Picture and Necklace

0 0 0
                                    


THOMAS

May 1989

WE'RE here at Energy Park Adventure. This place is extremely fantastic. There are lots of different rides and colorful booths. From the name of it, talagang ma e-energize ka sa view pa lang.

"Waaah, ang gandaaa" she exclaimed with joy. I smiled, seeing her happy can make me smile in an instance.

"Yeah, very beautiful" as I stare at her pretty face. Lumingon siya saakin at nanlalaki ang mata niya nang mapagtanto niya na sakanya ako nakatitig. I even saw her blushed.

"T-tara na nga" at mabilis na naglakad papalayo. Agad akong sumunod sakanya.

Una naming sinakyan Ay Carousel. Nakakatawa dahil parang bata tignan si Andeng. Sunod naman ay hinila niya ako sa Roller coaster. Sigaw lang kami ng sigaw at pagbaba namin ay suka lang din ako ng suka habang siya ay tinatawanan ako.
Pagkatapos ay hinila niya ako sa Hunted House.

"Kapit ka lang saakin pag natatakot ka na ha" I said to her pero tinawanan lang niya ako.

Pagpasok namin ay dumadagundong na ang nakakatakot na musika. Hinawakan ko ang kamay ni Andeng kaya napatingin siya saakin.

"Para hindi ka mawala sa tabi ko" palusot ko nalang. I just want to hold her soft hand.

"Asus, ang sabihin mo natatakot ka na" she chuckle.

"Di ah! Sinong natatakot?" Tapang tapangan kong sagot. Napa iling na lang siya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, may nakita kaming whitelady sa rocking chair, may kabaong na biglang bumubukas, patay sindi ang mga pulang ilaw, may bata din na tumatakbo habang tumatawa. We keep on walking and walking, so far wala namang nanggugulat at lumalapit saamin. But then, nung malapit na kami sa exit ay may humarang saamin na lalaking sunog ang katawan kaya sa gulat namin ay napatili kami at nasuntok ko siya. My eyes grew bigger at dali-dali kong hinila si Andeng para tumakbo palabas.

"Hooo!" Sigaw niya nang makalayo na kami. Natatawa kaming huminto sa pag takbo.

"Yan pala ang hindi takot ha" she teases.

"Eh sa nagulat ako eh" defensive na sagot ko. She just laugh kaya napatitig ako sa kanya at napangiti. Her laugh is like music to my ears. Ang sarap pakinggan at ulit ulitin.

"Hoy Toto! Tulala ka"

"A-ah?"

"Tara sa ferris wheel naman tayo" at excited niya akong hinila para bumili ng ticket. May binulong ako sa nag cocontrol ng ferris wheel at tumango naman ito. Binigyan ko siya ng pera kaya nagpasalamat naman ito.

"Ano sinabi mo?" She ask me.

"Nothing" agad kaming sumakay. Tumingin ako sa relos ko at nakitang isang minuto na lang bago mag 12 midnight, na kung saan birthday na ni Andeng.

"Woooow! Ang gandaaa" she shouted. Happy is visible to her eyes as she stare at the surroundings. Hininto kami sa pinaka taas.

"Hala, bakit huminto? Baka di na tayo makababa Toto. Waaaah" hysterical ning wika kaya napatawa ako.

"Bakit mo ko tinatawanan? Di na nga tayo makababa eh." And she pouted her lips. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Thank you for staying at my side Andeng. Thank you for being my best bud, my comforter, my happy pill and thank you for waiting me every summer." I sincerely said while staring at her pretty innocent eyes.

"H-ha?"

"I just want to–" di ko na natapos ang sasabihin ko ng pumutok na ang fireworks. Sabay kaming napatingala at namangha.

"Wow, Toto oh. Ang ganda ng fireworks." Nakangiting wika niya. Di ako umimik at naka tingin lang sa kanya na nakangiti. Napansin niya na di ako nagsalita kaya lumingon siya sa gawi ko.

"Ano nga pala ang sasabihin mo Toto?"

Kinuha ko sa bulsa ang necklace na bigay ni Grandma at sinuot ko iyon sa kanya.

"Para saan to Toto?" Naguguluhang tanong niya.

"My birthday girft. Happy birthday Andeng" I greeted her with a smile.

"A-ang ganda Toto pero mukhang mahal to." I didn't say anything, I just smile at her.
Pagkababa namin ay uminom kami ng juice.

"Tara picture tayo" at hinila niya ako. Nilapitan namin yung lalakeng di katandaan na may bitbit na camera.

"Manong, magkano po ang papicture?" Tanong niya

"5 pesos po dalawa na" sagot naman ni manong.

"Here" at binigyan ko siya ng 5 piso.

"Isang shot lang po manong dalawang copy po" he just nodded.

"Manong, gusto ko po kita yung Ferris wheel ah" excited na wika ni Andeng. Naglakad kami malapit sa Ferris wheel at nagpose. Agad akong umakbay sa kanya at ngumiti sa camera.

Pagkatapos ay pumunta kami sa booth ni Manong at naghintay sandali para makuha na namin ang picture. Di naman nagtagal ay binigay na saamin ang picture kaya tig iisa kami.

"Wow, ang ganda ng kuha oh. Nasa taas natin ang ferris wheel na umiilaw." Manghang wika niya kaya napangiti ako.

"Masayang masaya ako ngayon Toto. Maraming salamat" nagulat ako nang yakapin niya ako at hinalikan sa pisnge.

"Hinding hindi ako magsasawang maghintay sayo, Toto"

*****

If you like my story, please vote.
And if you like me, feel free to follow me. 😂

PS. Please pay attention of the dates, specifically at the years. Tenkyow

Thank You for reading. 😘

-Leading_Lady💋

A Box of Memories  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon