Finding A

0 0 0
                                    


THOMAS

Southern City,
April 2003

WALANG tigil na bumuhos ang mga luha ko pababa sa pisnge ko. She's bearing with our child. I have a child, with her. I am now a daddy. Napakasaya ko, ngayong nalaman ko na ng totoo, magiging isang buong pamilya na kami.

Isa-isang binalik ko sa loob ng box ang mga gamit at kinarga iyon. Naglakad na ako palabas at ipinasok iyon sa kotse.

Hahanapin ko kayo, mahal. Hintayin mo ako gaya ng pangako mo.




I IMMEDIATELY drove my car to her old house. Pero pagdating ko sa luma nilang bahay ay wala ng nakatira kaya pumunta ako sa bahay ni Tatang Ben para mag tanong. When I arrived, I saw Tatang Ben outside his small house, sweeping the backyard. Agad niya akong nakita at kumaway. Nakangiti akong bumaba at lumapit sa kanya.

"Oh ijo, buti at pumunta ka. Pumasok ka muna't kumain."

"Okay lang po. I just want to ask you the address of Andeng? You know her right?" Excitement is really visible to my expression. I can't contain my happiness. Now that I knew that I have a child.
Nawala ang ngiti ni Tatang Ben kaya nagsimula na akong kabahan, at nang may sinabi siya na nagpawala sa aking ngiti.


I DROVE my car recklessly. I am now heading to her place where she lived. My heart beat so fast. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko but I wash that thoughts away. I don't want to overthink but after what Tatang Ben told me, I can't help myself to think in a negative way.

Inihinto ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay na hindi kalakihan. May mga pulang rosas na nakatanim sa labas ng bahay. Nagdadalawang isip ako kung bababa ako o ipagpabukas na lang. Nahinto ako sa pag-iisip nang may batang babae ang lumabas mula sa bahay, tumatawa habang tumatakbo. Siguro nasa 7 taong gulang siya, kasunod niya ang batang lalake na hinahabol ang batang babae, at mukhang nasa 11 o 12 taong gulang na. Kulay brown ang buhok niya na katulad ng saakin, at itim naman ang sa batang babae na katulad sa kanya.

Bumaba ako sa kotse at tinitigan sila. Di nagtagal ay may lumabas na magandang babae sa bahay at tinawag sila. Parang biglang tumigil ang mundo ko at siya lang ang nakikita ko. Parang walang pagbabago sa kanya, maganda pa rin bukod sa medyo pumayat siya ng konti.

"Mga anak, pumasok na kayo at mag miryenda" nakangiting tawag niya sa mga bata. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimulang nangilid ang aking luha. God knows how I wanted to hug and kiss her right now. And tell her that I missed her so much and I'll never leave her again.

Pumasok ang mga bata na naghahabulan pa rin, nakangiting sinundan niya ng tingin ang mga bata. Wala sa sariling naglakad ako papalapit sa nakabukas na maliit nilang gate. Papasok na sana siya nang bigla siyang napatingin sa gawi ko, nawala ang magagandang ngiti sa maganda niyang mukha. Agad na tumulo ang mga luha ko, ngumiti ako sa kanya. Ngiting nagsasabing 'nandito na ako, hindi na kita iiwan'.

Marami akong gustong sabihin sa kanya, ipaliwanag. Pero ang mas gusto ko ngayon ay ang mayakap siya. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami nagtitigan, mahahalata sa mukha niya ang matinding pagkagulat at lungkot. Pero napalitan din ito ng takot. Naputol ang pagtitigan namin nang lumabas ulit ang dalawang bata na naghahabulan pero agad na napatigil at napatingin sa gawi ko.

"Papaaaa" they shouted in unison as they excitingly run towards my direction. Napakunot ang noo ko at pinunasan ang luha. Nilagpasan lang nila ako kaya sinundan ko sila ng tingin.

My world just crushed and my heart skipped a beat. Parang may bumara sa dibdib ko at hindi makahinga ng maayos. Nag simulang nanubig ang aking mga mata habang tinitignan ko kung paano nila siya tinawag na papa, kung paano nila siya sinalubong ng yakap.

Kaya pala pinili niyang magpaiwan dito at hindi sumama saamin pauwi sa America.


"Pumasok muna kayo sa loob" he said to his children. Agad namang sumunod ang mga bata. Agad akong tumalikod at nakayukong pinunasan ang mga luha kong walang pigil sa pagtulo. Nakarinig ako ng yapak na papalapit saakin.

"K-kamusta?" He asked. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumihit paharap.

"Are you seriously asking me that? You already know what I feel right now." I said with disbelief. He bow his head and muttered the words that completely shattered my world.

"I love her. I am so sorry,

Brother"

*****

A Box of Memories  (COMPLETED)Where stories live. Discover now