Chapter 4: Power

10 2 0
                                    


Celine POV:

Hindi ko alm kung anong nangyayari. Basta nalang nila kaming dinala sa kungsaan, dahil natatakot ako nagtago nalang ako sa bag ni Ace.

pero naririnig ko parin ang iniisip ni ate. Alam kong masyado siyang nagugulat sa mga nangyayari kaya hindi na niya nagawang itago saakin ang iniisip niya kanina.

" Mga mahal na prinsepe, maaari na po kayong bumalik"

" Kami na po ang bahala dito"

Narinig kong sabi nong dalawa sa mga humarang saamin.

" Anong nangyayari"

Mahinahong sabi ni Dash.

Hindi ko alam na prinsepe pala sina Ace at Dash.

Pero bakit sila pa ang ipinadala para sunduin kami?

"Hindi po alam ng mga namamahala ang tungkol sa inyong misyon"

"Ngunit si sir Rafael ang nagbigay ng misyon saamin"

Rinig kong sabat ni Ace.

"Utos po ito ng mga nakatataas at ang bawat misyon po na ibinibigay ay dapat na alam ng mga namamahala nito"

Paliwanag ng isa.

" Kung ganon anong gagawin nila sa babae"

Tanong ni Dash, na hindi ko nagustuhan. Nagpakilala naman ang ate ko pero kung makatawag ng babae, grabe ang kapal niya.

"Wala naman pong masamang gagawin ang mga tagapamahala. Aalamin lang po nila kung bakit nagbigay ng misyon na hindi nalalaman. aalamin din po kung masama ang kanilang motibo"

"Tama po ang sinabi nya mga mahal na prinsepe kaya ipinag uutos pong bumalik na kayo"

Wala na akong narinig na nagsalita naramdaman ko nalang na naglalakad na paalis si Ace ewan ko lang kay Dash, hindi ko naman siya nakikita no.

Makalipas ang ilang minuto naramdaman ko nalng na inilapag nalang ni Ace tong bag niya. Nakalimutan na siguro niyang naririto pa ako.

"Hay sa wakas makakapag pahinga narin ako. Hay.... nakabalik na kaya sina Clair sa misyon nila?"

Sabi ni Ace sa sarili niya.

At dahil mukhang nakalimutan na niyang nandito ako, lumabas na ako mula sa bag.

"Meow"

Medyo nagulat ata siya sa pag labas ko.

"Hala nandito ka pa pala!"

"Meow"( kaya mo nga ako nakikita diba)

"Pano na yan, hindi pa kita maibabalik, hindi ko alam kung saan dinala yung amo mo"

"Meow"(ano!)

"Pero dahil cute ka okay lang sakin na dito ka muna"

"Meow"(Ayoko)

Naalala ko hindi nga pala niya ako naiintindihan. Nag sasayang lang ako ng laway ko

Pero nasaan na si ate Zarah, nag aalala na talaga ako sakanya.

------------------------

Zahara POV:

Nandito ako ngayon sa isang malaking silid, may mahabang lamesa at mga upuan sa harapan ko.

Dito ako dinala ng mga humarang sa amin kanina. Hindi ko narin kasama sina Ace.

Ace..

Hindi, nasa bag pala ni Ace si Celine.

Wait for youWhere stories live. Discover now