TLFL 8: Chris Pov

Start from the beginning
                                    

*****

Nangdito ako sofa.. Hinihintay ko ng bumaba si Ma.. Nakahanda na ang agahan na ako mismo ang nagluto lahat.. Yeah.. I'm quite a good cook..

Ilang minuto ang lumipas, nakita ko si Ma na pababa na ng hagdan. Ang ganda talaga ni Ma. Mapagkakamalan talaga siyang dalaga pa. Masarap siguro mag-alaga si Pa.. haha..

Mukhang hindi niya ako napansin dahil diretso lang siya sa hapagkainan.. Pero biglang kumunot ang kanyang mga noo.

"Hubby?! Hubby ko!" sigaw niya kay Pa. Hindi sumagot si Pa. Syempre hindi talaga yun sasagot kasi kakontyaba ko yun..

Palihim akong lumakad sa abot ng aking makakaya na hindi niya ako mahuli.

"Nasan na kaya si Hubby.. Bakit ang daming pagkain at ang pagkakaluto ay mukhang luto ng baby ko.. I am referring to my son Chris. Imposible naman na siya ang nagluto ng lahat ng ito dahil nasa Amer-"

"Good morning Ma.. I love you.." biglang sabi ko at hinalikan siya pisngi.. Napalingon siya sa akin..

O_____O-itsura ni Ma. She even blinked twice.. Tapos hinawakan ako sa magkabilang pisngi..

"WAAAHHHH!!! Totoo nga.. ikaw na nga ito anak... Lalo kang gumwapo!!" masiglang sabi niya at niyakap ako. Tapos nagtatalon talon.

"Kumusta na po kayo Ma?"

"I miss you so much Anak.. Alam mo hindi ko naman talaga gustong ipadala ka sa States eh.. Kaya lang you were so depressed. The only way for you to move on is for you to be sent to the States..." halos mangiyak-iyak na sabi ni Ma.

"I miss you too Ma so much.." tanging sabi ko. Miss ko talaga si Mama ng sobra.. Umupo na kami sa mesa..

"After 3 yrs. ngayon ko lang ulit natikman ang luto mo.. Ang saya-saya ko anak na nangdito ka na... But does this means nakapagmove on kana?"

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Pa. Umupo siya sa kabisera ng mesa dahil siya ang padre di pamilya.

"Oh Hubby.. saan ka pala nanggaling? Kanina tinawag kita wala ka.. Tapos natatandaan ko nauna kang lumabas ng kwarto."

"Ahhh..ah.. Nanggaling ako sa puso mo Sweetheart." Ahahah.. ibang klase palusot ni Pa.

"Hubby naman.. Seryoso ako."

"Aheheh.. pinuntahan ko.lang si Eddie Honey. Pinagsabihan ko siya sa pagkatulog mantika niya... Kasi pagnagkataon na totoong napasok na tayo ng magnanakaw o masamang loob kagabi, ewan ko lang.."

"Ahhh.. so yung kagabi hindi pala yun magnanakaw?"

"Yes Ma.. It was me.. Susurpresahin ko sana kayo ni Dad.. Kaya lang si Doggy, sinira ang plano ko.."

"Ahaha.. So kaya pala.. Anyway let's set that matter aside at magkwento ka tungkol sa mga naging karahasan mo instead anak..."

"Sigeh Ma.. Sure.. alin ba gusto nyong malaman?"

"Ahh.. nakapagmove on ka na ba anak?"

"Hmmm.. yes.. Ma.. I've moved on an-"

"Opps.. Ma.. gotta go.. tell you more later.. nagvibrate na alarm ko.." sabi ko na nakangiti.. Biglang pumasok sa isipan ko si Mysterious girl..

"Mukhang nakapagmoved on ka na nga.. Pero kakaiba mga ngiti mo anak.. right hubby ko?" sabi ni Ma at tumingin kay pa..

"You won't believe it Ma Pa if I tell you..." sabi ko na nakangiti..

"What is it anak? Please tell us.." - Ma asked curiously.

"I would love to tell you everything Ma, Pa.. Pero kailangan ko ng umalis.. Sa ngayon, this is the only I can tell you... I think Mary's alive.." sabi ko.. at ang mga mukha nila epic.. naiintindihan ko naman sila.. Kahit sino naman siguro ang makarinig na buhay ang taong pinaniniwalaang patay na..

"Ok Ma, Pa.. See you later nalang.." sabi ko at hinalikan si Ma sa pisngi.. Niyakap ko naman si Pa..

****

Malapit na ako sa Academy nang maisipan kong itext ulit ang bestfriend kong si MiCo. Pero bago yun huminto muna ako sa gilid ng kalsada. Maaga pa naman so ok lang na huminto muna ako. Hindi safe magtext habang nagmamaneho.

Si MiCo ang nag-iisang anak ng may-ari ng Academy. Siya lang ang nakakaalam na nangdito na ako sa Pilipinas.

To: MiCo
0939xxxXXXX

-Pre.. Parating na ako diyan sa Academy. Kita tayo. Text ko sa kanya.

Walang apat na segundo, nagreply siya.

From: MiCo
0939xxxXXXX

-Ok Pre.. pero pwede bang matulungan mo akong hanapin si Alex?

To: MiCo
0939xxxXXXX

Sinong Alex?

From: MiCo
0939xxxXXXX

-Only daughter ni Mr. Alexander Ducaine na kaibigan ni Daddy. Transferee dito sa Academy at kailangan ko daw tulungan sa paghahanap ng mga rooms niya. Tapos tour daw sa buong Academy.

To: MiCo
0939xxxXXXX

-Sigeh Pre.. Hindi naman siguro tayo mahihirapan dyan.

From: MiCo
0939xxxXXXX

-Hindi ko alam pre.. Pero sa tingin ko magkakaproblema talaga ako sa kanya lalo na ngayong nalaman ko mula sa kuya niya na hindi niya totoong kuya, na galit daw siya sa akin..

To: MiCo
0939xxxXXXX

-Bakit naman daw galit?

From: MiCo
0939xxxXXXX

-Mahabang estorya pre.. Mas mabuting sabihin ko sayo personal.

To: MiCo
0939xxxXXXX

-Sigeh pre..

Pagkatapos kong makipagtext kay MiCo ay binalik ko na ang phone ko sa aking bulsa. bumalik na ako sa pagmamaneho..

Thanks for reading!

Authors Note:Please do VOTE, COMMENT, SHARE and FOLLOW me!

This story is originally made by: Rosemarie Sabanal (TheIceCreamCandyGirl).

PLEASE NEVER COPY NOR PLAGIARIZE..

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Where stories live. Discover now