Nahulog sa mga kasinungalingan mo
Naniwala sa mga pangako mo
Nabulag sa mga salitang binitiwan mo
Umasa na may puwang ako sa puso mo
Bakit mo pa ba pinadama na sayo ay may halaga?
Hindi na sana kita inibig pa
Umiwas na sana sayo noong umpisa
Nang hindi ako nasaktan at nagdusa
Muli akong umibig dahil sa iyo
Sa pag-aakalang hindi mo sasaktan ang puso ko
Umasa na bibigyan mo ng liwanag ang madilim kong mundo
Subalit pinaglaruan mo lang ang damdamin ko
Labis mo akong sinaktan
Damdamin ko ay iyong pinaglaruan
Pinaniwala sa iyong mga kasinungalingan
Ngunit bakit nais kong bumalik sa ating nakaraan?
Bakit ganito?
Hindi ko magawang magalit sa iyo
Nais kong marinig ang tinig mo
Mahal pa rin kita kahit sinaktan mo ang puso ko
Bakit ba kita nakilala?
Bakit ba tayo naging malapit sa isa’t isa?
Damdamin mo ay biglang nag-iba
Subalit hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
emosyon
05.16.10