"Okay then how about Gio? How is he? I miss the both of you already." aw, my ina is so sweet as always.

"He's still sleeping po ina and don't worry po kasi ilang araw lang naman kami dito, babalik din po kami agad." isang araw palang akong wala sa kanila pero ganito na reaction niya.

Naisip ko tuloy bigla yung 20 years na hindi nila ko malapitan at makausap although according to them ay palagi din naman nila akong nakikita sa malayuan. Siguro ay napakahirap niyon para sa kanila lalo na kay ina.

"Okay, sige anak basta mag iingat kayo palagi ah, take good care of your son kahit dina yung tatay haha," oh? Is this really my ina? Marunong na din siyang magbiro.

Natawa nalang din tuloy ako dahil sa sinabi niya.

"Sure po ina, kayo din po ay mag iingat palagi. I love you po." I do really love them so much kahit pa sandali palang din kaming nagkakasama ulit.

"Pakikamusta nalang din po ako sa lahat, kay ama po tyaka kila daddy," dagda ko pa, namiss ko din tuloy sila bigla.

"Oo naman anak, sige na at ipaghahanda ko rin ng agahan ang iyong ama." Aw, ang sweet talaga ni ina.

"Sige po ina, bye bye po." paalam ko na din.

Nang akmang Ilalapag ko na sana ang cp sa bedside table ay bigla na lamang. . .

*boooooogsh!

*baaang!

What is happening? What is that sound?

Agad na namayani ang kaba sa aking dibdib. Palabas na sana ako ng kwarto nang bigla ring bumukas ang pintuan kasabay ang pagpasok ng humahangos na si Vladimir.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Please stay with me no matter what," tila ba parang takot na takot ang kaniyang himig habang sinasabi ang mga katagang iyon

A-Ano ba talagang nangyayari?

Habang yakap ako ni Vlad ay bigla na lamang na may pumasok na mga armadong lalaki sa loob ng silid kung saan kami kasalukuyang naroroon.

Agad na hinila ng mga ito si Vlad palayo sa akin.

“No! Let me go! Don’t touch me!” pagpupumiglas ni Vlad

Naguguluhan man ay batid ko na hindi maganda ang nangyayari kaya't madali ko ring kinarga si Gio na mahimbing na natutulog sa kama.

Kinakabahan ako sa nangyayari at tila ba nanghihina nanaman ang aking mga tuhod hindi ako makakilos, anong bang nangyayari sakin? Nakatunganga lang ako habang yakap-yakap ang aking anak at si Vlad naman ay patuloy na nagpupumiglas. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tila baga'y bigla akong tinakasan ng aking utak.

“WIFEEEEE!!!” sigaw ni Vlad na siyang nakapagpagising ng aking diwa.

"Saan niyo dadalhin si Vlad!?” sigaw ko nang mapagtantong hinahatak na nila palabas si Vlad.

Pero hindi rin sagot ang nakuha ko kundi isang malakas na hampas, buti na lamang at agad kong nasalagan ang anak ko.

"A-ah A-aray," nahihirapang saad ko habang hawak ang mahigpit na yakap si baby Gio.

Dahil din sa paghampas na iyon ay nagising ang anak ko na ngayon ay walang tigil na sa pag iyak.

"Fvck! You don’t have the right to hurt my wife nor my child! No, please! Ako nalang ang saktan niyo, lubayan niyo ang mag ina ko!" patuloy na nagpupumiglas si Vlad pero wala siyang ibang magawa kundi ang magsisigaw dahil marami ang kasalukuyang nakahawak sa kanya.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now