TON: SPECIAL CHAPTER 1

1.7K 47 16
                                    

SPECIAL CHAPTER
Nisakiru's Point Of View

Timeline: Before the wedding.

“Waaaaaah!”

“Bakit? Why?! Anong meron? Bakit ka nasigaw?!” humahangos na dumating sa harap ko si Kuya Ice na may dala pang sandok at naka-apron.

“Kuyaaaaaa!” sigaw ko muli tyaka dinambahan siya ng yakap.

“Ano? Ano nga?!” pilit na iniiwas sa akin ni kuya yung sandok na umuusok-usok pa.

“What's happening here?” boses ni Lucas ang sumunod kong narinig.

“Alam kong kapatid ka rin niya pero kuya ang tinawag diba? At ako lang ang kuya niya, okay?” pfft-- gusto kong matawa dahil sa banat na yun ni kuya Ice.

Magkakasama na kasi kaming lahat ngayon sa iisang bahay, sa mansiyon nina ama. Ayaw din namang magpatupi ni kuya Ice kay Lucas dahil kahit pareho lang din naman daw silang stepbrother eh iginigiit niyang mas nauna daw siya kaya mas tunay siyang kapatid.

“I'm asking my sister, not you!” bigla akong hinigit ni Lucas kaya napakalas ako ng yakap kay kuya Ice.

“Kuya nga ang sabi kaya di ka kailangan dito, alis!” pinagtataboy pa ni kuya Ice gamit ang sandok si Lucas.

“Nangangamoy sunog na, aba'y magluto ka nga doon, ikaw ang umalis, bilis!” bwelta naman ni Lucas.

Pfft, mula nang lumipat kami ay ganito na talaga ang eksena nila araw-araw. I feel so blessed having this two brothers in front of me.

“Kahit wala ako sa kusina ay naandon si mommy at si tita, ipagluluto namin ng agahan si bunso, di tulad mong buhay prinsipe lagi, apakatamad!” muli nanamang banat ni kuya Ice that's why I bursted into laughter, di ko na nakayanan pa ang eksena nila.

“Hoy, hindi ak----

“Tama na, tama naaaa!” pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

“Kala ko ba concern kayo sakin kaya kayo narito, bakit parang ayaw niyo naman akong pakinggan?!” at talagang namaywang pa ko, syempre todo acting din hahaha.

“Mga pakitang tao lang kasi ang mga yan sis, believe me.” oo nga pala, narito na rin sa amin si Ate Rosa at kasalukuyan siya ngayong inaalalayan ni Daddy na maglakad dahil nga may tama ang kanyang binti gawa ng nangyari noong nakaraang araw.

“Baby Rosa naman,” saad ni kuya Ice na may pagpout pa.

“Don't worry, mas kampi pa rin ako sayo kuya haha,” sagot naman ni Ate Rosa na tatawa-tawa pa.

Kaya naman ay busangot na nagpalinga-linga si Lucas at saktong pababa naman si ama.

“Dad! Pinagkakaisahan ako ng mga Grefaldo dito, oh!” biglang nagsisigaw si Lucas at talagang naisipan pang magsumbong, parang bata.

“Hoy! Shhh, wala namang ganyanan dude oh, wag naman sa big boss,” ayun at tumiklop na din ang kuya Ice, nabanggit lang si ama, hahahaha.

Natawa nalang din tuloy kami ni Daddy at ni ate Rosa dahil sa kakulitan ng dalawa.

“Here, iputok niyo na agad, di yung para kayong mga babaita kung magbangayan, mas maingay pa kayo kesa sa prinsesa ko.” binigyan ni ama ng tag-isang baril ang dalawa kong kuya bago dumiretso na sa tabi ko pagkasabi ng litanya niya.

“Dad naman, I'm innocent,” mabilis na binalik ni Lucas yung baril kay ama na umarte pang takot na takot sa hawak niya. Gago hahaha.

“N-Nagbibiruan lang naman po kami tito, hehe.” binalik na rin ni kuya Ice yung binigay sa kanya ni ama.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now