Hndi ko pinansin yung pinagsasabi ni Isay dahil patuloy ako sa pagbasa sa article kung nasaan yung kuha namin ni Cielo sa hotel.

'The youngest CEO of a five-star hotel, The Luxient, celebrates their annual party with other businessmen and millionaires in one tremendous night. The young CEO, together with her special date named Miss Red. Until now no one knows about her...'

"Anong nakalagay?" kumikinang pa yung mata niya habang nagtatanong.

"Wala, ito tignan mo." Binigay ko sakanya yung dyaryo at humiga ulit dahil sobrang antok pa talaga ako. Wala rin naman akong pakielam tutal hindi naman nila kilala ang pangalan ko kaya hindi nila ako magugulo.

"Girl?! CEO si Miss Cielo?! Oh my god! Magkwento ka ano nangyari kagabi?" biglang entrada niya pagpasok sa room ko.

Napasapo ako sa ulo ko habang inaalala ko yung mga nangyari kagabi. Kapag iniisip ko nahihirapan akong huminga lalo na kapag nadadako sa utak ko ang paghawak niya sa bewang ko ng mahigpit at yung mga titig niyang tila ako tinutunaw.

"Ah... nung sinundo niya ako pumunta kami sa mamahaling salon tapos pinaayusan niya ako tapos pinatapon niya yung... hala! Yung mga damit ko!"

Dalidali kong kinuha yung phone ko sa side table ko para i-text siya. Baka akala niya makakalimutan ko yung ginawa niyang pagpapatapon sa mga damit ko? Nagkakamali siya!

Ilang minuto na rin akong naghihintay pero wala siyang reply halos mapuno ko na yung sent items ko ng text ko sakanya. Bwisit talaga!

"Hoy! Kanina pa kita tinatanong bakit tinapon damit mo?" Entrada niya habang pa ikot-ikot ako dito sa kama.

"Mamaya ko na ikukwento, Isay."

Ilang minuto na pero wala parin siyang reply... nang gigigil na ako ah! Ayoko pa namang tumatawag sa tao pero mapipilitan ako.

Wala pang dalawang ring ay sinagot niya agad? Ang dami kong text pero reply wala?  Nung tumawag ako sinagot agad?!

"Hi honey! Why did you call?" napalukot ang mukha ko sa bati niya.

"Anong honey ka dyan?! Nasaan na yung damit ko, aber? Sabi mo papalitan mo?  Pinatapon tapon mo pa kasi!"

"Whoa! Nagger easy, kaunti na lang ay lalabas na yung bibig mo sa phone."

Anong nagger?! Ginagalit talaga ako ng impaktang ito!

"I don't mind! Yung damit ko ibalik mo!"

"I know, Honey. That's why I'm here at the mall. So, what do you want? Lacoste? Celine? Chanel? Zarra? Gucci?"

Teka, bakit parang mamahalin yung mga pinagsasabi niya?

"Hoy Cielo! Ayoko niyan at hindi ko kailangan ng mamahalin!"

"What?" halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ang sabi ko ayoko ng mamahalin na damit." Tumataas pa ang kilay ko dito na animo'y nakikita niya ang itsura ko.

"What the hell? What kind of clothes do you want?" bakas ang pagka iritable ng boses niya dahil lumalaki na ito pero hindi ako papatinag sakaniya.

"Basta ayoko ng mamahalin!"

"Hey wai--"

I ended the call, ha! Akala niya, ah! Ako naman ang gaganti ngayon sa pagiging impakta niya. Pwes! Pahihirapan ko siya ngayon.

"Rara, nakakatakot ka."

Hindi ko napansin na kanina pa pala nakatingin si Isay sa akin at narinig niya lahat ng mga sinabi ko kay Cielo.

One Seat Apart (GirlxGirl)Onde histórias criam vida. Descubra agora