Six

4.5K 163 2
                                    

KABANATA 6
Ayumi's Point of View

Nasaan na ba ang Vladimir na yun? Kaasar naman hindi tuloy ako makapasok sa Venue.

Hanggat kasi walang kasamang kapair bawal pang pumasok kaasar porket anak ng may ari ng school eh paimportante masyado!

“Bes wala ka bang number nung date mo? Tawagan mo na kaya,” tanong ni Jhanece na ngayon ay kasama ng date niya na isa sa mga kadepartment ko prepared talaga ang bruha sa ball kahit pa sa monday ang simula ng klase niya.

“Wala eh pero sige na okay na ako dito, ako nalang mag hihintay nadadamay pa kasi kayo sige na pasok na,” suhestiyon ko sa beatfriend ko.

“Sigurado ka Bes? Mauuna na talaga kami kung okay lang? Naiihi na kasi ako talaga ako,” medyo awkward pang saad niya.

“Oo naman sige na,” and with that nawala na sila sa paningin ko.

Mag-isa na ko huhu---

“Lady Ayumi? Kayo na nga ho ba ito Lady Ayumi Grefaldo?” tanong ng isang ginoo.

“Po? Ah eh opo ako nga po bakit po?” may pagtatakang balik tanong ko sa ginoo.

“Salamat naman po at nahanap ko na kayo pinapasundo po kayo ni Master Vladimir nasa taas po ng hotel si Sir at huli daw na papasok sa venue ang magkakapatid na Salvador kasama ang mga special guests ng pamilya,” magalang ng salaysay ng ginoo.

Katulad ng sinabi ni kuya Jonash na siyang pangalan ng ginoo ay nagtungo na kami sa itaas na bahagi ng hotel gamit ang elevator sa parking lot.

Aba't tingnan mo nga naman nilalamok na ko't lahat sa baba tapos komportable lang nakaupo ang damuho.

“Bakit ang tagal niyo?” iritado pang tanong nang wengya.

“Ah pasensya na po kayo Master natagalan po kasi ako sa paghahanap kay Lady Ayumi,” hingging paumanhin pa ni kuya Jonash kawawa tuloy.

“Aba! Kung hindi ka ba naman kasi kalahating bangag edi sana binigyan mo man lang ng clue si kuya Jonash kung gaano ako kaganda diba? May Facebook naman uso magsearch at magsave ng picture noh? Ikaw na nga tong nag utos ikaw pa may ganang mag inarte,” dire-diretsong saad ko pa.

Bigla namang nabilaukan si Vladimir sakto kasing umiinom siya ng wine nung nagsalita ako

“Hahahahaha” Hala sino yun? May kasama pang pagpalakpak.

“Baby hinay-hinay lang ang puso mo baka mahulog.” Oh my gosh!

“Kuya?” gulat na sabi ko pagkalingon sa kararating lang na si kuya Ice.

“Hahaha mukhang nagmana sayo ang kapatid mo dude ah,” si Kuya Kirb naman ngayon ang nagsalita at may pagtapik pa sa braso ni Kuya.

“Late na ba ko? Oh Hi Vladdy,” nilampasan naman ako ni ate Rosa at dumiretso kay Vladimir at bumeso. (wow close sila?)

“And Hi too Lil'sis,” pagkuwan ay sa akin naman siya bumeso.

“Hello sa inyo--- Oh! kumpleto pala rito ang magkakapatid na Grefaldo,” si Sir Mel naman ngayon ang umeksena.

“Good evening po sir Mel,” magalang na pagbati ko pa.

“Drop the formality Ayumi wala naman tayo sa klase ngayon eh hahaha,” ay grabe ang saya niya ngayon ah.

“Tsk.” si Vlad yan KJ eh.

“Ah opo sinama ko si Rosa para naman hindi siya mag-isa sa bahay may date daw kasi ngayon ang parents namin hahaha,” pagkukwento ni Kuya.

“Yah, I will be kuya Ice's date for tonight,” pag sang ayon pa ni Ate Rosa.

“Anyway Ayumi right? Nakita mo na ba si Cathy? Siya kasi date ko ngayon eh di ko mahanap,” baling naman bigla ni Kuya Kirb sa akin oo nga pala siya ang date ni Cathy.

“Nagtxt siya nung paakyat kami dito on the way palang daw nandyan na din yun maya-maya,” sagot ko naman.

“Wait! I thought Ayumi will be your date Kirb?” ayan kasi ayaw makinig sa akin kanina ni Ate Rosa.

“Ayumi is mine.” Cold na pagkakasabi ni Vladimir.

“What?” si ate Rosa ulit.

“I mean she's my date,” pagpapaliwanag naman ni Vladimir.

Magsasalita pa sana si ate kaso naunahan na siya ni---

“Hellooooo! late na ba ko?” si Cathy yan, ang ingay talaga kahit kailan.

“Nope you're just on time,” nakangiti pang saad ni Kuya Kirb buti pa ang isang to mabait.

As if on cue ay bigla na lamang kaming pinatawag at isa-isang tinawag ang aming mga pangalan by pair, gosh!

Dumaan kami sa isang napakalaking pinto at bumungad sa amin ang mahabang hagdan pababa habang sinasalubong ng mga tingin ng napakaraming studyante ng SU.

Pak! eksena lang nakakahiya kaya maglakad lalo na kung ang kapares mo ay mas malamig pa sa yelo ang ekspresiyon. Tsk.

Pagkababa ay sa iisang table lang kami dumiretso pero nagpaalam muna ko para mag cr ihing-ihi na talaga ako dahil sa kaba nung pababa haha.

Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako ng cubicle.

“Well well well! Look whose here girl!” saad ng kaklase kong si Rhona.

“Anong kailangan niyo?” malumanay na tanong ko.

“Ako wala pero ang kaibigan ko meron,” maya-maya pa ay lumabas rin galing sa isa pang cubicle si Ryza.

“Bruhilda kang babae ka! Mang-aagaw!” bigla na lamang hinugot ni Ryza ang buhok ko.

“Aray! Ano ba! Bitawan mo ko! Wala akong ginagawang masama sayo!” akma ko siyang itutulak kaso hinawakan ni Rhona yung magkabila kong kamay.

“Aaaaaaah! Bitawan niyo ko!” pagpupumiglas ko pa.

“Hey! Are you not done yet? Magsisimula na ang bidding tara na” bigla ay may nag salita sa may pinto. (may kasabwat pa pala ang mga to)

“Madali na to Dave baby,” aba't boyfriend pa ata ni Rhona kaasar.

Bigla naman ako nilang binitawan at itinulak kaya bumangga ako sa pader tumama din ang isa kong kamay sa basurahang bakal.

“Ayan! Bagay lang yan sayong bruha ka tingnan ko lang kung maatim pa ni Vlady baby ko na makita ka pwe!” hirit pa ni Ryza.

“Hahaha buti nga sayo! Mang-aagaw!” dagdag pa ni Rhona.

“Rhona baby tama na yan tara na,” singit naman nung lalaki sa may pinto. (talagang kinonsente pa ang girlfriend niya?)

“Okay tara na Ryza! Manood na tayo ng bidding,” tyaka sabay na nag walk out ang dalawa.

Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto.

Pagka-alis nila ay tyaka ko inilabas ang kamay kong tumama sa basurahan, shit! ang hapdi. Nagkaroon siya ng cut at pasa argh kaasar kung hindi lang sana to tumama eh makakasampal din ako ng tigitig-isa dun sa Ryza at Rhona na yun eh.

Buti nalang at may gwantes akong gagamitin sa bidding wala naman sigurong makakahalata tyaka papaayos ko nalang ulit tong buhok ko kay Jhanece teka! Yung bidding nga pala! Magsisimula na!

Oh no! Kaya naman dali-dali akong pumunta sa may pinto, only to know that the door is...

LOCKED!!!!!

“What the heck!” tanging nasambit ko na lang kaasar.

Ano nang gagawin ko huhuhu.


To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon