Sarili ko ba'y nahanap na?
Masaya ba ako o lihim na nagdurusa?
Ano bang nangyari sa nakalipas na panahon?
Malapit nang matapos ang dalawang taon
Umalis sa paaralan
Huminto sa pag-aaral at nakipagsapalaran
Hinanap kung saan-saan ang kasiyahan
Ngunit nauwi sa kabiguan at kasalanan
Nagpakalasing sa mga kamalian
Dahan-dahang pinapatay ng usok ng kalungkutan
Nawalan ng direksyon ang buhay
Mundo'y nagdilim at nawalan ng kulay
Nasan na ba ang mga pangarap ko?
Hahayaan ko bang sa mga problema ay magpatalo?
Oras ay patuloy sa pagtakbo
Di na papayag na sa awit ng buhay ay maging sintunado
- emosyon
10.13.14