Chapter 7: Celine

5 1 0
                                    


Zahara POV

Gabi-gabi na kami pumupunta ni Celin sa gubat pero natutulog muna kami nang ilang oras bago pumunta don.

Tapos lagi kaming naglilibot sa bayan kaya halos saulado ko na ang mga pasikot sikot dito at halos kilala ko na rin ang lahat nang nakatira dito.

Ilang linggo narin simula nang dumating kami dito. Halos mag iisang buwan na pala.

At halos mag iisang buwan na rin akong may napapansin kay Celine. Lagi ko kasi siyang hindi nakikita nang umaga pagka uwi namin, nagsimula ito nung unang beses kaming pumunta sa gubat at pag uwi namin nang umaga nang ihatid ko si Speed kila Peter.

Pagbalik ko wala na siya akala ko nga natutulog lang siya sa kwarto pero hindi. Kasi tinignan ko siya sa kwarto nang makarating ako galing sa palengke.

Nag aalala na nga ako na gumagala siya mag isa, lalo na at umaga, saan naman kaya siya pumupunta?.

At ngayon inaantay ko siya dito sa sala par kausapin nang maihatid kona kay Anna ang mga prutas. Dapat kaninang umaga ko siya kakausapin pero nawala nanaman siya.

-----------------------
Celine POV

Papunta na ako ngayon kung saan ako laging pumupunta pagdating namin nang umaga.

Umakyat pa ako sa puno at tumalon papunta sa bintana, mabuti nalang lagi niya ito iniiwang bukas.

Nangakapasok na ako pumunta agad ako sa sofa at nahiga habang Inaantay ko siyang magising,

"Meow"-(Grabe naman matulog to)

Oo lagi akong pumupunta dito kapag umaga, siya naman ang nag sabing ppumunta ako eh, at dahil wala naman akong ginagawa dahil umaalis si ate kaya pumupunta nalang ako dito.

Well the truth is sinasama naman ako ni ate pero ayoko, panggigigilan lang naman nila ako pag nakikita nila ako, ang cute ko kaya ang hahaba pa nang mga balahibo ko.

Buti nalang hindi ako naging gusgusin at pangit na pusa, kung hindi hindi ko kakayanin.

Well gusto nyo bang malaman kung bakit ako pumupunta dito well ganito kasi yon

----------------FLASH BACK-------------
Lumabas na ako mula sa bag dahil mukhang nakalimutan na niya ako.

"Meow"

Medyo nagulat ata siya sa pag labas ko.

"Hala nandito ka pa pala!"

"Meow"( kaya mo nga ako nakikita diba)

"Pano na yan, hindi pa kita maibabalik, hindi ko alam kung saan dinala yung amo mo"

"Meow"(ano!)

"Pero dahil cute ka okay lang sakin na dito ka muna"

"Meow"(Ayoko)

Naalala ko hindi nga pala niya ako naiintindihan. Nag sasayang lang ako ng laway ko

Pero nasaan na si ate Zarah, nag aalala na talaga ako sakanya.

Pero dahil dito sa kasama ko nakalimutan ko na yung tungkol kay ate Zahara pano ba naman kasi, pinaglaruan ba naman ako, ano siya bata, grabe ang kulit niya.

"Grabe ang cute mo talaga, saan ka kaya nabili ni Zahara"

"Meow"-(Mukha ba akong binili lang kung saan saan ha!)

Tapos niyakap yakap ba naman ako, mabait ako pero medyo naasar na ako, hay kung tao lang ako ngayon baka nasapak ko na to.

Nilalabas niya yung bad side ko sa ginagawa niya eh. Hindi nga ako ginaganyan ni ate, well ginaganyan niya din pala ako.

Pero medyo okay nadin pinakain niya kasi ako pagkatapos niya akong lamugin.

Grabe favorite ko yung hinanda niya para sakin, isang malaking isda, well pusa ako eh na tao tapos yung sakanya naman isang malaking steak.

Grabe maubos niya kaya yan. At buti nalang pala linagay niya sa plato yung pagkain ko, kung hindi, hindi ko yun kakainin.

Pagkatapos naming kumain. Pinasyal niya ako sa garden sa likod nang palasyo. Ang ganda nang mga bulaklak, nag tatatakbo nga ako dun eh.

Tapos hinabol niya ako.

"Wait lang Celine, baka maapakan mo yung mga halaman"

Sabi niya habang papalapit sakin. Siyempre humunto nalang ako. May mga bagong tanim palang mga halaman dito.

Pagkatapos non binuhat nalang niya ako habang nag lilibot, ang lawak nang garden dito.

Pagkatapos non bumalik narin kami sa kwarto niya, nahiga naman ako sa couch at nagpahinga.

Ilang saglit pa
may narinig kaming kumatok napatingin din ako sa pinto, binuksan ni Ace yung pinto tapos may kinausap siyang lalaki.

Then bumalik na siya dito sa tabi ko

"Uy Celine ihahatid kana daw nila sa amo mo"

At binuhat na niya ako.

"Bumalik ka dito ah. Laging namang bukas yung bintana ko, umakyat ka nalang, may puno naman jan sa tabi"

Sabi niya at binigay na niya ako sa lalaking kumatok. Pagka baba namin sinakay niya ako sa karawahe,simple lang naman yung parang ginagamit sa pang araw-araw.

Inilapag niya ako sa upuan, at siyempre wala naman akong gagawin kaya natulog nalang ako.

---------END OF FLASH BACK--------

Ilang saglit pa gumising narin siya.

"Oh nandito ka nanaman pala, halika nga dito"

Sabi niya pero hindi ko siya pinansin, ayoko nga no panggigigilan nanaman ako niyan at baka yakapin niya nanaman ako.

"Grabe ang sungit naman nito, halika na bilis"

At naka buka pa ang kamay niya na para bang inaantay niya akong pumunta sa kanya para yakapin.

No way

At siya na mismo ang lumapin sa akin at kinuha ako. Tapos pinanggigilan nanaman ako. Grabe eto ang ayaw ko masyado nilang pinaparamdam na pusa ako.

Pero totoo naman, pero kahit na hindi ako normal na pusa.

"Hay grabe ang cute mo talaga Celine, akin ka nalang kaya!
Hihingiin nalang kita kay Zahara, para may pusa ako"

"Meow"-(Kapal nang mukha mo, ang sweet na nung sinabi mo nung una eh)

"Pero baka hindi niya ako pag bigyan mukhang mahal na mahal ka non eh, nagpanik ba naman nang hindi ka niya makita"

"Meow"-(Siyempre mahal ako nun no!)

Hoy baka iniisip niyo nang may gusto ako sa lalaking to ah, Pwes nagkakamali kayo dahil wala akong gusto sa kanya.

Trip ko lang pumunta dito ang ganda kasi nang kwarto niya no.



Wait for youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang