Chapter 3: "Zeradie"

7 1 0
                                    


Ang pwesto kung nasaan ang tatlo, ay ang pinaka mataas na lugar papunta sa "Zeradie" kung saan makikita ang limang kaharian na sakop nito.

Mayroon ding paaralan na nakatago sa gubat, isa itong napakalaking kastilyo. Dito nagsasanay ang mga marharlika, mandirigma at mga normal na mamamayan na may sapat na kapangyarihan upang lumaban.

Ang lugar na ito ay tago, kaya naman mga mag aaral, mga tagapag turo/ tagapagsanay at ang mga nasa matataas na posisyon lang ang nakakapasok dito.

Lahat ng mag-aaral dito ay sinasanay na lumaban, at parepareho silang ipinapadala sa mga misyon.

Ang bawat normal naman na mamamayan na hindi kayang lumaban sa bawat kaharian ay nakapalibot sa palasyo upang magsilbing proteksiyon.

At upang malaman kung ano ang magiging posisyon mo, kinakailangang sukatin ang iyong kakayahan.

-----------------------

Zaharah POV:

Habang pababa kami patungo sa cento, ikinwento ni Ace sa akin ang tungkol sa Zeradie. Kaya sa cento kami ng Zeradie pupunta upang malaman kung saan ako mamamalagi kung magsasanay ba ako sa palasyo o maninirahan sa bayan ng bilang normal na mamamayan.

Nakadipende ang lahat ng ito sa taglay ko daw na kapangyarihan.

Pero wala akong kahit na anong kapangyarihan, oo hindi ako nagugulat tungkol dito dahil may kakaibang kakayahan ang aming ina noon.

Pero kung meron man akong kapangyarihan sa tingin nyo ba mananatili pa kami sa lugar na iyon.

Kung meron man sana ginamit ko na yon upang ipagtanggol si Celine.

Habang papalapit na kami sa bayan hindi ko sinabi sa mga kasama namin ang tungkol sa bagay na yon.

Medyo natatakot ako, parang sa pagkukwento kasi ni Ace, parang iniisip na niyang mapupunta ako sa palasyo.

Pero alam kong hindi. Ayos lang naman sa akin, basta makapamuhay kami ni Celine ng maayos.

Nakarating na kami sa bayan nang namangha agad ako kahit sa mga normal lang na bagay. Ang daming mga tao well sabihin na nating medyo hindi sila normal dahil sabi nga ni Ace kanina lahat dito ay may kapangyarihan. (Pero feeling ko except sakin)

Parang normal lang maraming nagtitinda at maraming bahay sa paligid, pero malinis parin.

(ate dito ba tayo titira?)

Narinig kong sabi ni Celine sa isip ko.

( Oo sa tingin ko rin. Wala naman tayong kapangyarihan eh)

( Ayos lang ate. Finally makakapamuhay narin tayo ng normal )

(Tama ka, wala na ding manghahabol satin. Dito malaya na tayo)

" Tumigil kayo!!"

"Hindi namin kayo pinapayagang pumunta sa palasyo. Walang nakaaalam ng pagdating ng estrangherong yan"

May mga tao nalang na biglang sumulpot sa harapan namin at agad nila akong tinitukan ng ng matatalim na sandata.

" Anong Ibigsabihin Nito?"

Kalmado paring sabi niDash.
Wala na akong alam sa mga nangyayari.

Bakit.... Pati rin ba sa mundong ito ayaw nila kaming tanggapin!

Bakit lagi nalang ganito.

Wait for youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant