If you listen carefully you will hear a symphony of light being played, it is that of you and your partner. It is also called love. -On Love
—Lamine Pearlheart
∞
"Buti na lang sinamahan mo 'ko dito, bukas na kasi makakabalik dito ang Ate ko para siya na ang mag-asikaso nitong boutique niya." Pasalamat ni Emily kay Adriana habang nag-lilibot sila sa loob ng boutique ng kapatid ni Emily, ang Rina's. Isang wedding gown boutique.
"Wala 'yon. Isa pa, ang ganda nga dito sa loob ng Rina's, ang daming mga magagandang wedding gowns. Nakakatuwa silang tingnan." Ani Adriana habang inililibot ang tingin sa buong lugar.
"Buti pinayagan ka ni Kairon na sumama sa'kin." May himig ng pang-aasar sa boses ni Emily na ikina-init ng mga pisngi niya.
"Hindi naman ako pinag-babawalan ni Kairon gawin ang mga gusto ko. Basta daw ligtas ako, ayos na 'yon." Sagot niya sa kaibigan na umani ng mahinang tawa mula rito.
"Naks naman, supportive naman pala sa'yo ang boyfriend mo." Asar ni Emily sa kaniya.
"Tumigil ka nga." Saway niya sa kaibigan na mahina lang nitong tinawanan.
Pinabayaan lang siya ni Emily na mag-tingin tingin sa paligid kaya't pinag-sawa niya ang mga mata sa mga iba't ibang disenyo ng mga damit pang-kasal. Iba-iba ang mga lumikha nito, mga bigating pangalan pag-dating sa ganitong larangan.
Habang panay ang pag-lilibot niya sa loob, isang wedding gown ang napansin niya sa isang sulok ng lugar.
Nilapitan niya ito upang matitigan ng maayos. May maliliit na diyamante ang paligid ng gown na tama lang upang makuha ang atensyon ng kung sinomang tumingin dito. Maihahalintulad ang ibabang parte nito sa damit ng mga prinsesa sa pelikula. Gustung-gusto niya kung paano bumagay ang puting kulay nito sa kabuuan ng damit. Hindi niya napigilang damhin ang telang lace nito. Napaka-elegante at nagsusumigaw ng kasal.
"Gusto mo 'yan?"
Agad napa-bitaw si Adriana nang marinig si Emily sa kaniyang likuran.
"Bakit ka nanggugulat?" Tinawanan lang siya ni Emily at nilapitan din ang damit na kaniyang tinititigan.
"Manghang-mangha ka sa gown na 'to." Saad ni Emily at muli niyang ibinalik ang tingin sa wedding gown na hawak ng kaibigan.
"Sobrang ganda kasi niya para sa'kin. Gusto ko, kapag ikinasal ako, iyan ang isusuot ko." Aniya. Inilipat ni Emily ang tingin sa kaniya ng may mapag-larong ngiti sa labi.
"Kunin ko kaya ang sukat mo?" Tanong ni Emily ng may ngisi sa labi.
"Huh? Para saan naman?" Litong tanong niya. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng kaibigan kahit nang hilahin siya nito papasok sa isang maliit na silid.
"Sa kasal mo, ako na ang sasagot ng gown mo, regalo ko na 'yon sa'yo." Ani Emily at pinaharap siya sa salamin.
"Anong kasal? Nag-aaral pa kaya tayo." Pa-alala niya ngunit nginitian lang siya ni Emily at sinimulang sukatan. "Edi ia-adjust ko na lang yung sukat kapag ikakasal na talaga kayo. Sukat palang naman, hindi pa naman ipagagawa."
YOU ARE READING
Until My Next Lifetime With You
Romance[A TAGALOG NOVEL] "Pinag-tagpo tayo sa panahon hindi natin inaasahang mag-mamahalan tayo. Pero iniba ng tadhana ang direksyon ng ating pag-ibig at kapalaran." Ang nobelang ito ay para sa mga patuloy na nagmamahal, nakikipag-laban, nabubuhay at mga n...
