TON: 56

2.4K 71 1
                                    

KABANATA 56
Ayumi’s Point Of View

“Shall we go home now my princess?” Ang malambing na salubong sa akin ni ama ang bumungad sa amin pagkarating sa parking lot ng venue.

Balak na naming umuwi kahit hindi pa tapos ang event tutal ang purpose lang naman talaga ng pagpunta namin dito ay para sundin ang rules na nakasulat sa black book ng mga paragon at iyon ay ang magpakita sa mismong pagraranggo upang maging valid ang position namin bilang first family clan.

"Hey baby are you okay?" Si daddy naman ngayon ang nagtanong, di din kasi ako agad nakasagot kay ama dahil tila nagtatalo pa ang aking utak at mga paa kung uuwi na ba talaga ko o mananatili pa.

"Ahm ama, dad pwede po bang mauna na kayong umuwi tyaka pakisama na din po iyong mga bantay k---

"No! You're not going anywhere my princess, hindi kita hahayaang mag-isa lalo na't gabi pa." Agad akong nanahimik dahil sa sinabing iyon ni ama. He's just like daddy pareho silang napakastrikto argh!

"Dad payagan niyo na po si Ayumi please? She's been tired all day, hayaan niyo naman po sana siyang makapagrelax ng konti after ng mga kaganapang ito." Halos mapanganga ako nang marinig ang sinabing iyon ni Lucas kay ama.

Honestly, there's something in me kasi na parang takot na takot kay ama kaya nagulat talaga ako nung biglang pinilit ni Lucas si ama na payagan akong magpaiwan na muna. Hays, how I wish I can also talk to them the way Lucas did.

"Okay fine pero uuwi ka din agad maya-maya ah? Promise me." Wow! Pumayag na si ama huhu, I'm so happy.

"Promise!" Mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko kay ama pagkatapos non ay isa-isa na din silang nagpaalam na aalis na habang iniwan naman sakin ang isa sa mga sasakyan naming dala.

"How about you Lucas?" I asked him kasi nandito pa din siya at hindi sumunod kila ama.

"Gusto sana kitang samahan Yumi but then I got a signal from James, he needs help." Bakas sa mukha ni Lucas ang pagkabahala.

"Si James? Oo nga pala di ko siya nakita maghapon. Why? Ano daw ba sabi niya? Bakit kailangan niya ng tulong mo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Lucas matapos na marinig ang sinabi niya.

Ngayon ko lang din napansin na wala nga ang presensya ni James mula pa kanina when in fact kung nandito siya ay paniguradong mambibuwiset nanaman iyon sa harapan ko.

"That's what I need to find out Yumi kaya pasensya ka na, hindi kita masasamahan---

"Shhh it's okay, unahin mo na muna si James, okay lang ako rito." Pagpuputol ko sa dapat na sasabihin ni Lucas dahil alam kong sa pagkakataong ito ay mas kailangan siya ni James kesa sakin.

As far as I remember, a signal was sent/received to let a member knew that someone in our clan was in danger.

"Nabanggit mo ang signal and I didn't received any does it mean.......

"Yes Yumi, he wanted me to be the only person who will come and rescue him." Salubong ang kilay pero kalmado pa din ang boses ni Lucas.

"Should I keep my mouth shut then?" Tanong ko na sinagot na lamang niya ng marahang pagtango.

We both sighed as a sign of frustration.

"Okay then, I'll go ahead. Take care always my milady." He then planted a small kiss on my forehead.

Hinintay ko pa munang maka alis si Lucas bago ako sumakay na din sa sariling sasakyan. Balak kong magroad trip lang din o di kaya'y pumunta sa isang lugar kung saan ako pwedeng magmuni-muni at makalimot sandali.

Habang nagmamaneho ay bigla akong nabagot sa suot kong damit kaya napagpasyahan ko na itigil muna sa tabi ang sasakyan mabuti na lamang at tinted ang kotse at may dala akong extrang damit dahil sa kotse na din mismo ako nagbihis hindi naman kasi ako ganon kaarte and yes, I am still wearing a gown for goodness sake.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now