Hiling
ni emosyon
01.03.11Pinagmamasdan ang paglubog ng araw
Naghahangad na makakita ng bulalakaw
Hihilingin na lagi kang matanaw
Sa ilalim ng mga bituin ay sasayawPag-ibig mo ang aking hiling
Gagawin ang lahat upang ikaw ay makapiling
Hindi magsasawa na ikaw ay ibigin
Habambuhay kitang mamahalinWagas na pagsinta ang alay ko sayo
Hinding hindi ko sasaktan ang puso mo
Iibigin ka hanggang sa dulo ng mundo
Nandito ka sa puso ko hanggang sa huling tibok nito