TON: 43

2K 75 0
                                    

KABANATA 43
Ayumi's Point of View

[Lunch Time]

Papunta kami ngayon ng mga kaibigan at pinsan ko sa canteen. Saan pa nga ba kami tutungo para kumain gayong lunch time na kaya syempre sa canteen na agad ang ruta.

Kami lang ang magkakasama ngayon dahil wala sina Vlad kasama din nila pati si kuya. Ang paalam nila sa amin ay may aasikasuhin lang daw at wala nang iba pang nabanggit.

Anyway, mabalik tayo sa kasalukuyan. Papunta palang kami sa kantina ay dinig na dinig ko na ang mga kantyaw at mga bulong-bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang din ang mga bulungan pero pagdating namin sa mismong pinto ay hinarangan kami ng grupo nila Ryza. Sila nanaman?

"Hep! Hep! Hep! Saan kayo pupunt---

"Hooray! Hooray! Hooray! Sa malamang sa canteen diba? Ano ba tawag mo dito?" Di pa man tapos ang dapat na sasabihin ni Ryza Michaela ay binara na agad siya ni Jhanece.

Nagtawanan naman ang ibang mga nakarinig maging ako ay di ko mapigilan ang tawa kaya ang labas ay napangiti tuloy ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha? May nakakatawa? Eh ang waley nga ng kasama mo eh Joke ba yon? Tatawa na ba dapat ako?" saad pa ni Ryza Tumale. Ay opo! Tawa ka na please kasi ikaw lang nagsabing waley yun hahaha.

"Pwede ba wala akong panahon makipagsagutan sa inyo. Pumunta kami rito para kumain kaya pwede ba paadain niyo na kami," hindi ko na balak pang patulan sila kaya pagkasabi ko non ay tuluyan na sana akong papasok sa canteen pero inunahan ako ni Jhanece tyaka sinadyang banggain si Rhona na tahimik lang sa gilid na nakangisi.

"What the---

"Wala kang karapatang banggain ang baby ko," biglang hinablot nung boyfriend ni Rhona na si Dave ata yun ang buhok ni Jhanece. What the? Nandito pala ang konsintidor na to?

"Ano ba bitawan mo nga siya, bakla ka ba?" pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ni Jhanece at tinulungan na din ako ni Kisha.

"HOY! Wag na wag mong mahawakan ang Dave'baby ko mamaya siya naman ang sunod mong landiin," at hinablot na din ni Rhona ang buhok ko. The F!

"Walang hiya ka! Anong sinabi mo sa pinsan ko?" ayun! nakisali na din si Cathy. Oh my God!

Maging yung dalawang Ryza ay nakipagsabunutan na din sa natitira pang si Vivian at Kisha.

Kaya ang labas eh parang naging sabong na kami dito what the heck! This is so not us!

Sinubukang umawat ang ibang estudyante pero wala talagang gustong magpaawat sa amin.

Habang sinasabunutan ako ni Rhona ay natulungan kong makawala si Jhanece mula kay Dave kaya naman agad na sinugod ng sabunot din ni Bes si Rhona. Hangang sa maramdaman ko na lamang na bigla akong tumilapon at tumama sa isang table sa gilid.

Nakalikha ito ng malakas na ingay dahilan ng pagkatahimik ng lahat.

"A-aray! Ang s-sakit," daing ko matapos tumama ang tiyan ko sa kanto ng mesa dahil sa malakas na paghampas sa akin ni Dave.

Patayo na sana ako matapos kong piliting tumindig nang may biglang dumaan sa harap ko at agad na pinaulanan ng suntok si Dave.

Nang magawi ang ulo nung lalaki sa pwesto ko ay napagtanto ko na si Lucas ito. Nagpalitan ng malalakas na suntok si Lucas si Dave. Nakita ko pang tinamaan si Lucas at may tumalsik na dugo mula sa kanyang bibig pero ni wala akong magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Panay na din ang pagsisigaw ni Rhona pero hinablot siya bigla ni Jhanece at muling sinabunutan. Sila Vivian naman sana ay papunta na sana sa akin pero agad na napigilan naman ng dalawang Ryza kaya ayon at muli nanamang nagsimula ang gulo.

Agad namang nagtangka muli ang ibang mga estudyante para awatin sila. Inawat ng karamihan ang patuloy na nagsusuntukang sina Dave at Lucas at nang mailayo kay Dave si Lucas ay nakita kong kapwa sila duguan humahangos pa ito ng mabilis habang hawak-hawak ng ilang mga estudyante.

Bigla akong nakonsensya sa lagay ni Lucas. Kitang-kita ko ang putok niyang labi at ang sugat niya sa kaliwang kilay. Nang balingan ko naman si Dave ay mas malala ang sinapit nito pero ni katiting na awa ay wala akong naramdaman para sa kanya.

"Hindi lang yan ang aabutin mo sa oras na saktan mo pa ulit si Ayumi," pagkatapos sabihin yon ni Lucas ay bumaling naman siya sa akin. Kumalas siya sa mga estudyanteng nakahawak sa kanya tyaka dumiretso sa kinaroroonan ko.

"Ayumi are you okay? Answer me." Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Lucas nang sabihin niya iyon kahit pa medyo lumalabo na ang paningin ko.

Sasagot na sana ako pero ang atensiyon ko ay nabaling bigla sa pinto dahil sa malakas na pagbukas nito at iniluwa niyon si Vlad na hingal na hingal, halatang tumakbo.

Nakita ko pa ang unti-unti niyang paglalakad palapit sa akin kasabay ng pakiramdam ng biglang pag-angat ko mula sa sahig bago ako tuluyang nawalan ng malay.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon