Chapter 7-The Birth of the Green and Pink Aliens

34 3 0
                                    

 7

 

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Riel ngayong umaga, matapos ng isang heart-to-heart conversation namin kagabi. Kaya naman, medyo naiilang akong lumabas ng kwarto ko at lumabas.

Pero, mukhang pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Nag-iisip nanaman ako ng kung anu-ano. 

Noong nakita ko si Riel sa labas at nagwawalis na umagang-umaga pa lang, pakiramdam ko parang normal na araw lang ngayon, at ang mga napag-usapan namin kahapon ay memories nalang—totoo naman, memories nalang talaga yon.

“Sophia!”, ngumiti si Riel ng makita niya akong nasa labas.

“Ang aga a!”, sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya pagkatapos ay nagtuloy sa paglilinis. Yung mga sinabi niya kagabi, hindi ko alam, pero hanggang ngayon naiisip ko pa rin yun. Patuloy na nagplaplay sa utak ko--pero habang nagplaplay yun, naiisip ko, kung ano bang mangyayari kung magbabalik ang alaala niya. Malaki bang deal kung babalik yon? Di ba mas maganda kung babalik yon? 

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? 

"Ma'am, pwede po bang magpareserve ng rooms"

Kahit maaga pa, mukhang nakaaattract nanaman si Riel ng mga customers, kaya ito busy nanaman kami.

Naging maingay nanaman ang Inn namin. Sa totoo lang, mas gusto ko ang ganito! Para kasing nandito ulit sina Mama at Papa kapag ganito ang atmosphere.

At syempre, hindi mawawala ang pangungulit kay Riel habang kumakain ang iba naming mga customers. Ngumingiti na lang si Riel sa kanila at sinasagot ng simple ang mga tanong.

Medyo kinakabahan ako dahil nga sa nangyari kahapon. Yung nawalan siya ng malay dahil may nagtrigger sa alaala niya, kaya naman tinitignan-tignan ko sila.

Pagkatapos kumain, ang ibang customers namin ay pumunta sa dagat sa malapit.

Tinawag ako ni Riel, “Sophia, may naghahanap sayo”

Sumunod ako sa kanya at nagulat sa nakita ko.

“Ah, dito po? Baka nagkamali kayo ng address”, tanong ko sa lalake.

“Ah, Ma’am, dito ko daw po kasi yun idedeliver”, pinakita niya sa akin ang isang papel kung saan nakasulat ang address ng Inn.

“Tama nga, pero, hindi naman kami umorder ng mga pintura…”, bigla akong napaisip, mukhang alam ko na, “Ah sige po. Salamat po. Pasensya na rin po sa abala”

“Sige po, Ma’am”, sabi niya.

Tinulungan niya kaming ibaba ang mga pintura at brush na nasa truck niya. Pagkaalis niya, kinuha ko ang phone ko at tumawag sa isang taong alam kong magpapadala ng ganito—

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon