Kabanata 4

1.4K 54 59
                                    

Kabanata 4

Halik

Hindi ako mapalagay matapos naming mag-usap ni Celia, nagdadalawang isip ako kung babalik ako ng Manila, umiiyak siya dahil nagkakaproblema sila ng pamilya niya, alam kong kailangan niya ako ngayon, wala naman siyang ibang malalapitan dahil sa aming magpipinsan ay ako lang ang sinasabihan niya, ako ang higit niyang pinagkakatiwalaan.

Gusto ko sanang puntahan siya pero sabi niya'y hangga't maaari ay ayaw niya naman akong maabala, ni ayaw niyang lumuwas pa ako para puntahan siya, pero syempre bilang pinsan, hindi ko naman gugustuhin na manatili rito at walang gawin. Hindi ako mapapalagay knowing na may nangyayaring gano'n sa kanila ngayon.

I'm still waiting for her text, sabi niya kanina ay itetext niya ako, pero anong oras na ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Nagaalala na tuloy ako.

"Gab." Nabalik ako sa realidad nang marinig na may tumawag sa akin. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Napatingin ako sa orasan, alas onse na ng gabi at ngayon lang siya dumating, ganoon ba siya kabusy sa farm nila at sa planta?

Baka naman may iba pa siyang pinagkakaabalahan? Kung mayroon man, ano namang pakialam ko 'di ba? Gosh Gab! Stop being nosy!

"Bakit?" Gosh! Hindi ko na alam ang sasabihin ko, nag-aalala ako para kay Celia kaya hindi ko magawang magisip ng tama o makipagusap manlang ng matagal.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya at nagsimula ng lumakad palapit sa akin. Nanatili naman sa kanya ang paningin ko, pinanonood ang bawat hakbang niya.

Nangunot ang noo niya kaya nakagat ko ang ibabang labi saka sinulyapan ang cellphone ko para maiiwas ang paningin sa kanya. "'Yong pinsan ko kasing si Celia, tumawag kanina..."

"Why did she called? Ano raw ang nangyari?"

"Nagkakaproblema sila ng pamilya niya, she's not okay, sabi niya kanina ay itetext niya ako pero hanggang ngayon ay wala pa din, nag-aalala na ako, baka kung ano ng nangyari sa kanya," pagkekwento ko.

Hindi nagsalita si Carrick, bagkus mas lumapit ito sa akin at yumakap, hindi ako nakagalaw, nagulat ako sa ginawa niya, kung kanina, mabilis na ang tibok ng puso ko, mas mabilis yata ngayon.

Ano bang ginagawa mo sa akin Carrick? Bakit ka ganito sa akin? Ano ba talagang gusto mo? Ginugulo mo ang isipan ko! Kung wala ka namang balak panindigan itong pinaggagagawa mo, itigil mo nalang.

Natigilan ako nang maramdamang hinaplos niya ang buhok ko. "Magtetext rin sa 'yo 'yong pinsan mo, kumalma ka lang, hayaan mo, dito na muna ako, sasamahan kitang maghintay." Kumalas siya sa yakap pagkatapos ay naupo sa couch, wala naman na akong nagawa kundi maupo na rin sa tabi niya.

Dahan dahan ko siyang nilingon. "Carrick, sigurado ka ba na sasamahan mo akong maghintay?"

Nakakahiya naman kasi sa isang ito, masyado siyang abala sa trabaho, maaga siyang pumapasok, baka mapuyat pa siya dahil sa akin, imbes na magpahinga siya ay nakaabala pa ako.

"Of course," nakangiting ani Carrick.

"Pero kasi diba? Maaga kang papasok bukas, dapat ay nagpapahinga kana ngayon, ilang oras na nga lang ang pahinga mo, naaabala ko pa," I sighed. "Alam ko kung gaano ka kabusy sa farm at sa planta, lalo na ngayon na nasa Cebu si Rhys at wala rin sina Tita at Mama, it must be tough."

Nilingon ko siya, pero huli na dahil kanina pa siya nakatitig sa akin, matutunaw na yata ako, Carrick is too perfect for me, masyado niyang hinigitan ang mga expectations ko.

Entangled Reminiscence (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora