Chapter 8: Met them again

7 2 0
                                    


Zahara POV

Pagdating ni Celine tinanong ko agad siya.

"At saan ka galing?"

Tanong ko, medyo nagulat panga siya nung marinig nya akong magsalita.

"Meow"-(Ate nanjan kana pala)

"Uulitin ko saan ka galing"

Pagkausap ko sakanya sa isip namin. Mahirap na baka may makarinig sakin, baka kung anong isipin nila.

"Ha? Ano kasi ate, namasyal lang ako"

"Namamasyal ka tuwing umaga pagkadating natin? Wag mo akong lokohin Celine, saan ka pumupunta?"

"Ate naman, namamasyal lang ako"

"Okay kung ayaw mong sabihin, mula ngayon hindi kona hahayaang umalis ka nang hindi ako kasama"

"Ate naman"

"Tama na Celine para to sa ikabubuti mo. Alam mo namang ayaw kong mapahamak ka"

Hindi na siya sumagot pagkatapos kong sabihin yon.

Naglakad nalang siya papunta sa kwarto niya.

"Sandali... At saan ka naman pupunta, halika na kumain na tayo kanina pa ako nag aantay sayo"

Mabuti naman at sumunod siya. Kanina pa kasi ako nagugutom kaaantay sakanya.

Matapos kaming kumain naghugas na ako nang pinggan.

Pagkatapos non nagpahinga na kami.

At gaya nga nang sinabi ko pinagbawalan ko siyang lumabas nang hindi ako kasama. Halos dalawang araw narin.

Medyo nahihirapan ako sa ginagawa ko, hindi naman siya nagrereklamo pero pakiramdam ko parang pinagkakaitan ko siya nang kalayaan.

Celine POV

Pinagbawalan ako ni ate na umalis nang hindi siya kasama.

The truth is, its okay with me. And beside hindi ko naman namimis yung lalaking yun no.

Okay lang naman na hindi ako pumunta don, pumupunta lang naman ako dun kapag bored ako.

At saka nung mga nakaraang araw. Wala rin naman siya don. Baka may misyon ata, tatlong araw din siyang wala dun, nagtambay nga lang ako sa kwarto niya sa tatlong arw na yun.

Buti nga meron siya nung isang araw. Yun yung araw na huli akong pumunta don.

Yung kwarto lang naman talaga niya yung pinupuntahan ko dun eh.

Baka siya ang makamis sakin, wala naman akong gusto dun no.

And i know, my sisiter is just worried about me.

Wala akong gusto kay Ace ha! Baka talaga iniisip mong namimis ko siya. Mukha niya no, kahit pogi siya wala akong pakialam.

At isa pa cute na pusa lang naman ako para sa kanya.

KASI NGA MAGANDANG PUSA AKO DIBA.

Ang kapal niya.

Zahara POV

Ngayong gabi pupunta nanaman kami sa gubat. Ginising ko na nga si Celine eh, hindi na nga din niya namalayang tao na siya, pero nakadaamit na siya?

Okaaay.

Nagising nadin naman na siya.

"Ate binihisan mo ba ako?"

Tanong niya

"Ano? Hindi ah"

"Eh bakit nakabihis na ako?"

"Aba malay ko, halika na umalis na tayo, wag mo na yan intindihin"

Sabi ko sa kanya. At umalis na nga kami.

Siyempre naka cloak parin kami. Ganyan ang lagi namin suot kapag pupunta kami sa gubat lalo na at gabi.

Baka may makakita kasi samin. Mas maganda nang nag iingat.

Nang makarating kami. Hindi agad kami namitas nang mga prutas, oo nga pala, kaya kami lagi nakakakuha nang mga prutas dahil sobrang daming mga puno dito at ang bilis nilang mamaunga.

Oo nga pala, nagyaya nanamang maglibot si Celine.

Habang naglilibot kami may naramdaman akong papalapit.

Agad kong hinila si Celine sa likod ng isang malaking puno at sinenyasang wag mag ingay.

Ilang sandali pa nakita ko nang may dalawang lalaking palapit. Hindi ko makita ang mga mukha nila.

Agad kong inilabas ang punyal na dala ko baka mamaya bigla nila kaming sugurin.

May narinig akong ingay kaya napatingin agad ako kay Celine, may naapakan siyang sanga.

Nang tignan ko ang mga lalaki nakatingin na sila sa gawi namin, hindi ko parin makita ang mga mukha nila dahil may suot din silang cloak, natatakpan nang hood nila ang kanilaang mukha

Ang bilis nilang kumilos, isang iglap lang ay nandito na sila sa kinaroroonan namin. Agad kong tinutukan nang punyal ang isa sa kanila, ganun din ang ginawa niya saakin. Grabe bat ang tapang ko ngayon eh alam ko namang hindi pangkaraniwang tao ang mga ito, sigurado akong may mga kapangyarihan sila.

Pero siguro daahil narin kasama ko si Celine ngayon at ayaw kong mapahamak siya, kaya tinatatagan ko ang loob ko.

"Sandali lang ikaw ba yan Zahara!"

Sabi nong kasama nitong tinututukan ko nang punyal at agad niyang tinanggal ang hood ng cloak niya.

"Ace?"

Hindi makapaniwalang sabi ko at tinanggal ko narin ang hood ko at sabay kaming nagbaba nang sandata nitong kaharap ko tinanggal na rin niya ang hood niya.

"Dash"

Nasambit ko nalang nang makita ko ang mukaha niya

"Grabe ikaw pala yan Zahara akala namin kung sino"- Ace

"Anong ginagawa mo dito sa gubat nang gabi alam mo bang mapangnib dito lalo na at babae ka"- masungit na sabi ni Dash na nakatitig sa mga mata ko

Okaaay? Anong meron sa titig niya parang may kakaiba.

Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit si Ace

"Ngayon ko lang napansin may kasama ka pala, kumusta binibini"

Baling ni Ace kay Celine

Nakayuko lang si Celine at hindi niya parin tinatanggal ang hood niya kaya hindi masyadong makita ang mukha niya. Pero medyo napansin kong namula siya sa sinabi ni Ace pero hindi ko nalang pinansin, ngayon lang kasi may kumausap sa kanya

(bilang tao, minsan kasi kinakausap naman siya nang mga mga tao" grabe ang cute mo naman" yan ang lagi nilang sinasabi kapag nakikita nilang nakapataong sa balikat ko si Celine)

"Hindi mo ba siya ipakikilala Zahara"- Ace

Hindi ko alam ang sasabihin sakanya, hindi ko naman pwedeng sabihing siya si Celine, yung pusang kasama ko nung sinundo niyo ako.

Sasagot na sana dapat ako pero may naramdaman akong kakaiba sa paligid at sigurado akong naramdaman din nila yon.

Naging alerto agad kaming lahat nang may marinig kaming papalapit samin.

Agad kong dinala si Celine sa likod ko at pumunta naman sa harapan namin ang dalawang lalaki at naka pwesto na para sa anumang pag sugod.

Palapit nang palapit ang ingay at medyo kinakabahan na din ako pero naging alerto parin ako sa paligid.

Ilang sandi pa may napansin kaming............

Wait for youWhere stories live. Discover now