TON: 17

3K 106 5
                                    

KABANATA 17
Ayumi's Point of View

Fast Forward.....

Nakalipas na rin ang ilang linggo at bukod sa mga biglaang panghaharang nung dalawang Ryza at mga alipores nila ay wala namang ibang kasiya-siyang nangyari sa buhay ko sa mga nagdaang linggo.

“Good morning baby, ready for later?” tanong sa akin ni daddy pagkababa ko ng hagdan.

“Of course Dad, I was born ready,” biro ko pa sakanya.

Friday nga pala ngayon at mamaya ay may camping kami bale parang team building ganon.

3 days and 2 nights only at hindi lang mga taga SU ang makakasama namin it was open for all universities and all seniors per course, noong nalaman ko nga yun eh halos atakihin ako sa puso, biruin mo seniors pa nga lang ng SU nalulula na ko, dagdagan pa kaya ng seniors galing sa ibang school? Wow lang talaga diba?

Pero kung sa bagay, sa yaman ba naman ng mga may ari ng schools eh siguro naman kaya nila yung i-accommodate.

Ang sabi pa nga sa amin nung orientation ay sa isang resort gaganapin ang camping kaya excited din ako kahit papaano.

Mamayang hapon na ang alis namin buti nalang talaga pinayagan ako nila mom and dad.

Time Check: 1:00 PM
Location: Sa bus palang haha

Okay na ready to go na kami. Nakasakay na din ang lahat ng naka assign sa Bus namin hanggang sa pumasok si Sir Mel.

“Ahm excuse me, nandito ba si Ayumi? Ayumi Grefaldo?” narinig kong tanong ni Sir Mel.

“Sir nandito po, bakit po?” tanong ko kay Sir na may kasamang pagtaas ng kamay.

“Pinapatawag ka sa registrar may kailangan ata sayo ang OIC,” nakangiting sabi ni Sir.

“Ah sige po,” sagot ko naman at tyaka dali-daling tumayo at bumaba ng bus.

Kasabay kong naglalakad si Sir Mel. Pagkapasok namin sa loob ng school ay wala na halos studyante sa loob.

Dinismissed na kasi ang klase dahil nga may Camping ang mga Seniors. Ang ibang mga studyante kahit hindi kasama sa camping ay pabor din kasi nga wala silang pasok hanggat di pa nakakabalik ang mga Seniors.

Patuloy lang kaming naglalakad ni Sir Mel hanggang sa mapansin ko na ibang way na ang tinatahak namin. Balak pa yata akong iligaw nito ni Sir.

“Ahm sir, doon po ang way papuntang RO,” sabay turo ko pa sa kabilang side.

“Ibang RO ang pupuntahan natin Ayumi,” simpleng sagot lang ni Sir.

Kaya hindi na ako kumontra at sumunod nalang kay Sir Mel.

Naglakad na ulit kami hanggang sa makarating kami sa.....

Office ni Vladimir?
(Registrar Office ba to?)

“Ahmm nasaan po yung OIC?” tanong ko pagkapasok sa loob.

Ang nadatnan ko kasi dun ay ang magkakapatid na Salvador lang walang iba.

Kuya Kirb, Vladimir, Krizele, at si Sir Mel na kasama kong pumasok.

“Ayan oh, Si Vlad siya ang OIC. shett, LT ka kuya Mel. Saan mo napulot yung OIC? Hahahahaha,” tumatawa pang ani Kuya Kirb na ikinakunot ng noo ko.

“Eh sa yun yung pumasok sa isip kong palusot hehehe,” kakamot-kamot pa sa ulong sambit ni Sir Mel.

“So? Pinagtitripan niyo lang ako?” grabe tong mga to? Trip ba nila ko?

“Of course not,” seryosong saad naman ni Vlad.

“Eh bakit nga ako narito?” tanong ko nalang ulit.

“Pwede ba mga kuya sabihin niyo nalang para matapos na,” mataray na saad pa ni Krizele.

“Will you be my Wife?” bigla-bigla ay nagsalita si Vlad habang seryosong nakatingin sakin.

“Lol.” Poker face na saad ko, gago ba to?

“Hanep ka Bro, dahan-dahan naman, linawin mo kasi hahaha,” halos maluha-luha pa sa kakatawa tong si Kuya Kirb.

“Tsk, ako na nga lang mag sasabi. Hmmm ganto kasi yun Ayumi, meron kasing gaganaping Grand Ball sa Salvador's Hall at grandparents namin ang Hosts and we have our tradition na kapag 21 years old na ang a-ano ahm 'chosen one' ng family ay kailangang may ipakilala na itong wife as in kailangan ni Vlad ng asawa for one night,” mahabang salaysay ni Sir Mel.

“Tapos? Anong kinalaman ko dun?” Gets ko naman na kung saan patungo to di naman ako ganon kalow gets pero siyempre kailangan pa din magtanong mahirap kasi mag-assume.

“Kung pwede lang talagang hindi na ikaw eh. Tsk! Ano ba kasing nakita mo sa babaeng yan kuya Vlad------

“Krizele Stop it! Makisama ka naman kahit ngayon lang,” bigla namang naging seryoso si Kuya Kirb samantalang si Krizele ay pag-ikot lang ng mata ang iginanti.

“Ayumi please? Just One Night Please?” Kitang-kita sa mukha ni Vladimir ang pakikiusap, bigla tuloy akong nanlambot.

Siguro nga ay importante talaga para sa kanila ang Grand Ball na sinasabi nila pero paano na yung camping? Tyaka pwede ba yun? Hindi ba mabubuko ng lolo at lola nito eh pamilya sila diba?

“Teka? Diba grandparents niyo yun? Hindi ba sila magtataka kung bigla ka nalang may pinakilalang asawa?” naguguluhang tanong ko pa.

Napansin ko pa nga ang pagkagulat nila well maliban nga lang kay Vlad. Sa malamang ay hindi nila inaasahan ang magiging tanong ko.

“They're not interested in me at all. That's why they really doesn't know anything about me. If its not because of that damn position hindi naman sila mag aaksayang makialam sa buhay ko. Hindi sila mag aaksayang alamin kung may asawa na ba ako o wala dahil never naman silang nagkaroon ng pakialam sa akin,” walang emosyong saad ni Vlad.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan ng magkakapatid na Salvador at base sa mga reaksiyon nila ay nagsasabi naman ng totoo si Vlad hays mukhang mahirap ng tumanggi sa pagkakataong ito.

“Kung papayag ako paano na yung camping tyaka si mommy wala silang alam tyaka isa pa paano kapag nalaman ng iba ang tungkol sa pagpapanggap ko-----

“Payag ka na? Talaga Ayumi? Salamaaaat,” bigla na lamang nagtatalon sa tuwa si Kuya Kirb.

Ang hyper grabe! Di pa nga final eh.

“Don't worry Ayumi we already talked to your family at ipinagpaalam ka na din namin, and don't worry the ball is open for private people only that's why what will happend at the ball will remain at the hall, no media allowed. And lastly yung about sa camping? Naka-alis na sila kanina pa pero don't worry susunod nalang tayo sa kanila at wag mo na din alalahanin dahil may excuse na din akong ginawa for you,” muli ay mahabang salaysay ni Sir Mel.

“Woah! Di naman po kayo masyadong prepared ano? Paano pala pag di ako pumayag?” kunwari ay pagtataray ko naman.

“Isasama pa din kita at wala kang ibang magagawa,” may pinalidad sa tono ng pananalita ni Vlad.

“Whatever, oh siya! oo na! Basta siguraduhin niyo lang na wala akong magiging sabit dito.” Go go go na wala na talagang atrasan huhuhu.



To be continued.....
©Mikireyaki(AteMikay)
FB Account: Mikay Grasseto

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now