Chapter 13: Necklace

0 1 0
                                    


Zahara POV

Ilang araw narin simula nang mangyari ang gabi nayon.

Wala pa akong pinag sasabihan nang nangyari. I think it's because im afraid na baka matakot sila sakin, or worst baka mag iba ang trato nila sakin.

Pero alam ko na kailangan kong gumawa nang paraan para matutong gamitin ang kapangyarihan ko.

Simula kasi nang gabing yon, hindi kona tinanggal ang gwates na bigay ni ina.

At alam kong isang paaaraan lang ang solusyon sa problema namin.

Yun ay kaylangan naming makapasok sa paaralang sinasabi nila, ang alam ko doon sinasanay ang mga tulad namin, pero hindi ko alam kung sapat naba ang kapangyarihan ko para makapasok doon.

Nagpadala ako nang sulat kay sir Rafael kahapon na may nararamdaman na akong kakaiba.

Hindi ko na sinabi na may kapang yarihan na ako at kung ano ito. Ayoko talagang ipaalam sa iba ang tungkol dito. Pati kay Celine hindi kopa nasasabi.

At ipasusundo pala niya ako ngayong araw upang sukatin ulit ang kakayahan ko.

Kinakabahan ako, ayokong malaman nila ang kapangyarihan ko, pero mamaya malalaman na nila.

Kumain muna kami ni Celine habang hinihintay ang mag susundo sakin mamaya. Nang matapos na kaming kumain dumating narin yung kanina ko pa hinihintay.

Tumalon si Celine papunta sa balikat ko kung saan siya laging nakapwesto. At pumasok na kami sa karawahe. Habang papunta kami sa Hall Of Power ay hindi mawala ang kabang nararamdaman ko.

Nang malapit na kami, natanaw kona si sir Rafael. Nasa labas siya at siguradong inaantay niya ako.

Nang makababa ako ay binati nya muna ako at saka kami pumunta sa silid kung saan sinukad ang kakayahan ko dati.

Nang makarating na kami sa labas ng kwarto binuksan agad ito ni sir, at nadatnan ulit namin yung matandang babae na nakaupo.

"Magandang umaga, ano ang maipaglilingkod ko"- Matandang babae

"Nandito kami upang ipasukat muli ang kaniyang kakayahan"-sir

"Kung ganon simulan na natin, pumunta kana sa bilog iha"- Matandaang babae

Sinunod ko ang sinabi niya pero bago ako pumunta sa bilog ipinahawak ko muna si Celine kay sir Rafael.

kinakabahan akong umapak sa bilog at nang makarating ako sa gitna ay nagsimula nang umilaw ang mga simbulo nito.

Pero napansin kong umilaw nanaman ang kwintas ko.

Nang mawala na ang liwanag napansin kong nagtataka ang matandang babae.

"Kakaiba"

Sabi nang matandang babae habang seryosong nakatingin saakin.

"May problema ba?"

Tanong ni sir, maging ako naguguluhan sa reaksiyon niya. Pero ilang sandali pa nagsalita narin siya.

"Iha, maari bang lumabas ka muna"

Sabi saakin nang babae. Hindi ko maintindihan ang nang yayari, pero sumunod nalang ako sa labas at sumunod saakin si Celine.

Rafael POV

Nang makaalis na si Zahara ay agad ko siyang tinanong

"Anong problema"

"Hindi ko alam pero kakaiba talaga ang batang iyan"

"What do you mean?"

"Noong una, wala akong nakitang kapangyarihan niya"

"Wala parin ba hanggang ngayon?"

Medyo naguguluhan kong tanong

"Ang toto nakita kong malakas ang kapangyarihan niya, ngunit ang ipinagtataka ko ay hindi ko sinabi kung ano ang kapangyarihan niya"

Sabi niya, kaya agad akong nagtanong

"Pano nangyari yon?"

"Hindi ko din maintindihan"

"Kung ganon ang ibig sabihin ba nito ay.. Mapupunta siya sa paaralan upang magsanay?"

"Hindi ako sigurado, dahil hindi naman natin alam ang kapangyarihan niya"

"Ngunit ang sabi mo ay malakas ito?"

"Tama ka"

"Kung ganon dapat siyang dalhin sa paaralan, maaaring dahil lang sa hindi pa lubusang lumalabas ang kapangyarihan niya kaya hindi niyo ito makita"

Nag isip pa muna siya bago sumagot

"Hindi parin ako sigurado pero sa tingin ko tama ka, baka hindi pa lumalabas nang lubusan ang  kapangyarihan niya, o sadyang nakatago ito"

"Nakatago? is that possible?"

"Yes, and i already encounter that kind of situation, so.. I think tama ka, kailangan na nga ata siyang pumunta doon, at para narin kapag lumabas ang kapangyarihan niya ay makapag sanay na agad siya"

"Mabuti pa nga, dahil mukhang wala siyang kaalam alam tungkol dito, alam naman nating lumaki siya sa mundo nang mga tao"

"Kung ganon ihatid mo na siya, dahil dapat na siyang pumunta doon sa lalong madaling panahon, dahil siguradong mag uumpisa na ang panibagong pagsasanay"

Lumabas na ako para kausapin si Zahara.

Zahara POV

Tahimik lang ako dito sa labas  habang nag uusap sila sa loob.

"Meow"- (Ate hindi mo parin ba talaga alam ang kapangyarihan mo)

Tanong ni Celine. Sasagot na sana ako pero bigla nalang lumabas  si sir. Buti nalang, hindi ko gustong magsinungaling sakanya.

"Zahara"

Tawag nya sakin.

"Ano po yun sir, may problema nanaman po ba"

Kinakabahan kong tanong.

Ikinuwento ni sir ang napag usa pan nila. Napahawak ako sa kwintas ko, ngayon alam kona kung bakit umilaw ka nanaman.

Salamat

"Zahara, kailangan na nating pumunta doon, ihahatid na kita"

"Salamat sir"

Pagkatapos naming mag usap sumakay na kami sa karawahe.

"ate isasama mo ba ako?"

Biglang tanong ni Celine

"Ano bang sinasabi mo! Siyempre naman hindi kita iiwan"

"Haha... Ikaw naman ate tinatanong ka lang eh"

"Ano ba naman kasing klaseng tanong yan"

"Haha oo na, hindi kona uulitin"

Nang matapos na kaming mag usap napansin kong nakahinto na kami sa gitna nang gubat.

Bumaba na si sir kaya tumalon na si Celine sa balikat ko at bumaba na kami.

Naglakad lang si sir papunta sa masukal na bahagi nang gubat, kaya naman sinundan ko nalang siya.

Masyadong masukal sa parteng ito at sigurado akong hindi ito napupuntahan.

Huminto kami sa tapat nang isang malaking bato na kinakapitan na nang ibat ibang klaseng halaman.

Hinawakan ito ni sir at nagsigilid ang lahat nang halaman at may ilaw na unti unting umaakyat at parang gumagawa ito nang pinto, nang makagawa ito nang pinto binuksan ito ni sir.

At isang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wait for youWhere stories live. Discover now