Kabanata 22

1.2K 32 0
                                    

Kabanata 22

Kwarto

Ilang araw pang namalagi si Carrick sa hospital. May mga oras na wala ako sa tabi niya dahil mas minabuti kong manatili nalang muna sa kanyang bahay. Bukod sa inaaalala ko ang aming anak ay inaalala ko rin siya.

Baka kapag nanatili ako sa tabi niya ay masabi ko lahat at mabigla siya.  Pinayuhan kami ng Doctor na sabihin paunti unti sa kanya ang iilang impormasyon dahil makakatulong 'yon sa recovery niya. Sinunod naman 'yon ni Tita Maria, siya ang nagkwento at nagpaliwanag kay Carrick ng dahilan kung bakit siya nasa hospital at tungkol sa iba pang mga bagay. Pero ang tungkol sa aming dalawa ay ipinaubaya na nila sa akin. Gusto nilang ako ang magsabi mismo sa kanya.

Gusto ko mang sabihin sa kanya kung ano niya ako ay hindi ko nagawa, sa t'wing maiisip ko na hindi niya alam kung ano kami at kung ano ako sa kanya ay naiiyak na ako kaagad. Wala pa mang lumalabas na salita mula sa bibig ko ay 'ayun na naman ang mga luha ko na nagpapaligsahan pa sa pagbagsak sa aking pisngi.

"Everything's going to be okay," ani Rhys at inakbayan ako.

Malungkot kong tinanguan ang sinabi niya. Alam kong napaka-impossible pa ng bagay na 'yon ngayon, lalo na at sinabi ng Doctor na iilan lang ang pasyente na nakakaalala agad matapos ang aksidente.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, pakiramdam ko, lahat ng kamalasan sa mundo ay nasa akin na. Tuloy ay gusto kong kwestyunin ang sarili...Ito ba ang kapalit ng pagiging masaya namin? Matinding kalungkutan?

Pero wala na yatang mas sasakit pa no'ng araw na magising siya at si Gab ang hinanap niya. Hindi ko nakayanan ang sakit na idinulot no'n sa akin. Pakiramdam ko, ang sakop lamang ng alaala niya ay 'yong panahon na sila pa ni Gab, 'yong panahon na kinailangan niyang kuhanin ang loob nito para malaman ang tungkol sa pagkatao ko.

Naitakip ko ang parehong palad sa aking mukha at doon muling umiyak. Gustong gusto kong puntahan si Carrick, gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pero hindi ko magawa.

Minsan nga, kahit 'yong simpleng pag-aalaga ko lang sa kanya ay para na siyang naiilang. Ramdam na ramdam ko na parang hindi siya komportable sa akin, sa presensya ko. Na kung maaari lang niyang hilingin ay si Gab ang gugustuhin niyang nasa tabi niya, nag-aalaga sa kanya at gumagawa ng lahat ng mga bagay na ginagawa ko.

Takot ako na baka ng dahil sa nangyari ay mapalayo siya sa akin. Na baka miski nararamdaman niya ay mag-iba.

"Carrick, alam mo ba kung ano mo si Bella?" tanong ni Tita Maria.

Iyon kaagad ang narinig ko pagpasok namin ni Rhys sa kwarto na kinaroroonan ni Carrick. Natigilan ako at malungkot na tumitig sa aking asawa. Muli na namang nangunot ang kanyang noo nang titigan niya ako.

"Carrick, answer me anak," mahinahong ani Tita Maria sa anak.

Bumuntong hininga si Carrick saka nag-iwas ng tingin. "Ano ko ba siya Ma?"

I blinked twice, the next thing I knew is umiiyak na naman ako, pero kaagad ko ring pinakalma ang sarili at pinunasan ang luha. Hindi na dapat ako masyadong umiiyak dahil maaapektuhan ang baby.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita. Ramdam ko rin ang pagtitig niya sa akin, sa paraan niya ng pagtingin sa akin ay masasabi kong humihingi siya ng tawad sa sinabi ng kanyang anak.

"Tita, hayaan nalang po muna natin," sabi ko at pilit na ngumiti.

Nangunot na naman ang noo ni Carrick. "Why can't you just tell me kung ano kita?"

"Because I'm scared," halos pabulong kong tugon saka yumuko.

Hindi ko na siya kayang tignan pa. Sa t'wing gagawin ko 'yon ay parang hindi ko na siya kilala, na para bang ibang tao na siya. Malayong malayo na sa taong minahal at pinakasalan ko.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now