CHAPTER 2 "HE'S BACK"

689 11 0
                                    


Palaisipan parin saakin ang nangyari kanina. I know I'm not hallucinating nong makita ko ang tatak ng maskara ng babae.

It's spider. 

Spider is the phantom troupes mark.

Why they are after to me? Bakit nila ako sinundan at pinaputukan?

Inutusan siguro ng leader nila patayin na ako. Napakuyom ako sa mga kamao ko.

You're eager to kill me ha! We'll better luck next time.

"Ma'am tubig ka muna"

Napabaling ako ng tingin kay mang tonyo. Nginitian ko siya at tinanggap ang tubig na hawak niya.

"Salamat mang tonyo"

"Ma'am wag niyo na pong masyadong isipin ang nangyari kanina ang importante ligtas po kayo" malumanay niyang pahayag pero bakas parin ang pag-aalala sa tinig niya.

"Di ko mapigilan mang ton alam ko naman na maraming galit sakin na mga kalaban ko sa negosyo pero di umabot sa ganitong punto na ipapatay nila ako at isa pa mang ton may mali kasi" nilingon ko siya.

"Bakit ma'am?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Kasi mang ton nung papasok na tayo sa gate ng village nilingon ko ang sasakyan na sumusunod sa atin at nakita ko ang isang babae na may hawak ng baril at alam ko siya ang nagpaputok satin ang ikinagulat ko mang ton ay ang maskarang suot ng babae"

"Maskara baka mo ma'am?" nagtatakang tanong niya saakin.

"Oo mang ton nakasuot siya ng maskara na may tatak na spider at alam mo naman yon mang ton hindi ba ang ibig sabihin ng tatak na yon?"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Wag mong sabihin ma'am na miyembro ng phantom troupes ang tumarget saatin?" may bahid na pagkagulat niyang tanong.

"Ganon na nga mang ton. Alam mo naman kung sino ang pinuno ng napakalaking mafia nayon dba? Kaya nga mang ton palaisipan talaga sa akin ang nangyari kung bakit nila tayo sinusundan"

Nakita kung napaisip ng malalim si mang tonyo.

Alam nila leyla at mang tonyo ang nakaraan ko. Sila ang dumamay saakin nong mga panahon na para akong bulag sa mundo. Sila ang umagapay saakin at sila rin ang mga taong pinagkatiwalaan ko sa lahat.

"Napaisip rin ako mang ton na baka ipapatay na talaga ako ng leader nila" balewala kung pahayag.

Nakita kung mas nagulat siya sa tinuran ko.

" Wag niyong isipin yan ma'am imposible po yang mangyari" biglang defensive niyang turan.

"Bakit naman imposible mang ton? Nalaman siguro niya na gusto kung kunin sa kanya ang kwintas ko kaya inunahan na niya ako para di matuloy ang plano ko"

"I mean ma'am na imposible pong mangyari yan kasi sa kay tagal tagal mo nang plinano na makuha ang kwintas ngayon pa niya naisipan na ipapatay ka sana nuon pa ma'am kaya imposible talaga" parang defensive niyang sagot

"Kung sabagay mang ton pero bakit nila tayo sinundan at pinaputukan? kung hindi yon ang intensyon niya?"

Napabuntong hininga si mang ton.

"Wag niyo na lang pong isipin yan ma'am ang importante ligtas kayo at wag po kayong mag alala proprotektahan ko po kayo sa abot ng aking makakaya. Hindi niya-- I mean hindi ko hahayaan ng may mangyari sayong masama"

Napangiti ako sa tinuran ni mang ton.

"Salamat mang ton. Marami po talagang salamat" pasalamat ko pa kay mang tonyo. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanila ni leyla.

THE BROKEN TRUSTWhere stories live. Discover now