Journey to Happiness

181 4 6
                                    

1

“Aba anong pakialam ko kung sino ka ha? Kung malabo yang mata mo, nasa dagat tayo. Kung hindi mo maalala ang pangalan mo, wala akong pake! Ako nga hindi ko na maayos ang buhay ko iintindihin pa kita?! AT PWEDE BA WAG MO NA AKONG ISTORBOHIN DAHIL MAGPAPAKAMATAY AKO! OKAY?”, biglang nabasag ang nagdidilim kong isipan dahil sa irita ko sa lalakeng ito na kanina pa ako kinakalabit para magtanong kung sino ba siya at nasaan ba siya.

Sa totoo lang, wala talaga akong balak na intindihin siya dahil nakapagdesisyon na ako na gagawin ko ito. Pero nakakabwisit talaga siya e—paulit-ulit ng paulit-ulit, parang yung nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko napigilang umiyak ng malakas, “Bakit ka pa kasi dumating Sira Ulo ka! E di sana tapos na to!”

“Miss, Ano…Wag ka ng umiyak. Kasi naman e”, napahawak siya sa kanyang ulo. “Hindi ko talaga alam—tsaka hindi mo dapat iniisip na tapusin ang buhay mo”

“Ano bang alam mo ha?!”, sigaw ko sa kanya.

“Ahh…sana nga lang”, patuloy niyang hinahawakan ang ulo niya. “Sana lang mataandaan ko kung ano yung mga alam ko. Wala na akong maalala kahit isa”

Hindi ko na siya inimik. Parang nawalan na rin ako ng ganang magsalita, o maglakad man lang sa tubig para tapusin ang mga bagay na ito. Naisip ko na sana parehas na lang kami ng sitwasyon.

“Hindi kita kilala, pwede ba, tsaka wala akong alam sa kung ano man yang nakakalimutan mo—kaya pwede ba…”, napatigil ako sa pagsasalita dahil—

Nakita ko na siyang nakahandusay sa buhangin.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya, kung hayaan ko nalang kaya siya dito at ituloy ko na ang balak ko. Pero hindi--parang konsensya na rin ang nag-udyok sa akin na lumayo sa tubig. Kanina, hindi ko siya maramdaman dahil nagdidilim na rin siguro ang paningin ko sa lahat ng luha na iniyak ko nitong 2 taon, pero dahil sa biglaang pagsulpot ng sira-ulong ito, mukhang narinig ko na siya ulit...sinasabi nitong tulungan ko ang lalakeng ito. 

Kahit na kaunti nalang ang pera ko, sinubukan ko siyang dalhin sa hospital. Mabigat ang lalakeng ito, ang tangkad niya kasi kaya pahirapan bago ko siya maisakay sa tricycle at madala dito sa emergency room.

“Doc, kamusta na po siya?”, tanong ko sa doctor na tumitingin sa kanya.

“Mukhang nahimatay lang siya Iha. I advise na mag undergo siya ng test para malaman natin kung ano ba talaga yung nangyayari sa kanya”

“Pero Doc, wala po akong ganoong kalaking pera, tsaka po, nakita ko lang siya sa may pampang kanina--”, at pinigilang gawin ang isang bagay, yun ang gusto kong idagdag sa isip ko.

“Ganon ba, mahirap kasing mag-perform din ng kung anong tests kung hindi ka niya kamag-anak. Subukan mo kayang magtanong sa police kung may nireport sa kanila na may nawawala. Kami na muna ang bahala sa kanya”

“Sige po, salamat po Doc”, madaling-araw na yon at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pangbayad na ng kuryente at kung anu-ano pang bayarin sa Inn ang natira nalang na pera ko. Hindi ko napigilang umiyak.

Bigla akong napatigil sa isang lugar—na sa tingin ko ay makakatulong sa akin.

Ang Prayer Room.

Lumuhod ako at nagumpisang magdasal, “Lord, nahihirapan na po ako kaya po naisip ko ang bagay na iyon. Nakalimutan ko na po ang tama at ang hindi tamang gawin, patawarin niyo po ako. Pero wag nyo po nawa akong pababayaan. Nahihirapan na po ako”, hindi ko napigilan ang luha ko. “Sana po, sana po, tulungan niyo ako”

Lumabas ako ng prayer room, pero hindi ko pa rin maiwan ang lungkot ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Naiisip ko yung Inn na iniwan sakin nina Mama at Papa at ang pagbagsak nito. Ano ng gagawin ko?

“Sorry po”, naramdaman kong bumanga ako sa isang tao, nakaputi siya. Siguro Doctor—o baka anghel

“Sophia?”, sabi nung nakabungguan ko. Tumingin ako sa kanya at nakakita ako ng pamilyar na mukha.

“Tito Samuel?!”, nagulat ako dahil 2 taong na kaming hindi nagkikita ng tito ko. Pumunta siya sa America para magspecialize sa Neurology.

“Kamusta ka na? Bakit namamaga yang mata mo? Bakit ka nasa hospital may sakit ka ba? Pasensya ka na nawalan na ako ng balita sa inyo dito sa Pilipinas”, nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkikita. Nawalan na rin ako ng communication sa kanya.

“Tito”, umiyak ako sa harapan niya. “Kailangan ko ng tulong tito! Yung Inn tito, hindi ko na mapatakbo ng maayos, tapos may lalake pa don sa may E.R na--”

“Kalma na Sophia, pasensya ka na ha hindi na kita naasikaso, pati address ko sa States hindi ko naibigay”, hinawakan ako ni Tito sa balikad. “Tara nga, tignan natin yung sinasabi mo”

Pumunta kami sa E.R at nakita na namin siyang gising. Nakaupo lang siya na parang tulala.

“Uy”, sabi ko sa kanya ng makarating na ako malapit sa higaan niya. Tumingala at tumingin sa akin, “Miss, anong nangyari? Bakit ako nasa hospital?”

“Tito, sa tingin ko po wala siyang maalala”, sabi ko.

Tumingin si Tito sa kanya, “Anong pangalan mo?”

Hindi niya masagot. Nakatingin lang siya kay Tito, “Hindi ko po…maalala”, sagot na lamang niya.

“Pag umaga na, okay lang bag  pumunta ka muna sa police outpost Sophia? Let’s get a picture of him then ipagtatanong na rin natin kung may nagreport bang may nawawala silang kamag-anak”, sabi sa akin ni Tito.

“Sige po”, sagot ko sa kanya.

“Sasamahan na rin kita a pag wala akong pasyente mamaya”, nakangiting sabi ni Tito, “Tsaka…pag-usapan na rin natin yung problema ko. Wag kang mag-alala, tutulungan kita Sophia”

“Salamat po Tito!”, masaya kong sabi sa kanya.

Kung hindi ko nakilala ang lalakeng ito at dinala siya sa hospital, siguro hindi ko na makikita si Tito Samuel at mareresolba ng maayos ang problema ko sa Inn. Siguro anghel ang lalakeng yon, na binigay ng Diyos para masolusyonan ang problema ko.

Kaya gagawin ko ang makakaya ko para tulungan siya. 

-sweettriggerlawliet

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon