Chapter 12: B.p3 The truth

9 4 0
                                    


Zahara POV

Nang mag gabi na pumunta na kami ni Celine sa gubat.

Hindi ko alam pero parang sobrang saya niya mula nang lumabas na siya sa kwarto niya.

Nang makarating kami sa gubat sinabihan ko siyang maglibot muna at mamimitas ako nang mga prutas pero ang totoo.

Ihahanda ko na ang sorpresa ko sakanya. At sinabihan ko narin siya na magkita nalang kami sa lagi naming tinatambayan sa gubat,kung saan lagi naming pinapanood ang mga bituwin.

Pumunta narin ako kung saan ko tinago kanina ang mga ilang gamit at pagkain.

Inilatag ko sa lapag ang isang hindi kalakihang tela, para pag uuppuan namin mamaya habang kumakain.

Inihanda ko narin ang mga pagkain at ang cake na binili ko kanina.

Inilabas ko narin ang dalawang kahon na matagal ko nang iningatan, ang medyo maliit ay kay Celine at ang may katamtaman nang laki ay sakin.

Ibinigay ito dati ni ina at sabi niya maaari lang daw naming buksan ang mga ito sa ika labing walong taong gulang lang namin.

At ngayon gabi namin bubuksan ito. Sigurado akong matutuwa si Celine, at may nakita pala akong sulat para saming dalawa, pero gusto ko sabay naming basahin ang sulat ni mama.

Ilang sandali pa nakita kona si Celine na papalapit. Agad kong sinindihan ang kandila nang cake at binati siya nang makalapit na siya nang tuluyan.

"HAPPY BIRTHDAY!"

"Thank you ate, happpy birthday din, pero bakit mag secelebrate nanaman tayo?diba naghanda kana kanina?"

"Ah oo, pero gusto ko kasi mag celebrate tayo na tao ka at gusto ko rin yung tayong dalawa lang"

"Halika na Celine hipan na natin tong kandila"

Pumikit muna kami at sabay hinipan angbkandila.

Umupo narin kami at pinagsaluhan ang mga pagkain.

"Oo nga pala Celine, heto"

Sabay abot ko sakanya nang kahon na galing kay ina para sakanya.

"Grabe ate hindi mo naman ako kaylangang regaluhan"

Sabi niya

"Ah ano Celine, galing yan kay mama, ibinigay niya saakin ang mga ito para buksan natin ngayong ika labing walong kaarawan natin,

at bago ko makalimutan may sulat pala satin si mama, basahin muna natin bago natin buksan ang mga ito"

Inilabas kona ang sulat at sabay naming itong binasa nang tahimik.

" Mga anak, ngayong ika labing walong taong gulang niyo na, dapat niyo nang malaman ang lahat.

Alam kong ngayon ay wala na ako sa tabi niyo. Sigurado rin akong nasa mundo na kayo, kung saan kayo nabibilang.

Alam kong medyo nagtataka kayo kung bakit wala kayong kapangyarihan.

Ang totoo ay linagyan ko kayo nang seal upang maitago ang inyong kapangyarihan, ngunit mawawala ito sa ikalabing walong taong gulang ninyo, sa pagkukulay pula nang buwan.

Ginawa ko ito dahil gusto ko kayong protektahan. Dahil bata pa kayo nang mga panahong iyon at alam kong malapit narin akong mamaalam sa mundo.

Alam kong hindi pa kayo handa nang mga panahong iyon, at wala ring magtuturo sa inyo kung papaano kontrolin ang inyong kapangyarihan.

Ayokong katakutan niyo ito, at ayoko ring makasakit kayo nang iba.

Wait for youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora