INAALIW ang sarili sa pagtitig sayong larawan
Ikaw lang ang laman ng aking isipan
Di masukat ang nararamdamang kalungkutan
Miss na kita, sana'y iyong paniwalaan
MULING binasa ang mga mensahe mo
Ngumiti, sumaya ang puso ko
Totoo ba ang mga sinabi mo?
O pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko?
GUSTO kong muling marinig ang tinig mo
Nais kong sabihin ang tunay na damdamin ko
Alam mo bang ikaw talaga ang bisyo ko?
Hindi ang alak at ang sigarilyo
emosyon
08.14.14
Note: Ang "Bisyo" at "Bisyo Part 2" ay nirecycle ko mula sa tulang "Totoo ba o Laro ang Pag-ibig mo?" na isinulat ko noong 2011 para kay Pam.