Tumango lang din si daddy bilang sagot tyaka ngumiti naman ang mommy habang si kuya ay napakamot lang sa ulo.

“Mi-mi-Mimiii,” pakinig kong magiliw na sambit ni baby Gio tyaka parang excited na inextend ang braso na animong sinasabing kargahin ko siya. I automatically smile because of the thought.

“Aw, my baby I miss you so much,” agad akong lumapit para kunin ang anak ko mula kay daddy tyaka hinagkan-hagkan ito.

My son giggled and then he hugged me tight. He's so sweet!

“Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa Mr. and Mrs. Grefaldo, naparito kami upang humingi ng pahintulot sa inyo.” Sabay-sabay kaming napalingon nila mommy sa nagsalitang parents ni Vlad.

“Pahintulot? Hmm permission for what Mr. Salvador? Let me hear it.” Saad ni dad tyaka naupo sa mismong harapan nina tito at tita.

“Nais naming isama si baby Gio sa parade ng aming pamilya bukas sa pagsalubong sa parag--- I mean, sa major sponsor ng Salvador University.” Nagpantig ang aking tenga sa narinig. Did I heard it right?

Well, wala naman sana akong problema about sa parade o kung ano man yun at lalo na sa pag acknowledge ng pamilya nila sa anak ko but is it just me or tama ang pagkakarinig ko sa word na 'paragon' though hindi naman buong nasabi but it definitely looks like that was the word he was about to say really. Medyo nakaramdam ako ng pangamba dahil sa naisip.

“Is it necessary?” Halata ang pagtutol sa tono ng pananalita ni mommy.

“Tita please... Gio is my son and I have been hiding him for almost 2 years now. I can't take it anymore that's why this time, I want to show to everyone how proud I am with my child.” Awtomatiko akong napayuko dahil sa sinabing iyon ni Vlad. H-He loves our son so much.

“Nandoon na ko Vlad, oo naiintindihan kita pero kasi school yun, eskwelahan kung saan pareho kayong nag aaral ni Ayumi. Ano nalang sa tingin niyo ang sasabihin ng mga kapwa niyo estudyante pag nalaman nilang may anak na kayo ni Ayum----

“They already knew mom.” matabang kong turan sa kalagitnaan ng pakikipagtalo ni mommy.

“What? When did it happen? Bakit wala ka man lang nakwento samin? Did they bully you? Hurt you? Come on baby tell me,” puno ng pag aalala at mabilis na nakalapit sa akin si Daddy para kamustahin ako.

“I'm fine dad, V-Vlad did take the blame.” umiwas ako ng tingin pagkasabi non. I don't really know how to face all of them right now.

“Responsibilidad ko iyon,” pakinig ko pang sambit ni Vlad bilang sagot sa sinabi ko.

“Please Mr. and Mrs. Grefaldo, please let us bring Gio tomorrow.” muling pakiusap ng mommy ni Vlad kaya minabuti kong ako na ang sumagot.

“Paano ako makakasiguro na ibabalik niyo sa akin si Gio after the parade---

“Ayumi No!” my mom interrupted me. Hindi talaga siya sang ayon sa gusto ng mga Salvador.

“Mom, Gio is my son but he is also a Salvador at hindi natin maitatanggi iyon.” Hinarap ko si mommy para paliwanagan.

“Pero anak----

“Let us trust them for now mom, Gio is their own blood after all.” Nasisiguro kong hindi nila ipapahamak ang anak ko kaya confident akong ipagkatiwala sa kanila ang bata.

“You can go with us Ayumi para maging at ease ang pamilya mo.” Seryosong saad ni Vlad na siyang ikanakunot ng noo ko.

“What? No need for that, just bring Gio home tomorrow after the parade---

“Go with them Ayumi, I don't really trust that Salvador. Paano kung hindi nila ibalik satin si Gio?” Dad interrupted me.

“No dad it's okay---

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora