Chapter 2-The Decision to Stay

31 4 2
                                    

2

“Nako Miss pasensya ka na a, walang nagreport sa amin na may nawawala silang kamag-anak o kung ano man”, sabi sa amin ng police na nadatnan naming sa outpost nila.

“Ganon po ba? Salamat po”, nagbow nalang ako pagkatapos ay naglakad papunta kay tito. Umiling ako sa kanya.

“E paano nalang po ang gagawin naming sa kanya”, sabi ng tito ko.

“Ibigay niyo nalang po yung number niyo dito Sir, mukha naman po kayong mapagkakatiwalaan kaya kayo nalang po muna ang bahala sa kanya, o kaya naman po pwede niyo muna siyang patirahin muna sa isang social welfare center”, sabi ng police kay Tito.

Inisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. May parte na natatakot ako dahil hindi ko pa siya kilala at ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay, pero may parte na gusto ko siyang tulungan.

Lumabas na kami ni Tito, “Anong gagawin mo Sophia?”

“Tito”, huminga ako ng malalim, “gusto ko siyang tulungan”

Kung hindi ko siya nakita at dinala sa hospital, wala na sana akong naging tsansa na makita si Tito at magkaroon man lang ng kahit isang matinong kausap at makakatulong sa problema ko.

“Ano na bang nangyari sayo Sophia?”

“Gusto kasi nila Tita Nina na ibenta yung Inn”, tumingin ako sa langit, “Pero ayoko, kahit malugi man yon, gusto ko nasa pangalan ko pa rin siya—kahit na mawala na ako, nasa pangalan ko pa rin”, Shinake ko ang ulo at tinanggal na ang madilim na ideyang nasa isip ko. “Nahihirapan ako Tito. Ang hirap ng patakbuhin ng Inn”

Ngumiti siya, “Pwede kitang bigyan ng pera para mapaayos ang Inn. Pwede mong gamitin yung pera para mapaayos mo yun at boom! Magkakaroon ka na ulit ng maraming customers”

Natawa ako—ngayon lang ulit ako natawa, salamat Tito!—dahil sa boom na sinabi niya. Pero tama nga naman. Gagamitin ko ng maayos ang perang ibibgay sa akin ni Tito. Ito na ang pangalawa kong tsansa para mabuhay ulit ang pamana sa akin ng Mama at Papa ko.

“O sige na, bumalik na tayo sa hospital para macheck-up na natin ang kaibigan mo”, ngumiti si Tito. Sumakay na kami sa sasakyan niya at mabilis kaming nakarating sa hospital.

Kaibigan? E hindi ko nga siya kilala. Siguro masasabi ko na isa siyang anghel na binigay sa akin. Baka siya na ang swerte ko.

Natatakot man akong tulungan siya, napagdesisyunan ko na patuloy pa ring gawin iyon. Pagdating namin sa hospital, kinausap na siya ng tito ko.

“Okay lang ba kung tatanungin kita ng ilang tanong? Tsaka titignan ko rin kung meron bang problema dyan sa ulo mo?”, mahinahon na tanong ni Tito.

Tumango lang siya sa amin. Pagkatapos non, sinamahan ko siya hanggang sa ginawa ni Tito ang tests sa kanyang ulo. Sumunod naman tinanong siya ng ilang basic questions. Tinignan din ni Tito kung meron man siyang identification card o kahit ano man sa kanyang damit. Nakakalungkot dahil wala siyang nakita.

“Hindi mo ba talaga maalala kung anong pangalan mo?”, tanong ni Tito.

Umiling siya. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin.

“O meron ka bang naiisip na salita? Na sa tingin mo ay pamilyar sayo? Pwede kang tumingin sa paligid at sabihin mo sa akin kung may naiisip ka tungkol dito”,pagtatanong ni Tito.

Ginawa naman niya ang sinabi ni Tito, tumingin siya sa paligid. Tinuro niya ang isang water dispenser. “Mul”

Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin niya, at kung bakit niya tinuro ang water dispenser.

“Mul, pwede mo bang sabihin kung bakit mo naisip ang salitang Mul. Kung may masakit sayo at hindi mo kayang ipaliwanag, sabihin mo lang sa akin”, muling tanong ng tito ko.

“Mul, tubig…gusto ko ng tubig”

Akala ko clue na ang nasabi niya, pero gusto lang pala niya ng tubig. Tinignan ako ni Tito kaya kinuha ko siya ng tubig.

Ininom niya ito at nilapag sa lamesa. “Ako nga pala si Samuel, at siya ang pamangkin kong si Sophia”

Tumango siya sa amin at kahit sandali, ngumiti naman siya. “Pwede kang bumalik dito pagkatapos ng isang linggo, tignan natin kung magkakaprogress ba o may matuklasan pa tayong iba”, nginitan niya ang lalakeng tito at pagktapos ay tumayo, “Sige kakausapin ko lang muna si Sophia a”

Tumango ulit siya at tahimik na naghintay sa amin. Kinausap na ako ni Tito.

“Wala namang signs ng injury ang ulo niya. Hindi ko pa kasi siya pwedeng gawan ng ibang tests dahil wala dito ang guardians niya, pero sa tingin ko nasa fugue state siya. Hindi niya maalala ang mga nangyari sa buhay niya dahil sa isang factor—yun sana ang gusto kong malaman. O ang isa pa, kung hindi na niya maalala ang pangalan natin mamaya o sa kinabukasan, may dementia ang taong yan”

Napabuntong-hininga ako dahil ang complicated pala ng sitwasyon ng lalakeng iyon.

“Dadalhin na ba natin siya sa social welfare center, may alam akong malapit na pwede siyang bantayan at tulungan”

“Tito”, tumingin ako sa kanya. Nakapagdesisyon na ako. “Kahit sa Inn nalang siya, para madali mo din siyang matitignan kung ano mang mangyari”

Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hindi natin alam kung ano ba talaga ang nakaraan ng taong yan. Baka kung anong mangyari sayo…

Tito, sa totoo lang malaki ang utang na loob ko sa taong yan, kaya gusto ko rin sanang tulungan siya. Hindi naman siguro mangyayari yon, pwede naman kitang tawagan kung ganon man

 

Ngumiti ang tito ko sa akin at hinawakan ako sa balikad, “Katulad ka talaga ng Mama mo, Sophia, basta ingatan mo ang sarili mo, huwag kang kampante basta maging alisto ka ha”

“Opo tito! Salamat po talaga!”, nagbow ako sa kanya at ngumiti. Namiss ko ito. Namiss ko ang masasayang araw na ito.

Lord, kung ano man ito, kayo na ang bahala sa akin. Nakapagdesiyon na po akong tulungan siya at patirahin sa Inn. Nawa po gabayan niyo kami. 

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon