Letter

1 0 0
                                    


THOMAS

Southern City,
April 2003

IBABALIK ko na sana ang mga gamit sa loob ng box nang may nakita akong papel na nakatupi. Kunoot noong kinuha ko iyon at binuklat. Tumulo ang luha ko nang nabasa ko na galing ito sa kanya.

Bumalik siya, binalikan niya ako.

May 1991

ANDRESSA

"Mahal kong Toto, hindi ko alam kong mababasa mo pa ito. Pasensya na mahal ko, nahuli ako. Bumalik ako, pero nakaalis ka na. Patawad dahil umalis ako. Umalis ako dahil gusto kong makapag isip-isip."

Pinahid ko ang luha na tumulo sa pisnge ko.

"Alam mo ba, hindi ko aakalain na magiging akin ka. Mayaman, gwapo, mabait, halos na saiyo na ang lahat. Samantalang ako,, isa lang akong hamak na anak ng katulong niyo.."

Nanlalabo ang mga mata ko kaya tumigil muna ako sa pagsusulat at pinunasan ang mga mata ko.

"Napakasaya ko noong naging tayo, lalong lalo na noong nangyari iyon. Masayang masaya tayo, nagpaplano pa nga tayo sa magiging future natin. Pero di ko inaasahan na mangyayari iyon. Buntis ako Thomas. At di ko pinagsisihan ang nangyari pero nagsisisi ako noong umalis ako ng walang paalam."

Tumulo ng sunod-sunod ang aking mga luha. Habang inaalala ang nangyari dalawang linggo na ang nakalipas.

Flashback:

Buntis ako, at si Toto ang ama. Masaya ako dahil magiging isang pamilya na kami kahit na wala sa plano. Nagbihis ako at pumunta sa mansion nila Toto. Pumasok ako, baka makikita ko si Toto pero iba ang nakasalubong ko.

"What are you doing here at my house?" Masungit na tanong ni Madam Cornelia. Kahit kinakabahan, ay nagsalita pa rin ako.

"N-nasaan po si Toto?"

"Sinong Toto ang pinagsasabi mo?"

"S-si Thomas po" nanginginig na tanong ko

"Anong kailangan mo sa anak ko?"

"G-gusto ko po siyang makausap tungkol po sa m-magiging anak namin" yumuko ako at hinimas ang aking tyan kahit hindi pa malaki.

"Alam ko ma may relasyon kayo ng anak ko at hinahayaan ko siya sa kahibangan niya, pero itong sinasabi mo ay di ko matatanggap. What you said is impossible lady, baka iba ang ama ng batang dinadala mo at alam kong gusto mo lang ang pera ng anak ko. So if I were you, lalayo na ako at di na magpapakita."

"Mawalang galang lang po pero malinis po ang intensyon ko sa anak niyo. Mahal ko po siya at di ko kailangan ng yaman nin–" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Hindi kita gusto para sa anak ko, Naiintindihan mo? Hindi ko pinalaki ang anak ko para matali sa isang babaeng tulad mo. Kaya kung di ka pa umalis dito, mawawalan ng trabaho ang nanay mo. At kapag nagpakita ka pa sa anak ko, then I have no choice but to kill your child. Now get lost!" Sigaw niya at tumalikod na. Tumulo ang luha ko at naglakad palayo.

End of flashback

"Yan ang sinabi saakin ng mama mo. Kaya ako umalis para sa kapakanan ng anak natin at para na rin makapag isip-isip ako. Natatakot kasi ako sa banta ng mama mo. Pero noong handa na akong sabihin saiyo, ay noong araw na umalis ka. Nahuli ako mahal, patawad. Hindi bale, palalakihin ko ang anak natin na kilala ka. Palalakihin ko siya na kasing bait mo. Handa akong maghintay sa pagbabalik mo, maghihintay kami ng anak mo saiyo, pangako iyan.
Mahal na mahal kita Toto."
-Andeng

Hindi ko na mapigilang mapahagulol sa iyak. Inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko pa si Toto, napakasakit isipin na walang kasiguraduhan kung siya pa ay babalik. Tinupi ko ang papel at naglakad papunta sa kanilang mansion. Pagpasok ko ay halos wala ng gamit, ang ilang naiwang kagamitan ay nababalutan ng puting tela. Umakyat ako papunta sa kwato niya. Pagbukas ko ng pinto ay kusang tumulo ng luha ko. Lahat ng gamit niya ay nakabalot na sa puting tela. Napatingin ako sa kama niya, at agad bumalik sa aking alaala ang nangyari noong gabing iyon. Napansin ko na may kahon na nakapatong sa kama niya kaya lumapit ako.

A's❤️

Yan ang nakasulat sa takip ng box. Binuksan ko iyon at napaluha sa nakita. Mga gamit na binigay ko sakanya.

Galit kaya siya kaya niya iniwan ito? Siguro, sinong hindi magagalit kung iniwan ko siya. Pinag hintay ko siya sa park. Nakita ko pa ang mga rosas sa swing na palagi kong inuupuan.

Iniwan ko na lang ang sulat ko sa loob ng box. Baka sakaling babalikan niya ito at mabasa niya ang sulat ko. Bago ko pa maisara ang pintuan, lumingon muna ako sandali sa box bago sinarado ang pinto.

Sana mabasa mo ang sulat ko,

Mahal.

******

A Box of Memories  (COMPLETED)Where stories live. Discover now