Duke 17

137 3 0
                                        

Nakaayos na ako at inaantay ko nalang si Zeus. Nandito ako sa salas namin at nanunuod ng tv. Si Vhon naman may ginagawang plano ng bahay kaya busy si Nanay naman kausap si Tita.

"San ka punta Ate?" Tanong ni Vhon sakin. Napangiti naman ako. Tiningnan niya kasi yung suot ko. Nakashortshorts ako ng flesh tapos nakablack na longsleeve ako na chiffon ang tela at manipis. Hindi naman sobrang nipis. Enough lang then nagstiletto ako ng black. Yung buhok ko naman itinaas ko at nilagyan ko ng malaking clip na may design na butterfly na itim tapos nag black earings ako. Tapos plain make up.

"Hmmm reunion nina Zeus, Vhon kaya sinama niya ako." Sabi ko naman dito saka nilapitan ko siya at pinanuod ang ginagawa niya.

"Ahhh ingat kayo ni Kuya Zeus ate. Kapag lasing na si Kuya at hindi kana maihatid tawagan mo lang ako, ako na ang susundo sayo ha?" Sabi ni Vhon. Inakap ko naman si Vhon habang nakaupo ito.

"Opo. Basta galingan mo yan ok?" Sabi ko sakanya sabay ngiti.

"Oo naman ate. Promise ko sayo diba ako ang magpaparenovate ng bahay na to at bibigyan kita ng magandang room. Para magkasya ang gamit mo." Simula kasi ng maging manager ako ng Printing Press madami na din akong natatanggap mula sa mga clients namin. Shoes, clothes, may mga jewelries pa. Kaloka at hindi na magkasya sa attic sama mo pa yung bigay ni Shine.

"Salamat Vhon. Pero mag-ipon ka din ok?" Sabi ko sakanya sabay kiss sa noo niya.

"Naks ang sweet naman ng babe ko at ng bayaw ko." Si Zeus pala nakapasok na sa loob ng bahay. Nilapitan ko siya. Napakagwapo nito sa khaki pants at red poloshirt na suot nito dagdag ang gulogulong buhok nito at precious smile. Grabe define na define ang muscles niya halatang batak sa sports.

"Gwapo ng Babe ko ah." Sabi ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya and umakap ako sa kanya.

"Hahaha lagi naman akong gwapo lalo na sa mata ng nanay ko at sa mata mo babe." Then he gave me a peck on my lips.

"Asus talaga naman ang dalawang ito oo." Narinig kong sabi ni Nanay sa likod namin.

"Kuya kailan ulit game niyo? Sana makapanuod na ako ng live." Nahilig si Vhon sa football dahil kay Zeus minsan naglalaro silang dalawa.

"Sasabihan kita bro. At bibigyan ko kayo ng front seat access sa Madrid game ko. Nanay sama ka?" Tanong ni Zeus kay nanay habang nakakapit pa sa bewang ko.

"Naku kayo nalang. Hahaha masyado na akong matanda para sa mga ganyang laro." Sabi ni Nanay na tawa ng tawa.

"Pangako yan Kuya Zeus ha!" Sabi pa ni Vhon kay Zeus.

"Oo bro. Syempre pagkakataon ko na rin yun magpasikat dito sa ate mo." Ehdi baliw na to papasikat pa talaga weh. Hahaha ewan ko ba dito.

"Hay naku tigilan na natin to. Alis na tayo babe nakakahiya sa mga kaibigan mo." Sabi ko sakanya sabay dampot ko sa pouch ko na black.

"Ingat kayo ate Kuya." Sabi ni Vhon at bumalik na sa trabaho niya. Nagmano na kami kay nanay at umalis nadin.

"Hmmmm wala kang dadalin for them babe?" Tanong ko sakanya habang nagdridrive na siya.

"Wala nga ako maisip babe weh." Sabi nito sabay sulyap sa akin. Tapos bigla kaming huminto sa isang wine shop.

"Seryoso alak?" Sabi ko sakanya. Nginisihan lang ako ng loko. Haha bumaba kami. Oo medyo nasasanay na ako makihalubilo sa mga socialite dahil sa mga client namin nina Warren. Pero hindi ako familiar sa mga alak talaga. Pagpasok namin sa Winery.

"Mahilig ang mga yun sa mamahaling drinks babe. So I guess sa mga oras na to nakapila na ang alak dun. Dagdagan nalang natin." Natatawang sabi ni Zeus habang pumipili.

Your always be mine.Where stories live. Discover now