TON: 18

2.9K 107 6
                                    

KABANATA 18
Ayumi's Point of View

Time Check: 6:00 PM

Narito kami ngayon sa mansion ng mga Salvador. Ang lahat ay nakabihis na at tila mga prinsipe at prinsesa sa mga suot nilang magagarang damit.

“Lady Ayumi napakaganda niyo po,” saad ng isa sa mga tagapagsilbing tumulong sa pagbibihis sa akin.

“Hala hindi naman po.” Pahumble ako eh bat ba? Hahaha.

Pagkarating ko sa sala ay lahat sila sa akin nakatitig kasama na ang parents nila Vlad. Kumpleto sila ngayon at hindi talaga ako komportable sa sitwasyon ko.

“You look gorgeous my dear,” papuring natanggap ko mula sa ilaw ng tahanan ng mga Salvador.

Isang tipid na ngiti na lamang ang iginanti ko sa papuring iyon.

“By the way, where's my grandson?” biglang tanong naman ng daddy ni Vlad.

Teka sinong apo? May anak na ba si Sir Mel? Akala ko ba single pa ang isang yan?

Maya-maya pa ay may dumating na sa tingin ko ay yaya, dala ang isang napakaliit at napakacute na isang baby boy. Ewan ko ba sa sarili ko bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba ng makalapit na ng husto ang bata.

“This is Knarzel Giovanni Psamiel Grefaldo Salvador your son,” seryosong saad ng daddy ni Vlad habang ang paningin ay na sa akin.

ANO DAW???

“Ah eh. Kunwari kasi may anak na kayo ni Vlad hehe,” singit naman bigla ni Kuya Kirb.

Grabe! nakakaloka na talaga ang mga nangyayari pati inosenteng bata nadamay pa sa pagpapanggap. Hays.

“One and a half years old palang si baby Gio ah wag mo kakalimutan yun. Baka bigla ay may magtanong sa atin,” sa wakas ay nagsalita na din si Vlad akala ko napipi na eh.

Di pa nga ako nakakasagot ay binigyan na ako ni Vlad ng isang phone. Okay anong meron dito?

“Yan ang phone mong gagamitin. Wallpaper niyan ay picture namin ni baby Gio kasi nga you love us so much and here look at this,” sabay ipinakita naman niya ang phone niya at nakitang picture ni baby Gio ang lockscreen wallpaper. At nang iunlock niya ito ay picture ko naman ngayon ang nakita ko kaya napatingin ako sa phone na hawak ko at nakitang solo picture ni baby Gio ang lock screen wallpaper. Okay parang nagets ko na.

“Buksan mo ang phone at tingnan mo yung docu na nakasave dyan basahin mo,” sinunod ko naman ang sinabi niya nalaman ko na ang laman ng docu ay mga basic infos about baby Gio and Vlad himself like birthdays and etc.

Fast forward tayo.....

Inalalayan ako ni Vlad na makababa ng kotse na sinasakyan namin habang karga-karga niya si baby Gio. (We really look like a real family now) Nakahiwalay din kami ng sinakyan dahil isang pamilya din daw dapat kaming bababa sa Salvador's Hall.

“Stop looking at your phone mapaghahalataan tayo eh, now just smile and hold my hand,” sinunod ko naman agad ang sinabi niya.

Grabe sobrang nakakakaba itong pinapagawa sa akin ni Vlad ngayon. Sa tingin ko nga ay napakalamig na ng kamay ko na nakahawak ngayon sa braso ni Vlad.

“Calm down. No one wil eat you here. Okay?” pagpapakalma naman sa akin ni Vlad kaso di ko feel yung pagkakabuo ng sentence niya ah.

Pagkapasok palang sa hall ay ramdam ko na ang mga matang nakatitig sa amin pero hindi ko nalang pinansin iyon at diretsong napatingin nalang sa harap ko.

Hanggang sa makarating kami sa pinakamalaki at pinakasentrong lamesa kung saan naroroon na ang pamilya ni Vlad. Ang mommy at daddy maging ang mga kapatid niya.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now