Kabanata 14

652 22 14
                                    

Kabanata 14

Katotohanan

"Ma, kilala mo ba sila?" Iyon kaagad ang itinanong ko nang makapasok kami sa loob, dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kagustuhan ni Mama na umalis kami, kung bakit may mga kasama sina Tita at Tito at ayaw nila kaming paalisin.

Wala akong nakuhang sagot mula sa aking ina. Nanatili ang kanyang tingin sa mga bisita ng mga Montefalco. Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.

Binalingan ko si Tita Maria na ngayon ay seryoso ng nakatingin kay Mama. "Tita, ano pong mayroon?"

"Walang aalis," may diing tugon ni Tita.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa isang Maria Montefalco.

Hindi na ako nagabala pang kumilos. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Naramdaman kong tumabi sa akin si Carrick. Hawak niya na ako sa bewang.

"Maupo na muna tayo," kalmadong ani Tito Fred, pero wala ni isa sa amin ang kumilos.

Hinawakan ko si Mama sa braso. "Mama, ayos ka lang ba?"

Doon lang napunta ang tingin niya sa akin. "Oo, ayos lang ako."

"Kilala mo ba sila Mama?" tanong ko at muling tinignan ang mga kasama nina Tita at Tito.

Hindi nakasagot si Mama. Napayuko lang siya. Ano ba talagang nangyayari? Wala manlang bang magsasabi?

"Hindi mo siya dapat tinatawag na Mama," emosyonal na sabi no'ng babaeng kasama nina Tita, iyong parang kaedad niya.

"Teka lang po ah..." Pinigilan ko ang inis na namumuo sa loob ko. "Bigla bigla kayong pumunta rito pagkatapos ay sasabihin niyo na hindi ko siya dapat tinatawag na Mama?"

Hindi nakasagot ang Ginang.

"Hija, makinig ka muna sa amin." si Tita Maria, ang tono ng pananalita niya ay ibang iba sa paraan niya ng pagsasalita kanina.

Napuntang muli ang paningin ko sa kanya. "Ano po bang nangyayari Tita? Bakit po ba may mga kasama kayong tao?"

Bumuntong hininga si Tita at lumapit sa akin. She held both of my hands. Nang magtama ang mata namin ay halo-halong emosyon na ang nakikita ko roon.

Hindi ko na talaga maintindihan!

"Tita hindi ko po kasi maintindihan..."

"May kailangan ka kasing malaman hija." Hinaplos niya ng paulit ulit ang kamay kong hawak niya.

"Ano po? Kasi nagmamadali po si Mama, pwede po bang sa susunod nalang iyan?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong sinabi iyon. Oo nga at ayaw kong umalis kanina pero pakiramdam ko, may kakaibang mangyayari ngayon. At sa kagustuhang makaiwas ay gusto ko nalang sundin si Mama at sumama sa kanya. Wala na akong ibang naisip na paraan kundi iyon.

"Hindi na kami papayag na makalayo ka pa ulit Carina," sabat no'ng lalaki na sa tingin ko'y kaedad ni Tito Fred.

Tinawag no'ng lalaki si Mama sa kanyang pangalan, does this mean na magkakilala sila?

Lalo akong naguluhan, pakiramdam ko ay may alam sila na hindi ko alam.

Pinagpalit palit ko ang paningin doon sa lalaki at kay Mama. Hinihintay ang sasabihin nila.

Dahan dahang nag-angat ng tingin si Mama. This time, luhaan na siya. "Kuya, hayaan niyo nalang kaming umalis ni Gab."

Kuya? E, di kapatid ni Mama iyong lalaki na kasama nina Tita at Tito? Pero bakit hindi naman siya nabanggit ni Mama sa akin?

Entangled Reminiscence (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن