Kabanata 24

1.2K 37 0
                                    

Kabanata 24

Pancit

"Namiss ko kayong dalawa," anang lalaki nang makarating kami sa kusina.

Ilang buwan palang naman kaming hindi nagkikita, pero heto siya ngayon.

Nakakagulat talaga na nandito siya sa harap namin, ang akala ko'y hindi siya makakapunta rito dahil abala siya sa kanyang trabaho, pero tignan mo naman, nakagawa yata ng paraan ang loko.

Pero paano niya nalaman ang tungkol sa Mamburao? Ito ang unang beses na napunta siya rito, isa pa hindi niya kami sinabihan! Sana ay nasundo namin siya sa airport 'di ba?

Nagkatinginan kami ni Via at ngumiti sa isa't isa.

"Sus, dinamay mo pa ako, baka naman si Bella lang ang namimiss mo," ani Via na may nakakalokong ngiti.

Kahit kailan talaga! Minsan hindi ko na alam kung nakanino ang loyalty niya eh, kung kay Carrick ba o kay Kenjie.

Tama, si Kenjie nga iyong dumating.

Natawa si Kenjie. "Pareho ko kayong namiss."

"Namiss ka rin naman namin," nakangiti kong sinabi.

Matapos ang kaunting chikahan ay niyaya muna naming kumain si Kenjie. Syempre, ipinagluto namin siya ni Via. Iniluto namin 'yong paborito niyang fried rice at beef steak. Aliw na aliw naman siya habang pinanonood kaming gawin 'yon.

Makalipas ang halos kalahating oras ay inilapag na namin sa harap niya ang inihanda naming pagkain. Nagpresinta pa nga ang mga katulong na sila ang gagawa pero tumanggi kami ni Via. Gusto namin, kami naman ang bumawi at mageffort kay Kenjie. Ang laki pa naman ng tulong niya sa amin, lalo na sa akin.

Hinding hindi ko makakalimutan lahat 'yon. Kung wala siya at si Via ay baka hindi na ako nakasurvive roon. Nang dahil sa kanila ay marami akong nakilala at mabilis na naging komportable sa mga sandaling namalagi ako sa Australia.

Naupo kami ni Via sa harapan ni Kenjie. Nagkatinginan na naman kami nang muli itong sumubo.

"How was it?" tanong kaagad ni Via.

Tumango tango si Kenjie at paulit ulit na ninamnam 'yong beef sa bibig niya. "Hmm..."

"Hmm? Masarap?" tanong ko.

Nilunok niya ang beef saka tumango at ngumiti sa amin. "Masarap, iba talaga kayong dalawa, parang bihasang bihasa sa pagluluto," komento niya.

Lumapad ang ngiti namin ni Via saka nag-apir.

Ipinalagay ko na sa guest room 'yong mga gamit ni Kenjie matapos niyang kumain. Namangha pa siya nang makita ang kwartong tutuluyan. Panay ang puri at komento niya habang nililibot ang kabuuan no'n.

Well, what can you expect? Bahay ito ng mga Montefalco.

Unang punta ko pa nga lang dito ay hindi ko na naiwasang humanga, lalo na sa mga araw na lumipas at nagdaan. Ang kanilang mga pag-aari ay napakarami, isinasagisag no'n ang kanilang yaman. Bukod pa roon, edukado ang pamilya nila, kaya wala talaga akong masabi at maipintas. Sila 'yong mga taong malapit sa salitang perpekto.

"Napakaganda rito," ani Kenjie at naupo sa kama. Dinama niya ang lambot ng foam at sapin no'n.

"Mayaman ang mga Montefalco, hindi na kataka taka 'yon," sagot ni Via at pinagtaas baba pa ang kanyang parehong kilay.

"May gusto ka bang gawin ngayon? O gusto mo munang magpahinga?" tanong ko.

Baka kasi gusto niyang maglibot sa kabuuan nitong Mamburao. Well, hindi naman siya magsisisi, paniguradong mamamangha na naman siya kapag nakita ang farm, planta at ang hospital nina Carrick.

Entangled Reminiscence (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें