Prologue

5.4K 91 34
                                    

Prologue

[Her POV] 

Nagsimula ang lahat sa isang agreement naming dalawa, di ko ito inaasahan. Hindi dahil sa hindi niya ako kilala dahil matagal na kaming magkakilala, dahil sikat naman ako sa aming unibersidad sa pagiging makulit at friendly. Kundi dahil hindi kami magkasundo, palagi kaming nag-aaway at palagi kaming nagbabangayan sa tuwing magkikita kami.

Nagsimula ang lahat, ng niloko ako nang bwisit kong boyfriend, di ko akalaing lolokohin niya pala ako. Siya pala ang ginamit ng best friend turn out to be my best enemy para makapaghiganti sa akin.

Kaya kailangan kong ipamukha sa kanila na hindi ako apektado sa kanila at hindi ito masakit. Sa totoo lang, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kung kailan nagmahal ka na nang totoo, saka ka pa maloloko.

Nakipagkasunduan ako kay Xavier, siya ang pinakasikat na Bad Boy sa aming unibersidad. Kinakatakutan ng lahat, dahil sa kanyang masamang ugali. Kahit babae pinapatulan niya, kapag hindi na siya nakakapagtimpi kaya walang lumalapit sa kanya maliban na lang sa mga kaibigan niya na bully din kagaya niya.

Siya lang kasi ang pumayag sa kasunduan namin kaya no choice ako. Ang he’s fit sa physical appearance na hinahanap ko. Hindi pala “fit” ang tamang word, he’s perfect for it. Kaya niya akong ipagtanggol at di ko na din maikakailang gwapo siya.

-       Catie Ashleigh Gutierrez

 

 

[His POV]

Siya ang babaeng gusto ko pero may boyfriend na siya, kaya lagi ko na lang siyang pinagtitripan. Papansin ako, alam niyo na. Nakakatuwa kasi siyang makitang naiinis o nagagalit lalo siyang gumaganda. Ako lang naman ang stalker niya na bad boy, hahaha. Akalain niyo bang ang isang katulad ko magkakagusto sa kanya? Na ang isang katulad ko pwedeng magkagusto sa babae?

Pwede pa naman, basta siya ang babaeng iyon at wala nang iba. Hindi ko siya magawang ligawan dahil hindi ako marunong nun. Mas lalong hindi ko kayang bumanat ng mga jokes o sweet nothings para pa-kiligin siya. Ang corny nun!  

Alam kong ayaw na ayaw niya sa akin, kaya alam kong wala akong pag-asa sa kanya kahit na subukan ko. Ayaw niya sa bad boy, bully, pilyo, pasaway, tamad, hindi athletic at hindi matalino. Matalino ako! Tamad nga lang. In short, ayaw niya sa akin.

High school pa lang kami gusto ko na siya, hanggang ngayong nasa kolehiyo na kami siya pa din ang gusto ko. Sinundan ko pa talaga siya sa unibersidad na pag-aaralan niya. Gusto pa ba ang tamang tawag? O baka nga mahal ko na siya?

Kung bakit ako pumayag sa kasunduan na ito, malamang gusto ko siyang makasama. At gusto ko siyang protektahan sa gagong lalaking iyon na sinaktan siya.

-       Xavier Nolan Lewis

 

-----

 “If you would agree to be my boyfriend, I’ll do anything you would ask.” Sabi ko sa kanya, kahit labag man ito sa loob ko gagawin ko pa din para lang maisagawa ko ang dapat kong gawin. Nagulat siya sa tanong ko, at isinandal ako sa pader. Nilapit din niya ang mukha niya sa mukha ko na siyang ikinagulat ko naman.

“Anything? Seriously?” pilyong tanong niya sa akin.

“Yes. Anything, for the sake of revenge.” Sagot ko naman sa kanya. Kung bakit ba naman kasi lahat ng lalaki ay takot sa boyfriend ko. I mean EX-boyfriend and erase the word “ko” dahil hindi ko na siya pagmamayari.

Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko, kinakabahan ako sa ngiting ipinakita niya. Baka kung anong hilingin niyang kapalit, napalunok ako bigla at kinagat ang labi ko sa sobrang tensyon na nararamdaman ko.

Never trust that kind of smile, dahil alam kong may pagka-pilyo ang taong ito.

 “Live with me.” sambit niya.

----- 

Note: Teaser is on the media, watch it first! :)

Title: Unexpected Agreement

Written by: Chellany

Genre: Romance, General Fiction, Humor (Slight)

Created: July 09, 2014

Finished: Finished: February 2, 2015 [12:41NN]

DISCLAIMER

This story is a work of fiction. Any resemblance in the names, businesses, places, events and incidents are purely coincidental or it is either the products of the author's imagination. This story may contain sexual theme and objectionable language and behavior. If you are easily offended you should cease reading this story. The author is not responsible for any thoughts you may form after reading this work.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

 Copyright ⓒ Chellany 2014-15, all rights reserved

Unexpected AgreementWhere stories live. Discover now