"Vlad, can I join my family over there?" I asked Vlad tyaka tinuro ang pwesto nila mommy at daddy kasama si Kuya.

"If that's what you want, let me join you then," akmang tatayo na siya pero pinigilan ko din agad.

"Stay here, isa kang Salvador you should be here," saad ko tyaka kukunin na sana si Gio sa kanya pero nilayo niya sa akin ang bata.

"Gio is also a Salvador, he should be here too." What the heck! I can't believe him.

"Vlad are you serious----

"You know what I mean sweetheart," pagpuputol niya sa dapat na sasabihin ko. Is he blackmailing me?

Dalawa lang ang pagpipilian ko, it's either mag-stay ako dito with Gio or pumunta sa family ko without my son.

"I can't believe you Vladimir, I trusted you----

"MANRIQUE!" I was interrupted by that shout coming from someone.

Biglang nanlamig ang mga kamay ko, halos kapusin rin ako ng hininga nang mapagtantong ang lolo ni Vlad ang sumigaw at napatayo pa. He shouted "Manrique" so it means........

Agad kong nilingon ang direksiyon kung saan nakatingin na ngayon ang lahat at nakumpirmang sina ama at ina nga ang ngayon ay naglalakad sa mismong daan na nilakaran namin kanina sa parade. They are with Lucas na todo smile pa.

Malapit na sila sa pwesto namin nang muli kong lingunin ang pamilya ni Vladimir. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at pagkabahala?

"Mr. and Mrs. Manrique, I didn't expect to see you here today. How are you?" Pagbati ng lolo ni Vlad nang makalapit na rin ng tuluyan sila ama.

"Very much ALIVE Mr. Salvador," at talagang pinakadiinan pa ni ama ang salitang 'alive'.

"Good to hear that, by the way welcome to OUR school please enjoy your stay." Sagot naman ng lolo ni Vlad. Halatang pinapamukha niyang nasa teritoryo nila kami.

"Your school is great that's why I let my child attend here," pinasadahan ako ng tingin ni ama lalo na nang banggitin niya ang salitang 'child'.

"Right Lucas?" Dagdag pa niya na ngayon ay kay Lucas na nakatingin.

"Of course dad, I like it here especially that Ayumi is also here to begin with." Dahil sa sinabing iyon ni Lucas ay biglang nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat. This is pretty awkward.

"Jerk," bulong ko sa sarili and I was pertaining to Lucas. Bakit kasi kailangan niya pa kong idamay huhuhu.

"Oh, Ayumi dear it's so nice to meet you here." Gulat kong nilingon si ama dahil sa sinabi niyang iyon.

"P-Po?" Halos mautal ako at di alam kung ano ang isasagot.

Humakbang palapit sa pwesto ko si ama na mabilis din namang sinundan nina ina at Lucas.

"Wowo, wowo...wowo *chuckle," nagulat ako nang biglang nagsisigaw si baby Gio at excited na inistretch ang kamay, animong gustong magpakarga kay ama. Kailan pa sila naging close ng ganito?

"HAHAHAHA look at this cute baby boy, he just called me Lolo, come on let me hold you." Akmang kukunin na ni ama si Gio nang tumayo si Vlad at inilayo kay ama ang bata.

Dahil sa ginawang iyon ni Vlad ay malakas na umiyak si Gio. Oh my God! Di ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari.

"Stop it! Tinatakot niyo ang bata." Di ko namalayang nakalapit na din pala sa pwesto namin sina mommy at agad na kinuha si Gio kay Vlad.

"Ayumi let's go," pag aya din sa akin ni daddy tyaka inalalayan naman ni kuya si mommy.

"Let us talk somewhere else." Pagkuwan ay saad ng lolo ni Vlad na siyang ikinatigil din namin sa paglalakad.

"Pero hindi pa dumadating ang paragon Lo," Hindi nakatakas sa aking pandinig ang sinabing iyon ni Sir Mel.

"Then tayo ang pupunta sa kanya." Pagtatapos ng nakatatandang Salvador sa usapan.
.
.
.

I still can't believe that we are now inside of the grand hall owned by the paragons.

"Hello everybody!" Masiglang bati ng isang pamilyar na boses.

"James?" Wala sa sariling sambit ko na agad din namang narinig ni James kaya nilingon ako nito at sumaludo pa bago dumiretso sa gawi nila ama.

"Hey demon/ Yo devil!" Sabay na bati ni Lucas at James sa isa't-isa na may kasama pang pag apir.

"Tsk," ismid naman ni Vlad.

Feeling ko tuloy ay nagseselos si Vlad sa closeness nung dalawa because James is supposed to be Vlad's best buddy right?

"Oh, hello there dude----

"Huwag mo kong kausapin hindi tayo close," agad na bara ni Vlad kay James. Linya ko yun kanina ah? Argh, whatever.

"Is everyone here now?" Biglang may pumasok sa hall at nagsalita na siyang ikinatahimik ng lahat.

Ang apat na paragon ay isa-isa nang nagsipasok sa loob ng hall at naupo sa harap kung saan nakalagak ang apat na magagarang upuan.

"Please be seated everyone," saad ng isa sa kanila na agad din naman naming sinunod lahat.

"Oh, look what we have here," tila excited na saad ng isa pa.

"The first and second family clan, hmmm interesting." Komento naman ng isa pa habang nanatiling tahimik ang nasa dulo.

"So what's the matter everyone? Bakit parang may hindi ata pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang pamilya, hmm?" Muling nagsalita ang isa sa mga paragon.

"I see, you are not surprised so I guess, you already know that they are alive." Ang nakatatandang Salvador ang unang sumagot sa paragon.

"Huh? Namatay ba sila?" Parang inosente namang tanong ng isa pang paragon.

"So you knew all along?" Si sir Mel ang nagsalita at halatang may hinanakit sa tono ng boses niya and he was staring directly on someone. Ang kaisa-isang paragon na tahimik sa gilid.

"I'm done here," iyon ang huling sinabi ni Sir Mel bago siya tuluyang umalis nang walang lingon-lingon kahit pa panay ang pagtawag sa kanya ng mommy at daddy niya.

"Don't follow him," nilingon ko ang nagsalita at napagtantong isa iyon sa mga paragon at ang kausap ay ang paragong tinitigan ni sir Mel kanina. There is something fishy here.

"So moving forward, nandito na rin lang naman tayo bakit hindi nalang ang pamilya ni Vladimir ang ating pag usapan? Should I start with that young boy over there?" Tinuro niya si baby Gio na karga-karga ni mommy.

Muli nanaman akong nakaramdam ng takot at pangamba dahil sa narinig.

"What about them? Napatunayan ko na ang sarili ko sainyo, ano pa bang gusto niyo?" Napatayo si Vlad at gigil na gigil habang nagsasalita. What does he mean about that?

"You are not yet married Mr. Vladimir, we cannot let them enter our world easily unless......

"Unless what?" Mahigpit nang nakakuyom ang kamao ni Vlad.

I was literally cursing at the back of my mind. Nilingon ko ang gawi nila ama dahil parang may mali.

Pinagmasdan ko ang reaksyon nila at halatang hindi rin nila nagugustuhan ang mga nangyayari and I know exactly why. It was because the paragons are talking as if they didn't know my existence at all when infact I already met them secretly with my real parents.

"What do you want?" Muling nagsalita si Vlad.

"Pledge of Loyalty." Sabay-sabay na saad ng mga paragon maliban sa isa na halatang malayo ang iniisip.

But wait? Ano daw?



To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now