INAALIW ang sarili sa usok
Bakit ba ang puso ko ay sobrang rupok?
Kailan ba dadalawin ng antok?
Dingding ay aking sinuntok
MULING kumuha ng sigarilyo sa kaha
Sinindihan ito, hinithit at bumuga
Tumungga ng alak, bumuntong-hininga
Nagpapakalasing dahil sayo sinta
GUSTO kong lunurin ang sarili sa alak
Makalimot sandali ang puso kong nawasak
Hawak na yosi ay itinaktak
Bakit sa pag-ibig ay laging palpak?
emosyon
08.14.14
![](https://img.wattpad.com/cover/799992-288-k242236.jpg)