Chapter 4-Goodbye Sad Sophia!

35 5 2
                                    

4

Kahit na parang awkward sa kanya ang mga nangyayari sa mga sumunod na araw, pinilit niya pa ring ngumiti at maging cheerful sa mga taong dumadaan malapit sa Inn namin. Kahit na hindi na siya sumigaw ng kung ano, talagang nilalapitan siya ng mga babae—isama mo na rin kahit ano pang kasarian!

“Kuya! Hello po!”, bati sa kanya ng mga tao.

Kapag ganito ang conversation, ngumingiti na siya at sasabihing, “Kung gusto niyo akong makilala, try nyong mag-check in sa Inn na yon”

At dahil don—Customers!! Customers!! Maraming customers!!

Kaya naman habang nag-eeffort si Riel para sa Inn na ito, aba ako rin! Naging masipag ako sa paghahanda ng mga kailangan ng mga customers namin. Naglilinis ako, at nagluluto na rin para sa kanila.

Ang common area ang laging puno dahil nandon si Riel pati na rin ang mga taong namamagnet niya. Nakakaya na ni Riel ang mga tao. Hindi na katulad nung una na nahihirapan siya pag sobrang daming tao. Pero, syempre, sinasabihan ko pa rin sila na hinay-hinay lang. Mahirap na baka mawalan nanaman siya ng malay.

“Kuya anong pangalan mo?”, tanong ng isang babae.

“Riel”, nakangiti niyang sagot.

“May Facebook ka ba? Twitter o Instagram?”, pangungulit pa ng isa.

“Wala e. Pasensya na”, sagot niya dito.

Pinangako kong tutulungan ko siya, pero mukhang siya pa ang tumulong sa akin. Para siyang anghel na pinadala sa akin ni God. Hindi ko talaga inaasahan, pero masaya ako, at sobra akong nagpapasalamat.

“Kuya”, tinapat ng isang babae sa kanya ang kanyang camera at nagflash ito.

“Ah!”, napasigaw siya pagkatapos ay natulala. Para siyang na-stun na hindi maintindihan.

“Riel? Naririnig mo ba ako Riel?”, tapik ko sa kanya.

“Nako anong nangyari? Dahil siguro sa flash, pasensya ka na Kuya”, sabi noong babae.

“Masyado kasi siyang sensitive e. Wag na sanang maulit ulit”, sabi ko sa kanila.

“Pasensya na po”, nagbow na sila at nagbalikan sa mga kwarto nila.

Sinubukan ko pa ring tapikin si Riel. Hindi na ako mapalagay, baka kung anong mangyari sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko, kailangan kong tawagan si Tito—kinakabahan na ako.

Bago ako makadial, naramdaman kong may humawak sa braso ko. “Tubig, kailangan ko ng tubig”

“Oo…tubig…kukuha kita a, sandali lang, hintayin mo ko…ayos lang ha Riel,sandali lang”, nararattle ako, kaya naman nagmadali akong kumuha ng tubig at ibinigay ito sa kanya.

Ininom niya ito, at nakahinga na siya ng malalim.

“Ayos ka na ba?”, nag-aalala kong tanong sa kanya. “Kinabahan ako sayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko”

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon