Chapter 1: Moon

15 2 0
                                    


I ready my things. Tonight nagdesisyon akong pumunta sa bayan. Kahit saglit lang gusto kong makita ito. Kahit isang beses lang.

"Meow"
(ate san ka pupunta)

I'm with my sister or should i say my twin sister pero hindi kami masyadong magka mukha and yes she's a cat. Her name is Celine Nightiria Blood, ang ibigsabihin ng pangalan nya ay moon.
Ang sabi ni mama noon isinumpa kami. Kaya siya nagkaganyan. Me and my Mother is the only one can hear her. But she can go back to her true appearance pero kapag bilog lang ang buwan.

" Pupunta ako sa bayan "

( Ate Zahara alam mong hindi pwede) - Celine

" Saglit lang ako Celine, gusto ko lang makita ang bayan kahit saglit lang "

"Meow" ( sigurado kaba ate?)

"Oo, gusto mo bang sumama?"

(sige pero saglit lang tayo. Gusto ko rin namang lumabas. Pero ate wag tayong masyadong lalapit natatakot kasi ako)

"Oo naman"

Nagsimula na kaming mglakad papuntang bayan. Medyo hapon na ng makaalis kami kaya siguradong gabi na pag nakarating kami.

"Ate malapit naba tayo?"

"Oo malapit na kaya sa isip nalang tayo mag usap baka may makarinig sa akin na nagsasalitang mag isa"

Makalipas ang ilang minuto pang paglalakad narating na rin namin ang bayan.

"ate , ang ganda ngayon ko lang to nakita ang daming ilaw at mga tao"-Celine

"tama ka "

Gabi na pala. Kaya naman napatingin ako sa langit ang daming bituin. Nandito parin kami sa gubat pero medyo malapit sa bayan kaya tanaw parin namin ito.

"Ate bilog ang buwan!!"

Dahil sa sinabi nya bigla akong napatingin sa kalangitan. Tama nga ang sinabi niya bilog ang buwan pero bakit hindi ko ito napansin kanina. Siguro dahil sa medyo natatakpan pa ito ng ulap.

Napatingin ako kay Celine at nagsisimula na siyang mag palit ng anyo bilang tao.

"Aahhhhhhhhhhhhh"

Napatingin ako sa sumigaw, isa siyang tao. Huli na para mapigilan ko siya nakatakbo na siya palayo. Bigla akong kinabahan.

"ate "

Nilapitan ko si Celine at binalot ko siya agad ng balabal

"kaylangan na nating umalis"

Nagmadali kaming umuwi ni Celine. Ilang oras din kaming nag mamadaling tumakbo papunta sa aming bahay.
Sa wakas ng makarating kami sa bahay ay agad kong isinara ang mga bintana at pinto.

"Ate ano ng gagawin natin pano kung nasundan nila tayo. Ate natatakot ako."

"Kasalanan ko to!!. Kung di lang sana ako nagpumilit pumunta sa bayan."

"ate wala kang kasalanan"

"hindi ko alam ang gagawin ko pag may masamang nangyai sa atin."

Ilang oras nadin ang lumipas kaya medyo nawala ang kaba sa dibdib ko. At nagbalik narin sa pagiging pusa si Celine at naka tulog nadin. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba akong nararamdaman na para bang may masamang magyayari. Ganito rin ang pakiramdam ko ng mamatay si mama kaya hindi ako makatulog.

Makalipas ulit ang ilang oras ng may marining akong parang mga taong papalapit.

"Diyan nakatira ang mga halimaw"

"dapat silang patayin"

"mga mangkukulam"

"dapat silang SUNUGIN"

Papalapit na sila. Ang mga taong bayan. Lahat sila ay galit at may dalang mga sulo.

Napapalibutan na nila ang bahay namin. Agad kong ginising si Celine at hinanda ang lahat ng mahahalagang gamit namin, kaylangan na naming umalis sa lugar naito.

"Sunugin ang bahay ng mga halimaw. Huwag na nating antayin na may masaktan pa sila.!!"

"Tama dapat silang mamatay.
Sunugin"

Sinimulaan na nilang sunugin ang bahay namin. Wala na kaming matatakasan. Halos kalahati na ng bahay ang nasusunog. Nahihirapan na rin kaming huminga. Napahiga nalang ako sa sahig sa sobrang panghihina.

Napuno na ng usok ang bahay.lumalabo narin ang paningin ko.
Sana may tumulong samin ayoko pang mamatay.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parabang tumigil ang lahat. Ang mga sigaw wala na. At pati ang pag tupok ng apoy sa mga bagay ay huminto rin.

Bigla nalang akong nakarinig ng bagay na parabang natumba. At don lang ako napatingin sa pintuan. May taong papalapit ngyon sa akin hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa panlalabo ng aking paningin.

"sino ka"

Nanghihina kong sabi ngunit hindi na siya nagsalita at bigla nalang dumilim ang paningin ko.

Wait for youWhere stories live. Discover now