Chapter 9-AGAIN

58 2 4
                                    

9

"Sino si Wesley", tanong sa akin ni Riel. 

Tumingin ako sa kanya at nag-bow, "Nako, pasensya ka na Riel. Pinost ko yung picture para sayo, pero ganito yung nangyari. Pasensya ka na"

Ngumiti siya sa akin, hindi ko mapaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa ngiti niya. Galit ba siya sa akin? "Okay lang yon, Sophia"

"Pasensya na talaga", sabi ko sa kanya. 

"Pero, sino ba yung Wesley?", tanong niya sa akin. 

"Ah, yun ba", hindi ko alam pero parang ang hirap sa kanyang sabihin to, "Ano kasi...", huminga ako ng malalim pagkatapos aty tumingin sa kanya, "Crush ko siya nung Highschool, pero..."

"Pero?", tanong niya sa akin. 

'Hindi niya yun alam", sabi ko sa kanya. 

"Bakit?", tanong niya ulit.

"Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya", sabi ko. 

"E di hindi mo nalaman kung anong nararamdaman niya", tumingin sa akin si Riel. Naisip ko rin--may point nga naman siya. Hindi ko nalaman kung nararamdaman ni Wesley para sa akin. Pumunta na siya ng America after naming maggraduate sa highschool. Nakakatawa dahil parang puppy love ang peg naming dalawa. 

"Salamat Riel", ngumiti ako sa kanya. 

Ngumiti rin naman siya sa akin, "Dadating din sila Sophia, yung makakakilala sa akin, kaya wag kang masyadong mag-alala. Okay lang naman ako dito"

Tumango ako at ngumiti at sinuot ko sa kanya ang isa pang headset, "Sige, bukas ko na siya rereplyan. Makinig na muna tayo ng music"

Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko na ginagamit ni Riel ang laptop. At mukhang nagsucceed siya dahil may bago akong napakinggan tugtog--

I drove by all the places we used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss, how it felt the way you tasted

And even though your friends tell me you're doing fine

Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?

When he says those words that hurt you, do you read the ones I wrote you?

Sometimes I start to wonder, was it just a lie?

If what we had was real, how could you be fine?

'Cause I'm not fine at all

I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape

Naalala ko yung nangyari sa kanya. Parang saktong-sakto ang kantang to sa kanya. Ganito na ba kalungkot si Riel, kasing-lungkot ng kantang ito. 

Naramdaman ong sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Hinahawakan niya ang buhok ko. Dahan-dahan parang mas lalo akong natutulog parang panaginip--

"Sophia...", narinig kong sinabi niya. 

Pagkatapos ay tumugtog ang lyrics na ito--

If today I woke up with you right beside me

Like all of this was just some twisted dream

I'd hold you closer than I ever did before

And you'd never slip away

Nagising na lang ako na nakahiga na sa sofa. Mukhang nagshut-down na yung laptop ko--at mukhang panaginip lang ang lahat, dahil ako nalang mag-isa sa may sofa. 

Tinanggal ko ang headset sa mukha ko, pati ang kumot na nakabalot sa akin. Kumot...kumot...

"Good morning Sophia! Kain ka na", masayang bati sa akin ni Riel na nasa kusina. Napatayo ako bigla at nagulat dahil nasa kusina siya. 

"Okay ka lang ba dyan?", dali-dali akong naglakad. Baka kasi may maalala nanaman siya, mahirap na puro matutulis ang mga nandon at yung kalan at gas. 

"Oo", tapos nagchuckle na siya. "Hotdog lang ang sinubukan kong iluto. Sana magustuhan mo", pinagserve niya ako ng pagkain. 

"Medyo tinusta mo talaga a", nagchucke ako. 

"Pasensya na a", tapos nagbow siya. 

"Hahahaha. Okay lang yun", nagdasal ako at pagkatapos ay kumain. "Ayos naman to Riel. Sige na kain ka na rin, kailangan nating maghanda pagkagising nila"

"Opo!", sagot niya sa akin. 

Pagkatapos naming mag-ayos, naghanda na ako para sa mga guests namin. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga first love nila. 

"Hahahaha. Di ba Elaine yung boyfriend mo ngayon first love mo siya?", sabi ng isa naming guest. 

"Ano ba kayo!", nagblush siya. 

Bigla ko tuloy naisip si Wesley. Paano kaya kung magkita kami? Bibilis din kaya ang tibok ng puso ko katulad noon--magiging maayos ba ang pagkikita namin?

May girlfriend na kaya siya? 

Teka--AT BAKIT KO YON INIISIP!

"Ate Sophia, okay ka lang?", sabi sa amin ng isa naming guest. 

Para akong bumalik sa realidad--mukha na ba akong nakakatawa at nagmomonologue dito mag-isa, "Ah, oo, ayos lang ako", tapos ngumiti na lang ako sa kanila. 

"Ayos ka lang ba Sophia?", nag-aalalang tanong sa akin ni Riel. 

"Ayos lang ako", ngumiti ako sa kanya. 

"Ate Sophia", sabi sa akin ng isa naming guest. 

"Bakit?", nakangiti kong tanong sa kanya. 

"Hindi mo ba cinonsider si Kuya Riel? Para kasi kayong may spark e", ngumti siya sa akin. 

"Ah e...", tumingin ako kay Riel at ngumiti siya sa akin. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal. 

"AYIEEEEE!!", sigawan nila. Namalayan ko na nga lang dahil doon--tsaka dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. 

Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko--

Parang katulad ng dati...nung highschool ako. 

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon