Walang Hanggan

674 40 18
                                    

Walang Hanggan
ni emosyon    
04.26.10

Nakatingala sa ulap

Pinagmamasdan ang alapaap

Sa panaginip ka na lang ba muling  mayayakap?  

Nag-iisa at nangungulila

Nasaan ka na kaya?

Maghihintay ba sa wala?  

Bihag ng mga alaala mo

Hindi ko maiwan ang bakas ng kahapon ko

Sayo pa rin umiikot ang aking mundo  

Nais kitang muling mahagkan

Gusto kong muli kang masilayan

Iibigin ka hanggang sa walang hanggan  

Mga Awiting Walang NotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon