Chapter 6-Glad I've found you

36 3 0
                                    

 6

 

Napaaga si Titong dumating kaysa sa napag-usapan naming oras dahil sa nangyari kay Riel.

“Anong nangyari ba Sophia?”, tanong niya sa akin. Bubuhatin na sana siya ni Tito para dalhin sa hospital pero nagising ito na parang naidlip lang kanina.

“Doctor Molave”, bati niya sa Tito ko.

Napabuntong-hininga kami ni Tito dahil mukhang ayos na si Riel. Binigyan ko siya ng tubig at mukhang nahimasmasan na siya.

“Noong narinig niya yung kantang pinatugtog namin, sumabay siya sa pagkanta tapos nawalan siya ng malay”, nag-aalala kong sabi, “Riel, okay ka na ba?”

“Salamat Sophia, nako mukhang naabala ko pa kayo Doc”, sabi ni Riel.

“Tama lang ang ginawa ni Sophia na tawagan agad ako. Ngayon, pwede ba kitang makausap, ayos na ba ang pakiramdam mo?”, ngiti ng aking tito.

“Sige po”, sagot naman ni Riel.

“Noong narinig mo ang kanta, anong naramdaman mo?”, tanong ng tito ko sa kanya.

“Parang…pamilyar sa akin ang kanta”, nagbuntung-hininga siya at tumingin sa mga kamay niya, “Parang alam din ng kamay ko”

“Piano”, noong nabanggit ni Tito ang salitang yon bilang naging kalmado ang mukha ni Riel. Ginalaw-galaw niya ang kanyang mga daliri.

“Mukhang kahit kaunti bumabalik na ang mga alaala mo”, ngumiti si Tito at hinawakan si Riel sa kanyang balikat, “Pero wag muna nating pwersahin ha, baka kasi mas mahirapan ka pa”

“Salamat po Doctor Molave”, ngiti ni Riel kay Tito.

“O sige, puntahan ko lang muna si Sophia, tutulungan ko na rin siyang magluto. Mahiga ka nalang muna a”, sabi ni Tito.

“Sige po. Salamat po ulit”, nagbow siya at pumunta na sa kanyang kwarto.

Pumunta na si Tito sa kitchen, “Sophia, ayos ka naman ba dito?”

“Okay naman po”, ngumiti ako, “Naging maayos yung isang linggo namin, sa tingin ko makakabawi na kami tito, salamat po!”, nagbow ako sa kanya.

“Mabuti naman”, ngumiti siya, “E yung pagstastay niya dito. Narinig ko na tinawag mo siyang Riel”

“Naisip ko lang pong pangalan niya. Mahirap po kasi kung tatawagin ko siya kaya nag-isip nalang ako ng pwede”, sabi ko sa kanya.

“Okay lang naman yun”, tumingin sa akin si Tito, “Mukhang nagbabalik na alaala niya pero wala pa ring calls from the police kung may naghahanap ba sa kanya, kahit sa news at dyaryo wala din akong nakikita”

“Maayos din yan Tito”, ngumiti ako sa kanya, “Alam kong maayos din ang problema ni Riel”

“Sige, basta nandito ako para magbantay at sumuporta sayo hanggat nandito ako”, ngumiti siya sa akin,

“Anong gagawin natin dito sa mga hipon?”, biglang bago niya ng topic haha.

“Gagawin ko sanang tempura e”, sabi ko sa kanya at pinakita ang ingredients ng batter ko.

“Sige ba, tutulungan kita dyan!”, masayang sabi ni Tito

Matapos naming magluto, tinawag na namin si Riel para kumain. Masaya siyang lumabas at lumapit sa amin para kumain.

Umupo na siya sa kanyang pwesto at kumain na rin ng hinanda namin Tito.

“Kamusta ka naman dito Riel?”, tanong ni Tito sa kanya.

“Okay naman po ako dito. Ang bait po kasi ni Sophia”, tumingin sakin si Riel at ngumiti.

“Oo na, oo na”, ngumiti din ako, “Kain ka na, ikaw din po Tito”

Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan. Pinag-usapan namin yung mga nangyari sa Inn at ang pagdami ng mga customers.

“Wow ang galing pala e!”, Masayang sabi ni Tito. “Mukhang kailangang pagandahin pa natin ito”, nakangiti niyang sabi sa akin.

“Oo nga Tito. Mukhang magiging masaya ulit ang Inn na ito”, ngumiti ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, umalis na rin si Tito Samuel. Habang papalayo na ang kanyang sasakyan, naiisip ko ang mga panahon na hindi ko pa siya nakita, pati na rin si Riel—siguro kung hindi yon nagyari sa tamang oras, isa na kong nasirang Sophia.

“Riel…”, sabi ko.

“Bakit Sophia?”, tanong niya sa akin.

“Tara gawa tayo ng campfire”, nakangiti kong sabi.

Mukhang natuwa si Riel sa sinabi ko. Excited siyang nagbuhat ng mga kailangan namin.

“Teka, wag mong kalimutan mag-jacket Sophia, malamig sa labas”, sabi sa akin ni Riel at ipinatong sa mga balikat ko ang jacket na nakita niya.

“Salamat”, sabi ko naman sa kanya.

Sa totoo lang, napakabait ni Riel, siguro kung mayroon man siyang taong na naiwan sa nawala niyang alaala, nakapaswerte siguro non.

Umupo kami sa harapan ng Inn at naglatag para makaupo kami. Gumawa na rin ako ng campfire, at dahil expert ako sa ganito, Haha! Mabilis ko itong napasindi. Kumuha ako ng nabili naming mashmallows at gumawa ng smores.

“Wow ang sarap!”, masayang sabi ni Riel.

“Favorite ko to”, ngumiti ako at napatingin sa langit, “Noong buhay pa sina Mama at Papa, kada linggo pumupunta kami sa labas ng Inn para gumawa ng campfire at kumain ng smores”

Habang kinukwento ko yon, hindi ko mapigilang mapaluha. Namimiss ko na sila, namimiss ko na sina Mama at Papa kahit na taon na rin ang nakalipas. Yung masasayang alaala—

“Sana…naalala ko rin kung meron akong masayang alaala”, tumingin din sa langit si Riel. “Siguro ang saya ding balikan ng mga memories”

“Pero…malapit ng bumalik ang mga memories mo”, ngumiti ako sa kanya, “May naalala ka ng kaunti kaya—”

“Pero”, hindi niya inalis ang tingin niya sa langit, “Naisip ko ngayon na hindi ko naman kailangan ng mga nakaraan kong memories para maging masaya. Siguro kapag tinignan ko ang langit, magiging masaya ako—kasi maalala ko itong panahon na magkasama tayo”

“Riel…”

“Masaya ako Sophia, dahil kayo ni Doctor Molave ang nakahanap sa akin. Hindi ko kayo makakalimutan…sana…sana kung ano mang mangyari, mahanap ko ang daan pabalik sa inyo kahit san man ako mapunta”

Mama at Papa, ang luhang ito, may dumagdag nanaman na isa pang dahilan. Riel, masaya din ako. Lumuluha ako dahil masaya ako sa mga sinabi mo.  

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon