Volume 2 CH 12 : Silver trace

Magsimula sa umpisa
                                    

'Don't get me wrong Stone ginawa ko lang ito dahil kay Raven. May s-sasabihin lang ako. Hindi naman importante'

'ano yun kie marami pang naghihintay na chicks sakin kaya medyo bilisan mo' sagot ni stone.

Biglang kumunot yung noo ni kiera at halatang naiinis na kay stone. Ito naman kasing si stone parang ewan. Halata naman sa kanya nun na gusto nya si kiera.


'Ganon ba? Hindi naman importante yun kaya wag na lang mukhang busying busy ka e' mataray na sagot ni Kiera na halatang Inis na ang tono.

Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil mukhang magaaway na naman sila.

'wag ka ng mahiya kie hindi bagay say, sabihin mo na para hindi masayang oras ko' presyong utos ni stone sabay pamulsa ng kaliwang kamay nya.

'Wow pasensya na at nasasayang ko yung oras mo, kalimutan mo ng may sasabihin ako at ituloy mo na ang pambabae mo!' sagot ni Kiera na nakayukom na ang kamao.

Parang ewan naman kasing itong si stone bakit ayaw nya bang ipakita kay Kiera na may feelings sya? Takot ba sya? Kung aawayin nya palagi si Kiera hindi nga nya mapaparamdam yung feelings nya.

I need to do something. Hindi sa ipinagtutulakan ko si Kiera kay stone gusto ko lang naman na makita ni Kiera na may nagkecare sa kanya na katulad ni stone at gusto ko rin matulungan si stone.

Hindi ko kasi maintindihan ang mga kinikilos nya. Mahalaga sa kanya si kiera pero kung umasta naman sya sa harap nito para wala lang ito sa kanya. Hay!

Pumagitna ako sa kanila bago pa sila magpangabot.

'haha relax lang Tayo walang dapat magaway' ani ko sa kanilang dalawa.

'yang kaibigan mo raven masyadong mainitin ang ulo' komento ni stone sabay turo kay kiera.

'Ang yabang po kasi ng isa Dyan sarap sapakin' parinig naman nung isa.

Tinignan ko si stone at pinaglakihan ito ng mata.

Lumapit ako ng bahagya dito para hindi marinig ni kiera ang sasabihin ko.

'ano ka ba stone bakit mo inaaway si kiera?'

'wala lang haha.'sagot nya.

' Tara na nga raven iniinis ako ng lalaking yan kala mo kung sino ' yaya sakin ni kiera kaya napatingin ako dito.

' Pano yung sasabihin mo? ' tanong ko.

Umiling iling ito at sinamaan ng tingin si Stone na abot bunbunan ang ngisi.

'wag mong sabihin magcoconfess ka ng feelings mo sakin kie? Hahaha sabi na e may crush ka sakin'. Ani ni stone na tonong nangiinis pa.

Napahilamos ako ng aking mukha at nakita Ko ang gigil sa mukha ni kiera. Masama ito.

'Kapal mo rin no? Ako may gusto sayo in your dream stone! nandito lang ako para magpasalamat kuno sayo. Ayoko Sana ngunit ginawa ko lang ito dahil kay raven' bawi naman ni Kiera na medyo mataas ang boses.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon