Kabanata 12

1.3K 47 14
                                    

Kabanata 12

Balita

Maaga akong nagising kinabukasan. Nagulat pa ako nang makitang may nakahanda ng agahan sa kwarto ko. May kasama pa 'yong bulaklak at sulat. Napangiti ako ng isiping si Carrick ang may gawa no'n.

Good morning baby, eat your breakfast, ako ang nagprepare niyan. I'll see you later.

Ganado kong kinain ang inihanda niyang agahan para sa akin. Mukhang sineryoso nga niya ang sinabi niya. Na he'll make an exception for me. Parte ba ito ng panliligaw niya? Nagsisimula na ba siya?

Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng katok sa pintuan.

"Senyorita?" dinig kong tawag ni Manang Rosa mula sa labas.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Good morning Manang," masaya kong bati sa kanya.

Nginitian niya rin ako. "Mukhang maganda ang gising mo ah."

Nakangiti akong tumango. "Sobrang ganda Manang."

"Oh paniguradong mas sasaya ka rito sa ibibigay ko," aniya.

Nangunot ang noo ko. "Ano po bang ibibigay niyo sa akin?"

"Ito," aniya at inilahad sa akin ang isang shopping bag na dala niya.

Kinuha ko 'yon at binuksan. Naglalaman 'yon ng isang floral dress! Sinong may bigay nito?

Nag-angat ako ng tingin kay Manang. "Sino pong nagbigay nito?"

"Si Senyorito Carrick," maagap niyang sagot.

"Bakit daw po?" tanong ko, pinipigilang mangiti.

Nginitian ako ni Manang. "Isuot mo raw 'yan mamaya kapag pinuntahan mo siya."

"Ano po bang meron Manang?" Hindi ko na naitago ang excitement sa boses ko.

"Nako, huwag ng maraming tanong, maligo kana at isuot 'yan."

"Sige po."

Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Nang matapos ay isinuot ko ang bigay na floral dress ni Carrick. Inilugay ko ang mahaba kong buhok. Naglagay din ako ng lip tint at cream gaya ng araw araw kong ginagawa. Isinuot ko 'yong white flat shoes ko.

Nang makababa ay agad na hinanap ng paningin ko si Carrick sa kabuuan ng bahay pero wala siya roon. Nasaan kaya siya?

"Nandoon siya sa labas," bulong ni Rhys.

Gulat ko siyang nilingon. Hindi ko manlang namalayan na nasa likuran ko siya!

"Rhys..." tawag ko sa pangalan niya, bago ko pa man madugtungan ang sasabihin ay yumakap na siya sa akin. Hindi ko maintindihan pero sa oras na 'yon ay iba ang naramdaman ko, kakaiba ang yakap na 'yon kumpara sa dati.

"He'll take care of you," bulong niya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Salamat, see you later," sagot ko at mabilis na nagtungo sa labas.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now