Chapter 11: Birthday part 2

5 0 0
                                    

Zahara POV

Pagkatapos naming kumain pumasok nalang ako sa kwarto para magpahinga.

Pero ilang sandali palang akong nakahiga nang agad akong bumangon.

Hindi muna dapat ako magpahinga, kailangan ko muna palang ihanda ang sorpresa ko para kay Celine mamayang gabi.

Kinuha ko ang mga kakailanganin kong gamit sa pag hahanda nang sorpresa ko para kay Celine. At hiniram kona ang kabayo ni Peter, pupunta ako ngayon sa gubat kung saan lagi kaming namimitas nang mga prutas.

Doon ko ihahanda ang sorpresa ko. Para hindi masyadong magtaka si Celine, at para isipin niya na mamimitas lang talaga kami nang mga prutas.

Nang makarating ako doon ay itinali kona si Speed at kinuha ang mga gamit.

Itatago ko muna ang mga ito sa lugar kung saan kami laging humihinto para manood nang mga bituwin.

Habang itinatago ko ang mga ito ay may bila nalang nagsalita sa likod ko.

"Anong ginagawa mo?"

Bigla akong napalingon sa nagsalita at agad kong tinakpan ang mga gagamitin ko para sa kaarawan namin ni Celine.

Nang makita ko siya ay medyo nagulat pa ako, ano nanamang ginagawa niya dito?

"Dash..Ikaw pala, ano namang ginagawa mo dito?"

Balik na tanong ko sakanya.

"Ikaw ang tinatanong ko, at ano yang tinatago mo"

Sabi niya at pinipilit na tignan ang nasa likod ko.

"Ano ba, wala naman akong tinatago"

"Cake ba yang nakakahon?"

"Ha? Hindi ah"

"Wag ka nang magsinungaling. Nakita ko naman na eh, Anong meron?"

"Ah ano kasi birthday ko ngayon"

Nahihiya kong sabi.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo.

Siguro nga nang malaman niyang walang kwentang bagay lang ang narinig niya ay mas gugustuhin nalang niyang umalis.

Medyo nalungkot ako sa pagtalikod niya kaya yumuko nalang ako, hindi manlang niya ako binati kahit sinabi ko nang kaarawan ko ngayon.

Kung sabagay, bakit nga naman ako pagtutuunan nang pansin nang isang prinsepe. Isa lamang akong simpleng mamamayan na nakatira sa bayan at walang kapangyarihan.

Nang makasigurong okay na ang lahat sumakay na ako kay speed at nagsimula nang umalis.

Hindi pa ako nakakalayo nang may matanaw ako.

Habang papalapit nakita kong si Dash pala ito nakasandal siya sa isang puno.

Lalagpasan ko nalang sana siya nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Zahara"

Hininto ko ang kabayo at lumingon sa kanya. Naglakad siya papalapit sakin.

"Maligayang kaarawan "

Sabi niya, at inabot niya sakin ang isang bugkos nang pulang mga rosas.

"Salamat"

Sagot ko at tinanggap ang mga bulaklak.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko namumula ako, kaya tinignan ko nalang ang mga bulaklak, ang ganda.

Akala ko wala lang siyang pakialam sa lahat nang bagay, yun ang first impression ko sakanya.

Pero mali pala ako. Kahit papano may pakialam naman pala siya.

Hindi ko alam na mag aaksaya siya nang panahon para bigyan ako nang bulaklak at batiin ako.

Tumingin ako sakanya at nagpaalam na.

"Salamat ulit, mauna na ako"

Pagpapaalam ko at patatakbuhin ko na sana angbkabayo nang magsalita siyang muli.

"Zahara, kailan ulit kita makikita?"

Tanong niya. Medyo nagulat pa ako sa tanong niya pero hindi ko nalang ipinahalata.

Ngumiti lang ako sakanya at umalis na, at isa pa, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

Nang makauwi na ako, hindi kona sinilip pa si Celine sa kwarto niya, dahil alam kong nakasarado naman iyon. Baka gusto lang niyang magpahinga.

Dumiretso nalang ako sa aking silid at natulog na.

Wait for youOnde histórias criam vida. Descubra agora