawin ko! Gusto kong makatulong sayo dahil pinatira mo ako dito!”, masigla niyang sagot sa akin.

“Ah ganon ba, sige ba, basta sasabihin mo sakin kung may masakit man sayo”, sabi ko sa kanya.

Naisip ko na tama rin ito dahil baka may maalala siya. Kailangan ko siyang iexpose sa mga bagay-bagay para matulungan siyang maibalik, kahit kaunti ang mga alaala niya.

“Ito nga pala ang kwarto mo”, binuksan ko ang pinto. “Medyo nilinis ko na ito kahapon kaya sana ayos lang ito sayo”

“Salamat talaga Sophia!”, ngumiti siya at nagbow ulit.

“Sige na. Magpahinga ka na muna dyan. Tatawagin nalang kita kapag nakapaghanda na ako ng pagkain”, sabi ko sa kanya.

Pumunta na ako sa kusina para magluto. Naisip ko na wala nga pala siyang gamit na pwedeng ilagay sa kwarto niya, o kaya damit man lang. Pagkatapos kong maihanda ang pagkain, tinawag ko na siya.

“Handa na yong pagkain, tara magtanghalian na muna tayo”, sabi ko sa kanya.

“Sige, salamat a”, lumabas na siya sa kwarto niya at sabay kaming pumunta sa dining room.

“Ang sarap pala ng luto mo!”,mabilis at masaya niyang kinain lahat ng mga pagkaing hinanda ko sa kanya. Ganon din naman ako.

Normal na putahe lang naman ang hinanda ko, pininyahang manok. Hindi ko kasi alam kung allergy pa siya o kung ano. Tsaka mukhang gusto niya yung ganitong pagkain, baka maalala niya ang bahay nila at yung mga pagkaing hinahanda sa kanya.

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon