"Scared of what?" tanong niya, ang pagtataka ay mababakasan sa kanyang boses.

Hindi ko inasahan na pati 'yon ay maririnig niya pa. Napakahina na ng pagkakasabi ko no'n kaya ano't narinig niya pa?

Nakayuko akong umiling. "Nevermind."

Muli na namang dumaan ang ilan pang araw. Dumating na sa punto na naging iritable si Carrick, na miski presensya ng kahit sino ay hindi niya matagalan. May mga pagkakataon din na madalas niyang hanapin, itanong at banggitin si Gab. Masakit pero nagawa kong tiisin ang lahat ng 'yon para sa kanya.

Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, hindi ito ang oras para sumuko ako at bumitaw. Kahit pa na ang daming rason para bitawan siya ay hindi ko gagawin. Kailangan niya ako ngayon at mananatili ako sa tabi niya kahit anong mangyari.

"Bella..." tawag sa akin ni Carrick na ikinagulat ko.

Hapon na ngayon at kasalukuyan kong inihahanda ang pagkain niya. Ako ang naiwan dito kasama niya dahil kinailangang umuwi nina Tita Maria para magpahinga. Ilang araw na silang hindi nakakatulog ng maayos kababantay kay Carrick.

Dahan dahan ko siyang nilingon. "Bakit Carrick? May kailangan ka?" kaswal kong tanong.

Mas minabuti kong pakisamahan siya ng naaayon sa kanyang gusto, iyong walang halong kasweetan o kung ano pa.

"Ano ba talaga kita?" tanong niya.

Natigilan ako at hindi nakasagot kaagad. Nanatili akong nakatingin sa kanya na para bang sa ganoong paraan niya malalaman ang lahat ng emosyon at damdamin ko para sa kanya.

Masakit, dahil sa dinami rami ng tanong ay 'yon yata ang pinakamasakit sa lahat. Iyong tanungin niya ako kung ano ba talaga ako sa kanya, kung anong papel ko sa buhay niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. 'Ayun na naman kasi 'yong pangungunot ng kanyang noo na siyang nagpapatunay na wala talaga siyang maalala.

Matapos ang ilang araw ay ngayon nalang niya ulit ito itinanong. Siguro'y humanap din siya ng tiyempo dahil nakikita niyang hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat lahat.

Nakagat ko ang ibabang labi saka siya muling tinalikuran. Itinuon ko ang pansin sa kaninang inihahandang pagkain.

"Why can't you tell me?" tanong niya.

"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong ko, nakatalikod pa rin sa kanya.

Ang bilin ng Doctor at neurologist ni Carrick ay iwasan naming sabihin ang mga bagay bagay na siyang makapagpapabigla sa kanya. At sa tingin ko, isa 'tong tungkol sa amin sa mga 'yon kaya medyo nagaalangan at natatakot pa ako.

Hindi siya pwedeng pilitin na makaalala dahil higit 'yong makakasama sa kanya at sa kondisyon niya. Iwasan din daw naming i-pressure siyang alalahanin ang lahat ng nalimutan niya.

"Because I want to," kaswal niyang sagot.

Nang lingunin ko siya ay saktong dinilaan niya ang kanyang ibabang labi. Natigilan ako at napatitig doon.

"Do you really want to know?" tanong ko at matunog na bumuntong hininga.

Tumango siya. "Of course, tatanungin ba ulit kita kung hindi?"

"We're..."

"We're what?"

"We're married," sabi ko saka mabilis na tumalikod sa kanya.

Hindi ko yata kayang makita ang ekspresyon niya sa oras na maproseso niya ang sinabi ko. Dati, siya ang nagsabi sa akin na kasal kami no'ng hindi ko pa alam. Ngayon ay tila nagkabaliktad yata.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now