Sa bawat pagtaob ng alak
Puso ko'y tila ba patuloy na sinasaksak
Sabog na sabog at wasak na wasak
Ngunit patuloy pa rin sa paglaklakSa bawat hithit ng sigarilyo
Tumutugtog sa isip ko ang tinig mo
Mga ngiti mong lumason sa pagkatao ko
Nangangarap na muling makahiram ng gabi sa tabi moKung maaari lang lumangoy sa mga bituin
Kung pwede lang sanang muli kang makapiling
Hinahanap-hanap ang mga panahong masaya
Wala ka na pala at alak lang ang kasama- emosyon
03.25.17